"Wow, did you really missed each other? "
Nakakalokong tanong ni Hazel kina Tess at Alice.Pulang pula ang mukhang napayuko sa notes niya si Alice, para siyang maiiyak na hindi mawari ni Tess.
"OH, well i dont care what presumption you have to one another, hahaha!"
Nakitawa ang iba nilang mga kaklase kay Hazel habang palipat lipat sa magkaibigan ang mga nakakalokong tingin.
Pero hindi na ito pinansin ni Tess. Inilabas nito ang portfolio at ang laptop at nag umpisa na itong maghanda para sa pagdating ng kanilang lecturer.
Ganoon din ang ginawa ni Alice pero nahuhuli ni Tess ang mga pailalim at mga panakaw na tingin nito sa kanya.
Nang oras ng lunch break, hindi sumabay si Alice sa kanya, kaya kumain siyang mag isa. Hindi na niya kinulit ang kaibigan nung sabihin nitong hindi ito magla lunch.
"Siguro mas nag enjoy siya sa company ng mga yun kaya lumalayo na siya sa akin. Kaya lang bakit parang sarcastic sila sa kanya?"
Hanggang sa oras ng uwian ay hindi sumabay sa kanya si Alice. Hindi na rin niya ito hinanap.
Paglabas niya ng gate ay naghihintay na si Jerome sa kanya.
"Hi babe, i missed you!"Sabay abot ng binata sa kanya ng extrang helmit.
"Helo, i missed you too! Anong ginawa mo nung week end? Hindi ka kasi sumilip sa gig namin eh!"
Hinalikan muna siya ni Jerome ng magaan sa labi bago sumagot habang inaalalayan siyang sumakay sa motorsiklo.
"Sumilip ako kaya lang di na ako nagpakita dahil pagdating ko dun kayo ang nakasalang tapos umalis din ako agad dahil may iniuwe akong t-trabaho sa bahay. "
Hindi na kumibo si Tess dahil alam niyang masipag talaga ang boyfriend niya.
Hindi agad siya iniuwe ni Jerome sa pag asa.
"Hoy, hindi ito ang daan papunta sa amin!""May pupuntahan lang tayo sandali, wag kang magpanic diyan!"
Sa isang bago at magandang condominium siya dinala ng binata.
"A-anong gagawin natin dito? Jerome, im warning you!"
Kinakabahang tanong niya sa binata na pinagtawanan lang siya."Relax, may ipapakita lang ako sa yo, wala ka bang tiwala sa akin?"
Sabi nito habang pinipindot ang button ng elevator papunta sa fifth floor.Inilabas nito sa bulsa ang susi at binuksan ang pinto ng unit 501 habang tahimik na nakikiramdam si Tess.
Tumambad sa paningin ni Tess ang isang maganda ngunit wala pang kagamit gamit na unit. Napipinturahan ito ng kulay blue at peach.
"Dont tell me..."
Hindi na niya naituloy ang sinasabi dahil bigla siyang binuhat ni Jerome na parang bride, papasok sa loob."Ayyy, ano ka ba? Nanggugulat ka naman e, ibaba mo nga ako!"
Saway niya habang pilit na kumakawala.Ibinaba siya ni Jerome sa isang nag iisang sofabed na naroon sa pinaka gitna at saka siya tumabi sa pagkakaupo.
"Sa akin ito, regalo ni tita Elise ang pinang down ko tapos ako na ang bahala sa monthly niya. Maganda ba?"
Buong pagma-malaking iginala ng binata ang tingin sa kabuoan ng unit.Iginala din ni Tess ang paningin saka siya tumango.
"Yah, maganda. Bagay sa personality mo! Kailan ka lilipat dito?"Hinila ni Jerome si Tess at iniupo sa lap niya saka ito tiningala habang nakapulupot ang mahahabang braso niya sa katawan nito.
"Pag naaprubahan ang loan ko, bibili ako ng mga gamit. Pero gusto ko sana, kasama kita paglipat ko dito!"
"Walang problema,
sasamahan kitang maglipat ng mga gamit mo dito!"
Nakangiti nitong sagot sa binata."Thats not what i mean! I want you to live with me here!"
Namumungay ang mga mata nang sabihin ito ni Jerome.Nanlaki ang mga mata ni Tess.
"G-gusto mong makipag live in ako sa yo? No way!"Ibinaba ni Jerome si Tess sa sofa at saka umupo sa sahig nang pa-yoga style sa harapan ng babae at saka ito tiningala habang ang baba(chin) ay nakapatong sa tuhod nito.
Nakaramdam ng kakaibang kiliti si Tess sa ginawa ng nobyo, pakiramdam niya ay may bahagi sa kanya ang unti unting nalulusaw na parang ice cream.
Gusto niyang tanggalin ang mukha ni Jerome sa kandungan niya pero para siyang nawalan ng buto sa mga kamay habang nanginginig naman ang mga tuhod niya.
Alam ni Jerome ang nararamdaman ni Tess kaya lalo niya itong tinukso.
Dinampian niya ng medyo moisted na halik ang magkabilang tuhod ni Tess bago siya nagsalita.
"I will marry you first of course!"Hindi nakakibo si Tess. Nalilito siya ngayon, pakiramdam niya lahat ng sasabihin ng binata ay o-'oo' siya.
Muli siyang kinandong ni Jerome at idinikit ang pisngi sa dibdib niya. Halos mabingi ang binata sa lakas ng kabog na nagmumula sa puso nito.
"Its time!"
Dumukot si Jerome sa bulsa nito at inilabas ang isang maliit at kulay violet na box.Binuksan ito habang magkasalikop pa rin ang mga braso sa katawan ni Tess, kaya kitang kita ni Tess nang ilabas nito mula sa kaheta ang isang gintong singsing na may kumikinang na diamante sa pinaka tuktok.
Kinuha ni Jerome ang kaliwang kamay ni Tess at saka hinagkan ang pinakagitna ng palad nito.
Nag iwan uli ng moist ang mga labi ni Jerome sa palad ni Tess na lalong ikinaliyo ng babae.
"Babe, will you be my wife? Please accept this ring and marry me as soon as possible. Tutal ilang araw na lang ga-graduate ka na."
"B-bakit ka ba n-nagmamadali? D-di ba sabi ko, h-hayaan mo muna akong magtrabaho h-habang dalaga, i m-mean habang wala pang a-asawa?"
Tiningala siya ni Jerome na parang puppy na nagpapaawa.
"We will be working together in every project, mas masaya yun di ba?"
Napaisip siya, bakit pa ba siya tatanggi? Happily married na si Gil at kontento na rin naman siya kay Jerome, kumbaga wala nang ibang mas qualified pa na candidate maliban sa binata.
At higit sa lahat, napapakilig siya nito. Nagagawa nitong lusawin ang bawat himaymay ng kanyang laman bagay na hindi nagawa ni Gil nung umpisa.
Naisip niyang siguro nga ay sila talaga ang itinadhana para sa isat isa.
Dahan dahan siyang tumango.
"S-sige, pakakasal ako sa yo!"
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...