Chapter 53: Joke

406 8 0
                                    

Habang nagka-katuwaan ang lahat, ay lumapit si Chit kay Mike at hinila itong patayo.

"Halika!"
Aandap andap ang loob na aya nito sa nobyo na ikinaputla ng mukha ni Mike.

"B-bakit, s-saan?"
Kinakabahang tanong ng binata habang nakatuon sa kanila ang tingin ng lahat.

"W-wala kang balak magpakilala at magmano sa tatay ko?"
Napapahiya ngunit nakangiting tanong ni Chit sa nobyo.

"I- i dont used to... its my f-first time,hehe!"

"BOOO!"
Kantiyaw ni Edward kay Mike at nagtawanan ang lahat.

"Huwag kang matakot,hindi ako nangangagat,pero sanay akong mag 'kapon' ng baka at kalabaw lalo na pag..."

"TAY?! Takot na nga,tinatakot pang lalo!"
Lalong lumakas ang tawanan habang nagmukha namang hinalabos na hipon sa pamumula ang mukha ni Mike.

"M-mano po, Mike Sandoval po ang pangalan ko,
boyfriend po ako ng anak niyong si Chit!"

Ninenerbiyos na pakilala nito sa sarili habang pigil naman ni mang Anton ang sariling mapa-halakhak sa pagiging nerbiyoso ni Mike.

"Binata ka pa ba at walang sabit?"
Parang police na pag iimbistiga ng ama ni Chit.

"F-first girlfriend ko po ang anak niyo at gusto kong siya na rin ang l-last!"

"UYYYY!!!"
Sabay sabay na kantiyaw ng lahat maging ng mga babae,kabilang na si Tess.

"Mabuti kung ganoon,pagpalain ka ng Diyos!"
Nakangiting tinanggap ni mang Anton ang kamay ni Mike at hinayaang idikit ito ng binata sa sariling noo.

"Mag iisang taon nang kasal sina Tess at Gil, ligtas na sa 'sukob'!"
Biro ni Melba.

Si Chit naman ang namula na parang hinog na kamatis.

"Huwag muna nating pag usapan yan dito, ang kalagayan muna ni Tess at ang mga nangyari ang pagtuunan natin ng pansin!"
Sansala ni mang Anton sa lumalalang kantiyawan.

"TAMA!"
Sang ayon ng lahat maliban kay Tess na napapikit at nagbaling ng mukha sa gilid habang yakap siya ni Gil sa bewang.

"Sweetheart,what's wrong? May masakit ba sa iyo?"
Nag aalalang tanong ni Gil sa asawa.

"Ahm,every one, why dont we all sit in the sofa para makapag sarilinan ang mag asawa?"
Tawag ng pansin ni mrs Revera sa lahat.

"No mom,its okey. Total mamaya pag nagsiuwe na kayong lahat,maso-solo ko naman ang asawa ko!"
Buo ang tiwalang sabi ni Gil.

"Sinong may sabi sa iyong gusto kitang makasama dito?"
Nalaglag ang panga ni Gil sa sinabi ng asawa.

"Patay tayo diyan!"
Mahinang bulalas ni Johny.

"Sweet heart naman?!"
Parang maiiyak na reklamo ni Gil.

"Akala mo ganoon lang kadaling kalimutan ang lahat?"
Nag unahan sa paglabas ang mga luha sa mga mata ni Tess.

Hindi naman nakakibo sina mrs Revera at ang mga kaibigan ni Gil.

"Akala mo ganoon lang kadaling bale walain ang ginawa mo noong huling gabi ko sa bahay niyo?"

Napatayo si mang Anton na agad namang hinawakan ni Melba.

Para namang ibinabad sa suka si Gil,hindi na nagawang mag salita pa.

"Marami ka pang dapat na ipaliwanag, At marami kang kasalanan sa akin!"
Patuloy ni Tess habang nagngangalit naman ang bagang ni mang Anton.

Para namang sasabog sa sobrang kaba at pag aalala para sa anak ang dibdib ni mrs Revera.

Tahimik na nakatungo si Gil at hindi na pinigilan ang mga luha sa pagpatak.

Unti unting napapalitan ang expression ng mukha ni Tess hanggang sa tuluyan na itong ngumiti.

"Nagbibiro lang ako, pinapatawad na kita, haha!"
Hinila ang kamay ng asawa at idinikit ito sa mga labi.

"I missed you, and I... love you!"
Nakangiti nitong bulong habang nakatitig sa mga mata ng nabiglang asawa.

"Oh Tess,akala ko... haha! I missed you and i love you more!"
Sabay subsob sa leeg ni Tess na patuloy pa rin sa pagluha.

Nagpalakpakan ang lahat habang pinangingiliran ng luha maging ang mga lalaki.

"Alam ko na ang lahat lahat at naiintindihan ko na!"
Sabi ni Tess habang hinahagod ang likod ng humihikbing si Gil.

Inangat ni Gil ang mukha at parang batang nagtanong habang pinupunasan ng kamay ang sariling luha.

"Y- you did? How?"

"Secret! I'll tell you when we're alone!"
Pilya ang ngiting pinakawalan ni Tess.

"Naughty girl,you scared me to death haha!"
Si Gil habang pinipisil ang pisngi ni Tess.

Maging si mang Anton ay napapailing na rin habang tumatawa.
"Pilya ka talagang bata ka,muntik ko nang upakan ang asawa mo ha?!"

"Huwag naman po,mahal na mahal ko iyan eh!"
Hindi nawawala ang pilyang ngiti sa mga labi ni Tess.

Inilapit ni Gil ang bibig sa tenga ng asawa at bumulong.
" Pagaling ka agad at try uli natin..."

Tumaas ang kilay ni Tess at kinuyom ang malayang kamay.
"Ito, gusto?"

Humahalakhak na nag taas ng dalawang kamay si Gil tanda ng kunwaring pagsuko.

"Im just kidding,haha!  Bukas nga magpapa schedule na ako para sa operasyon!"

"Anong operasyon yun?"
Halos sabay na tanong nina Edward at Mike.

"Gilbert, stop it!"
Parang diring diri na saway ni mrs Revera sa anak.

"Im serious,magpapa-castrate ako!"
Sagot ni Gil habang parang batang nakatikwas ang nguso at naka cross arms.

Nanlaki naman ang mga mata ng ibang naroroon lalo na ang mga lalaki.

"Seriously? Bwahahaha!"
Humagalpak na tanong ni Edward.

"Castrate?! Magpapa 'kapon' ka? Kung gusto mo anak, ako na lang gagawa niyan sa iyo,expert ako diyan!"
Sabat ni mang Anton.

"Sige tay,lagyan niyo ng design ha?"
Susog ni Melba habang tuwang tuwa sa reaction ng lahat.

"Ate,mukhang napaglilihian mo si bayaw ah?!"
Sabi naman ni Chit na ikinapa-lingon ng ama.

"Magkaka apo na nga ba ako Menirva?"
Hindi maka-paniwalang baling ng ama sa panganay na babae.

"Opo tay, isat kalahating buwan na po!"
Nakikiming sagot ni Melba.

"Minerva pala ang tunay na pangalan ni ate Melba,ngayon ko lang nalaman!"
Nakangiting bulong ni Chloe sa mga ka-grupo.

Ilang palitan pa ng biruan at kung ano anong kwentuhan pero walang nagtanong kung anong nangyari kay Tess. Nag alala kasi sila na baka may  trauma pa ito.

Sa wakas ay nagpaalam na ang lahat para magsi-uwe na ikinatuwa ng lihim ni Gil dahil sa wakas ay masosolo na niya ang asawa.


The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon