Pipigain niya ang manager bukas pagpasok niya. Aalamin niya kung sino yung babae at kung anong kaugnayan niya kay Gil.
Lalong nanlata si Chit sa mga natuklasan kaya dumiretso na ito ng uwe.
Nagpalit lang siya ng pambahay at natulog na.
Samantala, sa pub house na kina-roroonan nila Tess sa kasalukuyan ay may isang lalaki uli na mag isang nakaupo sa madilim na sulok at umiinom ng beer.
Hinihintay ni Tess na magrequest dahil naniniwala siya na ang lalaking ito at ang nag request ng 'always somewhere' sa bistro ay iisa.
At naniniwala siyang kung hindi man si Gil ang lalaki ay may kinalaman ito sa asawa.
Pero hindi nagre-request ang lalaki,mukhang kontento na ito sa pakikinig lang.
Kaya nang muling sumalang si Tess naisip niyang kantahin ang tunay na laman ng puso niya para kay Gil.
Lumapit siya kay Johny at ibinulong dito ang kanta. Hindi kasi ito kasama sa inihanda nilang piyesa para sa gabing iyon.
"The next piece that im going to sing is a song written by the Jackson five. I would like to dedicate this to the only man who owns my heart...
"When... I had you,
I treated you bad ...
And wrong my dearAnd boy since
Since you went away
Dont you know
I sit around with
my head
Hanging down
And i wonder whos loving
you?I.......
I shoud have never
Ever ever made you cry
And boy, since you've
Been goneDont you know
I,sit arround with my
Head hanging down
And i wonder
Whos loving youLife with out love, ooh
Is so lonely
I dont think
I dont think
I gonna make itAll my life
All my life
Belongs to you onlyCome on and take it boy, because all
All i can do
All i can doSince you've been
Gone is cry
And you...
And ever wonder,
And worry you
Fill in head bout
what i doDont you know
I,sit around
With my head
Hanging down
And i wonder
Who's lo....ving...
you!!!"Habang kumakanta siya ang mata niya ay nakatutok sa nag iisang lalaki sa sulok,
Inoobserbahan niya ang reaction nito.Pero normal lang ang reaction ng lalaki. Pagkatapos niyang kumanta ay pumalakpak ito.
Maya maya ay tinawag nito ang waiter at nagbayad ng Chit.
"Hindi siya...Walang kinalaman sa kanya..."
Gumuho na naman ang pag asa niya."Siguro nga tama sila. Kailangang tanggapin ko na,na wala ka na Gil. Para mawala na rin ang galit at hinanakit sa puso ko. Kailangang patawarin ko na ang sarili ko."
Dahil maaga silang sumalang,maaga din silang makakauwe.
Pagdating nila sa bahay ay tulog pa rin si Chit kaya dahan dahan lang ang kilos nila ni Chloe.
Kaso minsan,mentras nag iingat ka lalo ka pang tinitirya ng pagkakataon.
Bumagsak ang relo ni Tess sa sahig na ikinagising ni chit.
"Patay, gulo na naman ito,may magagalit na naman dahil nabulahaw!"Inihanda na niya ang sarili sa tungayaw ng nakakatandang kapatid.
"Andito na pala kayo?Ang aga niyo ah!"
Napatingin si tess kay Chloe. Himala!
"Tess,mag usap tayo,okey lang ba sa iyo? I mean nasa mood ka ba?"
Nagtataka man ay sumagot pa rin si Tess.
"Oo naman,bakit naman hindi?""Tara doon tayo sa balcon!" Hinawakan siya ni Chit sa braso at marahang inakay.
"Ano ito,
makikipagbati? Manenermon o magsosorry?"Hinila ni Chit ang isang iron chair at umupo. Nakatayo lang si Tess.
"Umupo ka,medyo nakaka-stress ang sasabihin ko baka pangalogan ka ng tuhod!"
Naintrigue si Tess kaya umupo na rin at kinakabahang naghintay sa sasabihin ng ate niya.
Umubo ubo muna si Chit bago nag umpisa.
"Pag nalaman mong buhay si Gil at masaya na sa piling ng iba,anong gagawin mo?"Parang nabingi si Tess at umikot ang buong paligid sa kanya. Bigla siyang nahilo kaya sinapo niya ang ulo.
"Huwag kang umiyak,hindi pa naman sure!"
Tumitig siya kay Chit na nakaawang ang bibig, parang doon niya mismo sa kapatid gustong hanapin ang sagot sa sariling tanong nito.
Ikinuwento ni Chit ang nangyari sa bangko at ang pagpunta niya sa address na isinulat ng manager.
Isinubsob ni Tess ang mukha sa lamesang bakal at tahimik na lumuha. Hinaplos ni Chit ang buhok ng kapatid at binulungan bulungan ito.
"Di ba sabi mo noon,malaman mo lang na buhay siya kahit nasa piling na ng iba ay magiging okey ka na? Sabi mo, magiging masaya ka na lang para sa kanya, ayan na o!"
Inangat ni Tess ang mukha.
"A-ate, gusto kong makatiyak! Pag nakita kong hindi na nga niya ako kailangan, pag napatunayan kong masaya na nga siya, doon ko pa lang uumpisahang mag move on."Napaisip si Chit. Gusto niya itong samahan bukas, pero baka tuluyan na siya sesantehin pag di pa siya pumasok.
"Sa sunday na lang ng umaga. Di na kasi ako pwedeng umabsent. Alam mo naman kyng gaano kahirap maghanap ng trabaho ngayon!"
Umiling si Tess.
"Hindi na te, akong mag isa ang pupunta. Ibigay mo sa akin ang address!"Natigilan si Chit,baka mapano ang kapatid niya. Baka saktan ito ng mga Revera.
"Pasama ka kela ate Melba at kuya Rudy, basta wag ka lang pupuntang mag isa!"
Ngumiti si Tess at saka tumango.
"Akina'ng address te!"Ibinigay ni Chit ang note saka niyakap nang mahigpit ang kapatid.
Ito ang matagal nang hinahanap ni Tess mula sa mga kaanak,ang comfort at pagdamay.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomansaGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...