CHAPTER 10

173 4 1
                                    

AERY's POV

Break time na namin at hindi ko kasama si Jenrix. Si Stacey ang kasabay ko ngayon at sigurado akong mag-iinarte na naman iyon dahil ang tagal ko.

"My gosh! Dumating din. Kanina pa akong gutom." reklamo niya pagdating ko and then rolled her eyes.

"Sorry, okay? Ang tagal mag-dismiss ni Miss Arellano eh." pagdadahilan ko.

"It's okay, Tams. Tara na. Nagwawala na talaga ng aking mga anaconda sa tiyan." at sinabit ang kamay niya sa siko ko. I hate this kind of stuff pero masasanay na rin siguro ako lalo pa't kasama ko lagi ang babaeng ito.

Pumwesto kami sa bandang dulo ng canteen. Iwas atensyon na din.

"Ako na ang oorder." presenta ni Stacey kaya tumango lang ako. Ayaw kong makipagsiksikan. Like duh! marami rin naman ang sisingit.

"Pwede bang maki-share ng table?" tanong ng isang lalaking nakaupo na.

"May magagawa pa ba ako? Eh nakaupo na kayo?" bulong ko. Oo, kayo talaga dahil andito ang tatlong asungot.

"May sinasabi ka, Jyx?" tanong ni Jenrix.

"Wala po, sabi ko po, kumain ka na. Ayaw ko po kasi ng malilipasan ka ng gutom." pwe! mahirap na, baka ako na naman ang kulitin nito.

"Oh, Tams! andito pala ang love mo eh." saktong dating ni Stacey na nakangiti. At love? di ko yan love. Love yan ni Ate Ambry.

"Kumain na lang tayo. Baka ma-late pa tayo sa klase." at kinuha ang isang slice ng chocolate cake, fries, burger at drinks. Oo, ako lang kakain niyan.

"Chocolate cake? Di ba ayaw mo niyan?" biglang imik ni Yelo. Nabigla silang lahat. HIndi ko alam kung nagulat sila sa tanong ni Yelo o dun sa pagsasalita niya.

"Imposible, Eris. Binibigyan ko nga ng chocolates dati si Ambry." pagtatanggol ni Jenrix na ikinasamid ni Stacey. Sa kanya siguro napupunta yung chocolates na binibigay ni Jenrix kay Ate. haha... Allergic nga pala si Ate Ambry sa chocolates, ako naman, sa peanuts.

"People changed. Two years akong nawala kaya maaaring nawala na din yun. Kumain na lang tayo." at di ko na pinansin ang mga sinabi pa nila.

*fast forward*

"Mauna na ako, Tams. Kita na lang tayo sa dorm mamaya. Bye guys!" paalam ni Stacey. May klase na kasi siya. Vaccant kami ni Yelo ng isang period samantalang may advanced subject sina Zhed at Jenrix.

"Eris, una na kami. Jyx, pasok na muna ako. Ingat ka." paalala ni Jenrix at hinalikan ako sa noo. Wtf? siya pa lang ang nakakahalik sa noo ko.

"Iloveyou." bulong niya at niyakap ako. Kailangan ko na muna sigurong masanay sa ganito, pansamantala kahit PDA siya! Like duh! Kasama namin si Yelo? Luh? nawala? nasaan na yun?

"Sige na, bye." paalam ni Jenrix. Pupunta na lang ako ng library.

(At the library)

"Excuse me, Ma'am? Can I borrow a book?" tanong ko sa nakatalikod na librarian.

"Okay, paki-fill up-an na lang nitong form." at ibinigay sa akin ang isang form. Nasa mid 40's na siguro siya.

"Ambry?" basa niya sa pangalan ko.

"Good luck. Sana magawa mo." nakangiti niyang sambit out of nowhere. Sounds creepy.

"Thank you po." nag-aalangan akong ngumiti sa kanya. Scary siya. At para saan ang good luck? Umalis na lang ako dun.

Andito ako ngayon sa may puno malapit sa field. Nakatambay lang habang binabasa yung hiniram kong book sa library. Wala daw kasi yung professor namin kaya dito na ako tumuloy.

"You're not Ambry." Banggit ng isang lalaki. Inikot ko ang akin paningin pero wala akong nakita. Pamilyar ang boses niya.

"I know you're not Ambry. Who are you?" isang lalaki ang bumaba mula sa sanga ng punong pinagtatambayan ko.

"W-what do you m-mean?" utal-utal kong tanong. Mas naistatwa ako ng makita ang itsura ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"You don't have an amnesia. How can a someone who forgot everyhting can study in college immediately?" tanong pa niya. Expressionless ang mukha niya.

"K-kaya nga n-nawala ako ng t-two years." tama! yun nga!

"You're not a good liar. You can't even look into my eyes while saying those words. So, who are you?" tanong niya pa. Hayyss... wala na akong magagawa. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.

"Ok, fine. You win." pagsuko ko sa kanya.

"So, who are you? How come that you and Ambry look alike that much?" tanong niya. Grabe mga Parr! nosebleed ako. Like duh! he is not a foreigner.

"I'm Jane Aery, twin sister of Ate Ambry." pakilala ko.

"Oh, I see. Good to hear." he smiled and pat my head. Wait? Did he just smile for the first time? Ang cute niya lalo. Sumisingkit yung mga mata niya.

"Ulitin mo nga iyon." sabi ko kay Yelo. Oo, si Yelo ang kausap ko.

"Ang alin?" nagtataka niyang tanong. Sa wakas, nagtagalog rin siya.

"Yung ngiti mo, dali na." pangungulit ko.

"Bakit? chix ka ba? Ngayon ka nga lang ata nakapag-suot ng palda." pang-aasar niya.

"Damot naman nito. Baka kapag nakita mo akong babaeng-babae ay hindi ka lang mapangiti. Masabi mo pang hindi lang ako basta chix." pagyayabang ko kahit ayaw ko naman sadya ng palda at dress.

"No way. Saka bakit ka ba Yelo ng Yelo sa akin?" tanong niya.

"Eh kasi naman po, ang tahimik mo tapos ang cold mo pa." pagdadahilan ko. Ngayon ko nga lang siya nakausap ng mahaba.

"Ganun ba? Eh di may karapatan din akong tawagin kang Hangin." sabi niya at ngumiti na naman.

"H-hangin? B-bakit?" nagtataka kong tanong.

"Because you are Aery. Sounds-like ng Airy, mahangin in tagalog. And like air, I can't live without you." bulong niya. Hanudaw? Did he just give me a pick-up line? Like duh! ang corny niya.

"Well, gusto ko nga sana, Apoy para partner tayo. Yelo at Apoy, kaso hindi ka naman hot kasi isa ka ring FLAT." pinagdiinan niya talaga yung huling salita at napatingin sa dibdib ko. Tinakluban ko naman ng kamay yung dibdib ko.

"Alam ko naman eh. Hindi mo na kailangang ipagdiinan." and I just gave him a poker face.

"Hayaan mo na. Tanggap naman kita. Sige na, papasok na ako." palaam niya the he pat my head again. Like duh! I know I'm cute but I'm not a puppy.

Napiling na lang ako at tiningnan siya habang naglalakad. Teka? Kaklase ko siya at papasok na daw siya? Napatingin ako sa relo ko. Wtf! 5 minutes na lang, start na ng next class ko.

"Yelo, hintayin mo ako!" sigaw ko kay Yelo. May isa ng nakakaalam ng real personality ko. Sana hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan ka.

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon