Chapter 10: The propossal

483 13 0
                                    

Dumating ang araw nang engagement party. Nanliliit sina mang Anton at aling Pilar sa klase ng buhay ng mga Revera

Mula sa laki at ganda ng bahay,sa mga kasangkapan, sa luwang ng garahe na may pitong sasakyan at sa luwang ng bakuran na may magandang landscape at natatamnan ng mga hindi pangkaraniwang halaman.

Ginanap ang party sa maluwang na hardin at sa likod naman ay may malaking swimming pool.

Ang ibang mga bisita ay naliligo dito na naka swimming trunk at naka two piece.

Ang kunswelo na lang ng mag asawang Anton at Pilar ay ang anak na si Tess. Dahil kahit maraming magagandang bisita at mukhang mga mayayaman ay hindi nadaig ang ganda ni Tess na ikinatataas ng noo ni Gil.

Suot ni Tess ang pinili ni Gil na skin tone na body fit at may combination na black sa magkabilang tagiliran na may design na cobweb at aninag ang balat ng dalaga. Sleeveless ang dress pero halter, hanggang leeg na nagpa contrast sa daring ng balikat at tagiliran.

Naka ponytail ng mataas ang unat niyang buhok na nagpalitaw sa mahabang leeg nito.
Mukha siyang greek princess.

Pati ang mag asawang Revera ay hanga sa ganda ng mamanugangin.

"I cant really blame our son,she is really something !" Comment ni mrs.Revera.

"I agree!"
Sagot naman ng lalaki.

"Well ,its time for the announcement tell your son to get ready."
Pagkasabi noon ay pumagitna ang ama ni Gil at pinatigil na ang music.

"Ladies and gentle men,friends and relatives. I have an announcement to make regarding why we are all gathered here this evening! As you all know,my beloved son Gil graduated just recently as a suma cum laude. I made a promise to him four years ago,that if he can make it to the top, i will not dis agree to whom he ever wanted to marry. And my son's heart already captured by a beautiful young lady two years ago. She just also graduated highschool the same day with my son and that day they agreed to settle down soon. And now i will give them the stage to disclose infront of you what they have planned for the future. Folks, here's my son, Gil!"

Palakpakan ang mga tao habang taas noong kinukuha ni Gil ang mike sa ama.

"Thank you dad! "
Umubo nang mahina si Gil upang alisin ang bara sa lalamunan. Inaamin niya sa sarili na ninenerbiyos siya hindi dahil nahihiya siyang humarap sa maraming tao. Kundi nag aalala siya o natatakot na ipahiya siya ni Tess sa harap ng mga bisita.

Pero kailangan niyang gawin ito hindi lang para sa kanya para burahin sa isip ng mga tao na hindi sila tutuong nagma-mahalan ni Tess kundi para na rin matigil na ang chismis na naisahan niya ang dalaga.

"To my parents, my siblings,Friends and relatives and to my fiancee and her family and relatives i thank you, for all the efforts you've made to make this event possible! I will not make my introduction very long cause my dad has already told you more than half of it!"
Tumawa siya na sinabayan din ng mga bisita.

"I just want to show to every one how much i love this young lady who have stolen my heart more than two years ago, when i heard her sang one of my favorite songs of ms. Celine dion 'THE POWER OF LOVE', in one of our school's events. Since then i never had an eye any more for somebody else, and i will never marry any one but her.
To her parents, tay
Anton and nay Pilar, patawad po kung maaga kong kukunin sa inyo ang anak niyo,baka po kasi may iba pang dumating na mag claim ng rights nila bilang bagong tagapag alaga ni Tess at maunahan ako!"

Muli nagtawanan ang mga tao kabilang na ang mga magulang nila. Pati si Tess hindi naitago ang kanyang ngiti.
"May sense of humor din naman kasi ang mokong na ito!"

Lumapit si Gil sa kinaroroonan ni Tess at saka lumuhod.
Inilabas ang kahon ng singsing na binili nila at saka tiningala ang pulang pula sa hiya na dalaga.

"Miss Maritess Trajano, will you agree to marry me? I dont mind if i'll be the one to cook our food,to wash our laundry, to clean our house, to wash the dishes. Just be my wife and my master!"

Hindi agad sumagot si Tess,tahimik lang ang mga tao at namumutla na sa kaba si Gil.

Inilahad ni Tess ang kaliwang kamay niya bilang pag sang ayon.
Pero itinakip naman niya ang kanan sa mga mata niya dahil sa hiya.

Nagtawanan ang mga tao kasabay ng malakas na palakpakan.

Maya maya,may narinig si Tess na halos ikahimatay niya.May bumaba-
tingting sa kopetang hawak niya. Kasabay noon ang sabay sabay na pag chime nila ng,

"Kiss kiss kiss!"

Namutla na naman si Gil,alam niyang hindi papayag si Tess.

Alam ni Tess ang nararamdaman ni Gil at nakadama siya dito ng awa kaya pumikit siya. Hudyat iyon para kay Gil,kaya marahan niyang idinampi ang labi sa dalaga.

"This is your reward for picking the right size of my shoes!"
Bulong ni Tess pagkatapos ng halik.

Noong gabing iyon pinag usapan na nila ang detalye ng mga gagawing paghahanda sa kasal.

Kung saang simbahan, kung sino sino ang mga ninong at ninang,mga bride's maid,maid of honor,best man, ilan at kung ano anong hayop ang kakatayin at kung saan sasakay ang bride etc.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon