Matagal nang nakahiga pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Tess, tinanaw niya si Gil sa kama nito at may kung anong matulis na kirot ang sumigid sa puso niya.
"D-doon kaya sa tabi niya natutulog si Princess? Malamang... 'asawa' ang pakilala sa kanya di ba? S-siguro lagi silang mag-kayakap,at saka siguro nakita na niya ang lahat kay Gil!"
Biglang kumilos si Gil kaya dali dali siyang pumikit at nakiramdam pero wala na siyang narinig uli.
Dahan dahan siyang nagmulat ng mga mata at nagtama ang mga mata nila ni Gil.
"I want to go to the bathroom. I need to pee!"
Sabi ni Gil, bumalikwas naman siya ng bangon at inalalayan ang asawa.Hinubaran niya ng pang ibaba ang lalaki at saka siya mabilis na tumalikod.
"Huwag ka nang lumabas saglit lang ito!"
Hindi lumingon si Tess, pinakiramdaman na lang niya ang mga ginagawa ni Gil."Im done!"
Napalingon siya at nakita niyang nagpupunas na ng towel sa kamay si Gil.Sinuotan niya uli ito ng pajama at saka ibinalik sa higaan.
Pagkatapos ay nakaramdam na siya ng antok. Saglit pa ay nakatulog na siya, wala siyang kamalay malay na may dalawang pares ng mga mata ang nakatitig sa kanya.
Kinabukasan,mataas na ang araw nang magising siya. Nasanay kasi siya sa kanila na every noon or after lunch na siya nagigising.
Nagmulat siya ng mga mata at iginala ang paningin sa loob ng kuwarto,parang inaalala sa isip kung nasaan siya at kung ano ang mga kaganapan sa nakaraang magdamag.
Napadako ang mga mata niya sa kama ni Gil at saka lang nag sink in sa kanya ang bago niyang situation.
"Oh shittt!" Bumalikwas siya ng bangon nang makitang wala ang asawa sa kama. Mabilis na hinagilap ang bonnet at saka lumabas ng kuwarto.
Napatigil siya nang marinig ang malalakas na boses ng mag ina sa dining area.
"Bakit ko gigisingin? Dapat siyang magkusa, trabaho niya yun eh!"
"Relax mom, remember, you are the one who hired her!"
Hindi na niya itinuloy ang paglabas sa halip ay kumuha siya ng gamit sa luggage at dumiretso sa banyo at mabilis na naligo.
"Maigi na'ng handa na ako in case, palayasin nila ako ora mismo!"
Pinagmasdan niya ang sarili sa salaming dinding sa tapat ng shower.
Medyo mahaba na ang mga buhok niya pwede nang hindi mag bonnet,kaya lang para pa rin talaga siyang tomboy. "Magandang tomboy!"
Napahiya siya sa naisip kaya dali dali niyang inalis sa salamin ang paningin at nag umpisa nang magbihis.
Paglabas niya ng banyo ay nasa kuwarto na si Gil at pormal itong tumitig sa kanya bago nagsalita.
"Maglunch ka muna doon tapos bumalik ka agad dahil hindi pa ako naliligo!"
Tumango lang siya at saka lumabas papunta ng dining area."Good morning maam, kakain na po ba kayo?"
Bati sa kanya ng isa sa mga katulong. Tumango lang siya at ngumiti nang tipid.Pagkatapos kumain ay bumalik agad siya sa kuwarto para asikasuhin si Gil.
"P-pwede bang magbrush muna ako?""Okey,bilisan mo!"
Walang emotion na sagot ni Gil. Kaya dali dali siyang nagbrush para hindi mainip ang asawa.Katulad kagabi,hinubaran uli niya si Gil na nakabaling ng 60 degree ang mukha.
"Tssh,para kang hindi tomboy!"
"Hindi naman talaga. B-babae ako Gil at...at a-asawa mo ako!"
Gusto niyang isigaw pero baka magalit sa kanya si mrs.Revera.Pinalabas uli siya ni Gil pagkatapos niya itong hubaran at itapat sa shower.
Habang naghihintay ay pumunta naman sa gilid nang kama ni Gil si Tess at tumanaw sa bintana. Nakita niya sa labas ang ibat ibang mga halamang namumulaklak sa garden ni mrs.Revera.
"Namimiss ko na'ng mag-garden. Kumusta na kaya ang mga halaman ko doon?"
Ang 'doon' na tinutukoy ng isip niya ay ang garden niya sa bahay nila ni Gil sa cotabato.
*FLASHBACK*
" klick klick klick!"
"Hey, no stealing pictures of flowers allowed in this area!"
" I dont care if you sue me as long as i can take a lot of pictures from the most beautiful flower alive in the city!"
"Tse, corny mo!"
"Im done!"
Dinig niya ang malakas na sigaw ni Gil na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan kaya patakbo niya itong pinasok sa banyo.
Nakaupo na si Gil sa wheelchair at natatabingan na rin ng malaking towel ang private part niya.
Walang kibong inilabas siya ni Tess sa banyo at saka marahang kinuha sa kamay niya ang towel at saka pinunasan ang likod at ang ulo nito. Nabigla man ay hindi na kumibo si Gil.
"Anong gusto mong isuot?" Tanong ni Tess sa asawa.
"Shorts at tshirt na lang. I want blue shorts and white tshirt!"
Tumango si Tess at mabilis na naglabas ng short at tshirt." Tonight we will be sharing bed!"
"W-what?!"
"You'll going to sleep beside me, para mas madali mong maramdaman o marinig pag nagigising ako at kung ano ang kailangan ko!"
"P-pero..."
"Anong ipinag aalala mo? Tomboy ka di ba? At isa pa, paralyse ang kalahating katawan ko kaya wala kang dapat na ikatakot!"
Pigil ang emotion na sabi ni Gil.Hindi agad nakasagot si Tess,gusto niyang magalit at sabihing umuurong na siya sa usapan at gusto na niyang umuwe.
"Ano ka ba Tess, di ba gusto mo siyang mayakap? Pagkakataon mo na oh! Magkukunwari ka lang na hindi mo sinasadya dahil tulog na tulog ka,di ba?"
"B-baka magalit ang m-mommy mo!"
"Napag usapan na namin ito kanina habang tulog ka pa kaya ikaw na lang ang problema kung papayag ka o hindi!"
Muling nagtalo ang isip ni Tess.
"Ano ba ito,anong gagawin ko? Ang awkward naman yata...Anong awkward? Asawa mo siya Tess kaya okey lang iyan!"Sumulyap siya kay Gil at nagsalubong uli ang mga titig nila. Hindi niya agad binawi ang paningin,hinayaan niyang mabusog ang mga mata niya sa guwapong mukha ng asawa,wala itong ipinagbago sa halos isang tao'ng hindi nila pagkikita maliban sa bahagya itong namayat.
"O-okey..."
Mahina at halos siya lang ang nakarinig na sagot niya.
BINABASA MO ANG
The virgin wife
RomanceGaano kasakit sa isang babae na sa murang edad ay sapilitang mapapakasal sa isang lalaking ayaw niya pero pinapangarap ng iba. At kung kailan na-appreciate na niya ang kakisigan at kabaitan ng napangasawa niya ay saka naman siya iniwan. Kung kaila...