CHAPTER 04

207 7 0
                                    


AERY's POV

Andito ako ngayon sa dorm. Nagtataka siguro kayo kung bakit nagpapanggap ako bilang si Ate Ambry. At dahil, wala akong magawa, ikukwento ko na lang.

*flashback*

"What? Sinong kumuha sa kanya?" rinig kong sigaw ni Dad over the phone.

"Sinong nakuha, Dad?" kalmado kong tanong at kumuha ng tubig sa ref.

"Ang Ate Ambry mo. Someone took her." nagulat ako sa sinabi ni Dad lalo pa't wala akong naiisip na kaaway niya dahil sobrang bait ni Ate Ambry.

"Paano ang pagpasok ni Ate Ambry, Dad?" tanong ko

"You will pretend as Ambry." What? No way! It's true na kaya ako napapaaway sa school is because of Ate Ambry. Dami kasing palakang insekyora sa school namin. But it is not enough reason to kidnapped her. No one also knows that we are twins. Ginagamit lamang namin yung name ko sa school. Everytime na itatanong ko naman kay Dad kung bakit hindi pwedeng ipaalam, para daw maging ligtas kami. Yun ang laging sagot niya.

"But Dad, parehas man kami ng mukha ni ate, magkaiba pa rin kami ng ugali. And her memories? How can I manage that?" angal ko. Magkaiba kami ni ate because she is too girly at ako? mataray at medyo boyish.

"It's okay, Aery. Palalabasin natin na mayroon kang amnesia and we can say that it is one of the reason why you change your personality." explanation ni Dad.

"Paano naman yung pagpasok ko, Dad?" kapag nagpanggap ako as Ate Ambry, wala ng papasok sa school ko as Aery.

"Palalabasin naman natin na mag-aaral ka abroad." si Dad.

"But Dad, ayaw ko pa din." salungat ko. Basta talaga ginusto ni Dad, marami siyang paraan. Palibhasa, marami siyang connections dahil na rin sa businesses niya.

"Aery, this is just for temporary habang hindi pa natin nakikita si Ambry." Dad. Kaya wala na akong nagawa kundi sundin si Dad.

*flashback ends*

And that's why here I am on the west coast of America. Charot! Nakahiga ako at nakatingin sa ceiling. Ano kaya ang magiging buhay ko dito? At paano kaya nakilala ni Jenrix si Ate Ambry? Wala naman akong natatandaan na pumasok dito si Ate Ambry.

Habang nagmumuni-muni ako ay may biglang pumasok dito. Siya na siguro ang ka-dorm ko.

"Waaahhh!!!! Is this for real?" sigaw niya habang papunta sa akin.

"Is that you, Ambry?" tanong niya. Tumango naman ako ng medyo nag-aalangan. Grabe ang boses niya, dinaig pa ang megaphone.

"Oh! I miss you so much. Buti naisipan mong bumalik." nangunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.

"Anong sabi mo? Bumalik? Bakit? Sino ka ba?" at kumalas sa yakap niya. Kawawa yung dibdib ko sa dibdib niya. Flat na nga, naipit pa.

"Ano bang sinasabi mo? Two years ago, pumasok ka dito. Yun nga lang, bigla kang nawala na parang bula." sagot niya. Two years ago? Ate Ambry is in abroad para mag-train ng archery. Does it mean, pumasok siya dito? Nagsinungaling sila ni Dad sa akin? Para saan?

"Ahh, then sino ka? Sino ka sa buhay ko?" tanong na ikinagulat niya. Sorna, kung uso ang gulatan, nagpapanggap lang naman ako. Like duh!

"Ouch naman, Tams. Nakalimutan mo na ako?" with matching crying act pa. Ayaw na lang sabihin eh.

"So, sino ka nga? Magtatanong ba ako kung naaalala kita?" sorry na kung mataray. Kaya ayaw ko ng barkadang babae eh, masyadong pabebe.

"Ako ito, si Stacey. Your bestfriend, your Tams." pakilala niya.

"Sorry, Stacey. May amnesia kasi ako. Pasensiya na kung di kita maalala." ako at humiga na.

"Ah, okay. Halata nga, you changed also." sagot niya at pumunta sa pwesto niya. Kita ko ang lungkot sa mukha niya. Bigla tuloy akong nakonsensiya. Ang harsh ko at ang taray ko kanina sa kanya. Eh kasi naman, hindi ako marunong magpaka-sweet.

Lumapit ako sa kanya at tumingin naman siya.

"Look Stacey. I'm sorry. I know you're thinking that I change. But this is me now and I'll assure you that everything you see and will see in me is real." Whew! English yun ah. Tumingin ulit ako sa kanya. Tumayo naman siya at yumakap sa akin.

"I'm sorry, Ambry. Na-miss lang talaga kita." nakayakap pa rin siya. Yung dibdib ko, kawawa na naman. I hate hugs from girls sadya. Hindi dahil tomboy ako, I just really hate corny things.

"Ah, sige, matutulog na ako. Papasok na ako bukas." at kumalas na sa yakap. Whew! nakawala rin. Sana maging maayos ang araw ko bukas.

-Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon