Chapter 105: Life has just begun Final chapter

582 9 7
                                    

"Our marriage didnt worked, I can't love her, I couldn't love any one but you!"

Bagama't hindi makapaniwala ay yun na ang pinaka magandang salita na narinig ni Tess sa buong buhay niya.

"P-pero di ba kailan lang ang sweet sweet niyo? Lagi pa kayong nag uusap sa phone. At nung ipakilala mo siya sa amin, WIFE ang sabi mo!"

Tawa nang tawa si Gil.
"Pinagseselos lang kita, gusto ko lang makatiyak na may feelings ka pa rin sa akin! Best friends na lang kami nina Princess at silang dalawa ang kasosyo ko sa Real estate at pag ikinasal na tayo uli, ikaw ang magiging kasosyo nila dahil papalitan ko na si Dad sa pagiging CEO ng kompanya!"

Lunod na lunod sa sobrang kaligayahan si Tess at bigla niyang naalala ang huling sinabi ni aling Pining bago ito tumigil sa paghinga.

"Darating na siya, huwag kang mainip dahil na-traffic lang hihihi!"

Napatingala si Tess sa mukha ng pinakamamahal niyang ex husband.

"Pwede bang manligaw ka muna? Yung matinong panliligaw, yung tipong kikiligin ako!"

"Sure my love, my darling. Pero magpapaalam muna ako kay tay Anton na payagan akong haranahin ka gabi gabi habang naghahanda tayo ng kasal!"

Biglang lumabas sina mang Anton at aling Pilar.
"Bawal muna kayong ikasal, magsusukob kayo sa taon ng kuya Diego niyo. Tama na yang magligawan muna kayo ng isang taon at lalong kilalanin ang isat isa. I-enjoy niyo muna ang pagiging Boyfriends at girlfriends tulad ng ate Chit niyo. Tutal ay may tiwala kami sa inyo na hindi kayo lalagpas sa guhit, di ba?"

Pabirong umirap sa magulang si Tess.
"Ganun niyo lang siya kabilis pinayagan? Sa kilos niyo parang dati niyo nang alam na diborsyado na uli ang unggoy na to!"

Tumawa nang malakas si aling Pilar.
"Naibulong na sa aming ng kuya Mike at ate Chit niyo bago sila umalis!"

"Kaya pala ganun na lang kung makatingin noon si kuya Mike nang magsayaw kami ni Ysmael! "

Pagkasabi noon ay masayang muling pumasok sa kuwarto ang mag asawang Pilar at mang Anton.

Naiwang nagtititigan ang dating mag asawa turned boyfriend and girlfriends.

Muling naglapat ang mga labi at paulit ulit na nilasap ang tamis ng halik ng pagmamahal hanggang sa pareho nang namusarga ang mga nguso.

Kundi pa bumalik ang mga kaibigan ni Gil ay hindi pa sila titigil.

"Lalalabasin ko na sila sweetheart at baka pagtawanan ka nila sa nguso mo haha!"
Sabi ni Gil.

"Sige para ikaw lang ang pagtawanan nilang maga ang bunganga, haha!"
Sagot ni Tess na nawala na ang pagka ilang.

"At pinagtatawanan mo pa ako ha? Halika nga at dadagdagan ko pa yang maga mo!"

Hindi nakapalag si Tess nang muling siilin ng halik ang nanghahapdi na niyang mga labi.

Paglabas ni Gil, dinig na dinig ni Tess ang kantiyaw ng mga kaibigan sa boyfriend niya.

"O, napano yan?"

"Pinakain ako ni Tess ng siling labuyo!"

"Ulol, mukha mo! Kami pang paglolokohin mo eh tuwing may date kami, umuuwe kaming ganyan din ang mga nguso hahaha!"

Mag uumaga na nang makabalik sa pagtulog si Tess. Paulit ulit niyang sinasalat ang mga labi at saka mapapangiti. Para siyang isang dalagita na unang beses pa lang nakakatikim ng halik.

Kinabukasan nang tanghali ay dumating uli si Gil na may dalang mga alimango at malalaking sugpo.

Doon na din siya nakipananghalian. At pagkatapos nilang kumain ay nakipag kuwentuhan at nakipag biruan muna si Gil sa mga magulang ni Tess bago sila sabay na nagpunta sa lamayan.

Huling gabi na ng lamay kaya pinayagan na ng mag asawang Anton at Pilar na magpaumaga doon ang anak.

Game na nakipag laro ang dalawa sa truth or consequence at nagpalitan ng mga kanta. At kapag nakakasilip ng pagkakataon ay nagnanakaw ng halik si Gil.

Nang mapansin ng panganay na anak ni aling Pining na inaantok na ang dalawa ay ipinaglatag niya ang mga ito sa dating kuwarto ng matanda.

"Pagtiyagaan niyo na dito, kasi ito na lang ang bakante sa ngayon!"

Hindi na tumanggi ang dalawa. Magka holding hands na pumasok ang mga ito sa loob ng amoy kulob na kuwarto.
Isinara ni Gil ang pinto.

"H-hoy, huwag na baka kung anong isip... Umph!"

Hindi na naituloy ni Tess ang sasabihin dahil sinakmal na naman ni Gil ang mga labi niya pababa sa leeg,
pababa sa dibdib.

"Gil wagh, bhaka multhuhin thayo ni Haleng Phineng dhitooh!"

"I miss you so much sweetheart. Promise,
hahalikan lang ako sa... "

Isinandal ni Gil sa dingding si Tess at itinaas ang tshirt nito saka hinalikan ang ibabaw ng bra sa tapat ng cleavage.

"Sweetarrrt, akhala kho bah inaantok kha?"

Hindi siya pinansin ni Gil sa halip ay binuhat siya nito na'ng bridal style at inihiga sa banig na inilatag para sa kanila.

Wala nang lakas para pumalag kaya pinapanood na lang ni Tess ang ginagawa ni Gil habang hinuhubad nito ang sariling damit.

Nang wala nang sagabal, kinuha ni Gil ang kumot na nakatiklop sa paanan at itinakip sa katawan nila.

"Sweetheart, i-itutuloy ko na ba?"
Tanong nito sa paos na boses habang nakatunghay sa mukha ng dating asawa.

"S-sweetheart, do it! I... I think I'm ready. K-kaya ko na!"
Sagot niya habang nakapikit dahil sa nadarama'ng hiya sa sarili.

Yun lang ang hinihintay ni Gil at tuluyan na pinag isa ang kanila'ng mga katawan.
"Oh Tesss..."

"G-Gil..."

Ilang sandali pa at sabay nila'ng narating ang paraiso na muntik na nila'ng hindi matagpuan. Buti na lang at hindi nila sinukuan ang isa't isa.

Parang walang kapaguran na sinulit nila ang pamamasyal sa kalawakan hanggang sa mapagod at bumalik sa kasalukuyan.

"I love you!"

"I love you too!"

"Thank you aling Pining!"
Sabay nilang usal sa isip.

                     THE END

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon