Chapter 39: Jealous chit.

420 7 0
                                    

Samantala nang mga oras ding iyon,nasa isang fastfood ang magkasintahang Chit at Mike,galing sila sa trabaho at naisipan nilang mamasyal muna at mag-kuwentuhan tungkol sa buhay at mga kaibigan nila.

"Magkababata kaming tatlo pero sina Gil at Edward ang talagang mag-bestfriend, in fact magkahawig sila kaya madalas mapag-kamalang kambal!"

"Talaga?"

"Uhum, same hight,same built, same color,pati style nang pananamit, pag upo,pagtayo at paglakad pareho sila!"

"Ang galing naman, naka attend ba siya noong kasal nina Tess at Gil?"

"Of course, siya yung best man eh! Kaya siguradong kilala siya ni Tess."

Napaisip si Chit,siya ang maid of honor pero bakit di man lang niya napansin na kamukha ni Gil ang bestman? Lutang din kasi siya nung time na yun.

"Kumusta na kaya ang kapatid ko , tinatrato kaya siya nang maayos?"

"Oo naman,
mabubuting tao ang mga Revera kaya dont worry,she'll be okey with them!"

Humugot ng malalim na hininga si Chit bago sumagot.
"I just hope so..."

Tumawa nang mahina si Mike.
"You have to believe me, tita Clarissa is one of the most gentle,
considerate and kind woman i have ever known!"

"Wee,di nga, sure ka?"
Pang aasar ni Chit sa nobyo.

"Very sure, because if not, nahihirapan ka pa sanang mag apply hanggang ngayon for being in-experienced!"

Takang napatingin si Chit sa kasama pero hindi muna nag comment.

"First ever job ko rin ito at mag iisang taon pa lang din ako sa bangko as manager ,
sabay lang kaming grumadweyt ni Gil eh!"

Hindi na nakatiis si Chit at isinatinig na ang nasa isip.
"They own the bank,am i right?"

Tumango si Mike,bakas ang pagmamalaki.
"Ang katuwiran ni tita Clarissa, hindi magkakaroon ng experience ang mga newly graduates kung walang magbibigay sa kanila ng chances!"

Kinilabutan sa sobrang paghanga si Chit sa mga magulang ng bayaw,lalo na kay mrs.Revera.

"Kaya ipalagay mo ang loob mo dahil walang mangyayaring masama kay Tess,hindi siya mami-mis treat doon,okey?"
Tumango si Chit.

"Nadalaw mo na ba si gil mula nang ma-hospitalized siya?"

"Sa hospital lang noong nasa icu siya,pero hindi na nasundan."

"Bakit?"

"Because i dont want to see Princess and i dont like the idea of her being the fake wife!"

Nakaramdam ng konting sigid ng kirot sa dibdib si Chit, may gusto ba si Mike kay Princess?

Parang nabasa naman ni Mike ang nasa isip ni Chit,kaya sinagot ito.

"Kababata din namin si Princess,at pareho kami ni Edward na may gusto sa kanya pero kay Gil siya may gusto na kapatid lang ang turing sa kanya dahil inaanak ito ni tita Clarissa sa binyag!"

Pareho silang natahimik at itinuloy ang pagkain.
Pero nawalan na ng ganang kumain si Chit.

"Im done,lets go!"

"What? Halos di mo pa nga nagagalaw ang pagkain mo ah!"

"Busog pa pala ako sa miniryenda natin kanina!"
Pagdadahilan niya.

"W-whats wrong with you? Are you okey?"
Nagtatakang tanong ni Mike at humabol sa palabas na'ng si Chit.

"WALA AKONG PROBLEMA,WHAT MADE YOU THINK NA MAY PROBLEMA AKO?"

"Bigla kang nawalan ng gana and that... You are already yelling at me, what have i done?"

Hindi sumagot si Chit pero nakasimangot siyang sumandal sa kotse ni Mike at nag cross armed.

Napakamot naman ng ulo si Mike at iiling iling,hindi malaman ang gagawin.
"Tsk,masisira ang pagka magna cumlaude ko sa isang ito,hindi ko siya maintindihan!"

Tumabi siya kay Chit at anyong aakbay pero umikot si Chit para matanggal ang mga kamay ng lalaki sa balikat niya.

"Take me home."

"No,not until you tell me what is wrong with you!"
Si mike naman ang sumandal sa kotse at nag cross armed.

"Fine,i'll take a taxi!"
Sabay pihit nito papunta sa tabing kalsada.

Hinabol siya ni Mike.
"Love naman,ba't ba kasi? May nasabi ba akong masama?"

"Hindi mo alam?"

Napakamot na naman sa ulo si Mike na parang mapipikon na.
"I have no idea,so please tell me!"

"You are so insensitive!"
Hinablot ni Chit ang sariling braso mula sa pagkakahawak ni Mike.

Napatuwid naman ng tayo ang lalaki at unti unting napangiti.
"Nagseselos ka kay Princess ano?"

"Ewan ko sa yo, manhid!"

Pomormal si Mike at saka binuksan ang passenger's side para kay Chit.

"SAKAY!"
Kunot ang noo'ng utos nito sa nobya.

Si Chit naman ang nabigla at kinakabahang sumakay pero hindi nagpahalata.

Tahimik silang pareho habang nasa biyahe papunta sa pag asa. Pagdating sa bahay nila ay mabilis na bumaba si mike at pinagbuksan si Chit ng pinto pero kunot noo pa rin.

"BABA!"
Asik nito sa nagtatakang nobya.

"TALAGANG BABABA NA AKO KAYA DI MO NA AKO KAILANGANG BULYAWAN!"
Ganting asik niya.

Mabilis na tinungo ni Chit ang bahay nila at padaskol nitong binuksan ang pinto.

Pero bago pa niya naisara uli ang pinto ay nakapasok na rin si Mike.

"O bakit pumasok ka pa dito? Umuwe ka na lang at sundan mo sa australia yung princess niy...umph!"
Sinusian na ni Mike ang labi ng nabiglang dalaga.

Pilit na kumawala si Chit pero lalo lang idiniin ni Mike ang sarili dito hanggang sa gumanti na rin ng halik ang babae.

Nakangiting inilayo ni mike ang mukha sa nobya.
"Wala kang dapat na ipagselos doon dahil wala na akong gusto sa kanya,nagka crush lang ako ng konti noon pero wala na ngayon. Si Edward na lang ang nagpa-pakamatay sa kanya!"

"O e bakit hindi mo kamo madalaw si Gil dahil ayaw mong makita si Princess?"

Umupo sa sofa si Mike saka marahang hinila si Chit para iupo sa kandungan niya.

"Hindi ko lang nagustuhan ang pagpapanggap niya dahil winala'n nila ng karapatan ang tunay na asawa. I felt sorry for your sister,that's why..."

Hindi na naituloy ni Mike ang sinasabi dahil siya naman ang dinuhapang ni Chit sa labi.

"Anong hitsura ni Edward,guwapo rin ba siyang tulad niyo ni Gil?"
Nakangiti na si Chit.

"Magkahawig sila ni Gil,they looks like twins,what do you expect?"

DING DONG! DING DONG!











The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon