Chapter 50: ICU

417 6 0
                                    

Nagsuot ng cap,lab gown at foot sock si Gil bago pumasok sa loob ng icu kung saan nakaratay ang walang malay na asawa.

Hinila ang isang monoblock at umupo sa tabi ng bed ni Tess.
Hinawakan nito ang malayang kamay saka dinala sa mga labi.

"How are you sweetheart, its been almost a year since our last time together as a couple? Funny isnt it? Next month,birthday mo na naman,looks like you never cared again kaya hinayaan mong mangyari sa iyo ito!"

Inabot ni Gil ang isang box ng tissue at ipinatong sa lap niya dahil mukhang ayaw na namang paawat ng mga luha niya.

"Gising na sweetheart,
paano kita bibigyan uli ng surprise party kung natutulog ka lang diyan?"

Napasigok si Gil sa sobrang pagpipigil na mapahagolgol.

"Wake up sweetheart please? okey na sa akin kahit ayaw mo ng 'ano',basta gumaling ka lang at magsama uli tayo. I dont care if you'll stay virgin for the rest of our lives total pareho lang naman tayo!"

Tumawa ng walang tunog si Gil.
"Akala mo siguro ikaw lang ang virgin 'no? Ako rin sweetheart, dahil kung hindi rin lang naman ikaw ang makakapartner ko sa 'ganun' gugustuhin ko na lang din na maging 'virgin husband' forever. O di kaya'y ipatanggal ko na lang para walang nagre-'react' kapag yakap kita at hinahalikan."

Dumukwang siya para halikan sa pisngi si Tess.
"I love you so much sweetheart,ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay with or with out 'something', ang importante magka-sama tayong dalawa. Kaya sige na, bangon na diyan,dahil kung hindi ka pa gigising hanggang sa pagbalik ng mga ate mo, walang magtatanggol sa akin pag nilumpo ako ng ate Melba mo at gawing permanent ang amnesia ko!"

Tumawa na naman siya ng mahina habang patuloy na dumadaloy ang luha.

"Actually,hindi naman ako natatakot na malumpo o masaktan uli physically. Mas natatakot akong mawala ka nang tuluyan sa akin,at kapag...God forbids,at nangyari iyon, hindi ko na rin gugustuhing mabuhay pa!"

Tuluyan nang napahagolgol si Gil at sumubsob sa dibdib ng asawa.

"Lumaban ka sweetheart, tulad nang ginawa kong paglaban nang oras na ako ang nasa bingit ng kamatayan, dahil ayaw kong iwan ka,dahil alam kong maghihintay ka!"

Suminga muna si Gil habang napapangiti sa naaalala.
"Pasensiya ka na kung medyo sinubukan kong tikisin ka ha? Basically,wala naman akong intention na patagalin yun eh! Nagkataon lang na hindi agad na-fix ang damage kaya nagrequest ang company na mag extend pa ako dahil walang ibang available na gagawa ng trabaho ko. I was so busy,that we even work almost 24hrs a day kaya di na kita natatawagan,until that accident occured!"

"Sir, excuse me po, ichi-check ko lang po ang vital signs ng pasyente!"

Napapahiya namang nagpahid ng luha ang lalaki at pilit ang ngiting tumango.

"K-kailan kaya siya magkakamalay?"
Parang wala sa sariling tanong ni Gil.

"Sabi po ni doc baka, two to three days siyang nasa ganyang state. Kasi halos maubusan na siya ng dugo nang dalhin dito ng mga nakakita, aside from the fact na tinamaan nga ang pancreas ng wife niyo."

Sagot ng nurse habang kinukunan ng temperature at bp si Tess at nire-record sa hawak na file.

"Any way,darating po dito bukas ng umaga ang consultant doctor niyo at ipapaliwanag niya po lahat ng mga information tungkol sa kalagayan ni maam!"

Pagkasabi nun ay lumabas na ang nurse. Bumalik naman si Gil sa pakikipag usap sa walang malay na asawa.

"Narinig mo yun sweetheart? Putcha muntik nang nasaid ang dugo mo at hanggang ngayon ay wala pang nagpa-paliwanag sa akin kung anong nangyari at bakit sinapit mo yan!"

Tinitigan niya ito sa paraang parang kinakastigo habang nakapamewang.

"Matigas din kasi ang ulo mo at may pagka rebelde ka pa,sukat kang lumabas ng madaling araw,hindi mo ba alam na delikado yun,ha? Kaya bilang parusa ko sa iyo, grounded ka ng isang taon,hindi ka pwedeng lumabas nang hindi ako kasama. At bibigyan lang kita ng tatlong araw para bumangon diyan dahil kung hindi, magagalit na talaga ako sa iyo!"

Parang baliw na tinutungayawan ni Gil ang asawang walang katinag tinag sa kanyang hospital bed habang palakad lakad sa tabi nito.

TOK TOK TOK!

Napalingon si Gil sa pinto at sumungaw doon ang driver nila na may dalang bag, thermos at saka back pack.

"Good evening sir,ipinadala po ng mommy niyo!"

"Good evening pa ba?" Sumulyap siya sa wrist watch niya,11:45pm

"Evening pa nga kaya good evening too!"
Sagot ni Gil na parang tangang iiling iling habang tumatawa.

"Sir okey lang po ba kayo? Relax lang po, magiging okey din si maam at maaayos din po kung anuman yung naging problema niyo!"

Pa side way na tumingin si Gil sa driver. Na off guard siya at hindi alam kung paano agad magre-react sa parang pakikialam niya sa buhay nila.

Parang awkward,pero bigla din niyang naisip na nagma-malasakit lang naman ito sa kanya.

Isa pa, nagkaroon din ito ng participation nang pasundan niya ang asawa sa inu-uwian at mga pinupuntahan nito.

"Yah,right! Maraming salamat mang Boy, at salamat din sa naging tulong mo noon!"

"Wala yun sir, at pasensiya na rin kung nakapag komento ako,di ko po natiis eh! Saksi din po kasi kaming lahat sa mga nangyayari at nasasaktan po kami sa mga pinagda-daanan niyo ni maam Tess. Sa maniwala po kayo at sa hindi,lahat po kaming mga tauhan niyo ay nagdadasal at umaasa na maging maayos na kayo ni mam Tess at maging masaya ka na sir! Karapatan niyo rin po ang lumigaya sir!"

Na touched si Gil sa mga sinabi nang medyo may edad na ring driver.

"Sige po sir,uuwe na po ako,pero pwede ko rin po kayong samahan dito kung gusto niyo!"

"Ah hindi na mang Boy baka kailanganin kayo ni mommy sa bahay!"

"Okey po!"
Humahangang sinundan ni Gil ng tingin ang driver,kahit paano'y gumaan ang pakiramdam niya.

The virgin wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon