CHAPTER 35

142 3 1
                                    

AERY's POV

"Nursing na ba ang kukunin mo, Ambry?" tanong ko kay ate habang naglalakad dito sa hallway.

"Oo, Aery. Simula't sapul naman, yun na talaga ang gusto ko, di ba?" sagot niya sa akin.

"Yes, I know. Sayang lang kasi hindi kita magiging kaklase." medyo malungkot kong sagot. Excited pa naman akong makasama siya as my twin.

"Don't worry, magiging kaklase mo din ako." sagot niya. Luh? Paano kaya? Magkaiba kaya kami ng course.

"Nga pala, Ambry. Paano ang set up natin niyan? Pumasok akong Ambry sa Engineering tapos papasok ka sa Nursing?" naguguluhan kong tanong.

"That's why isinama kita. Palalabasin natin na nag-shift ako ng course at ikaw, magpapakilala ka as new student at gamit mo na mismo ang name mo." paliwanag ni Ate Ambry.

Ayyiee... Excited na akong gamitin ang real name ko. Gusto ko ding makita ang reaksyon nila, once na pumasok ako lalo na yung pabebeng impaktita na yun.

"Ahh... Okay. Excited na ako. Teka, Ambry. Restroom lang ako. Wait mo ako dito ha?" paalam ko kay Ate Ambry ng mapadaan kami sa mga restrooms. Naging paunishment ko to pero never ko siyang nilinis dahil kay Yelo. Salamat sa kanya. Ako na yung assuming pero alam kong love niya ako. Haha...

JENRIX's POV

"Malalaman mo din. Not now but soon." sagot ni Jhion at umalis na. Sino ka ba talaga? Bakit parang ang dami mong alam? Isa ka ba talagang Mendez?

Nagpatuloy ako ngayon sa paglalakad sa hallway. Saka ko na lang muna iisipin yung mga sinabi ni Jhion. Naglakad-lakad na muna ako ng makita ko si Aery sa may pintuan ng CR. Nilapitan ko siya at inakbayan.

"Uyy, Aery." sabi na sapat ang lakas para sa aming dalawa at umakbay sa kanya. Buti na lang iilan ang tao dito.

Nagulat siya sa ginawa ko at tumingala sa akin.

"J-jenrix?" utal-utal niyang sagot. Kailan pa nautal si Aery sa pagbigkas ng pangalan ko kapag nagkikita kami?

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Para kang nakakita ng multo?" tanong ko and look at her. But there's something weird. Her eyes and the way she looked at me, I see Ambry.

"I miss you, Rix." maluha-luha niyang sagot at niyakap ako ng mahigpit. This hug, it's Ambry's.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"R-rix?" utal kong sagot. Aery already stopped calling me Rix.

"Tara na, A---" hindi naituloy nung babaeng lumabas ng Cr ang sasabihin niya ng makita kami.

"Nagkita na pala kayo. Ano ba yan? Wala ng surprise para bukas." pagkadismaya ni Aery? Then this someone who is hugging me is Ambry. The real Ambry. Pero bakit ganun? Hindi na tulad ng dati? Nabawasan yung dati kong excitement? Dahil ba nagustuhan ko si Aery?

"A-ambry?" utal-utal at gulat ko ring tanong sa kanya.

"Oo, Rix, ako nga." sagot niya at lalong humigpit ang yakap niya.

"Kailan ka pa bumalik?" tanong ko ng bumitaw siya ng yakap.

"Kahapon lang." simpleng sagot ni Aery.

"Bakit di mo sinabing darating ka?" tanong ko kay Ambry.

"Wala namang nakakaalam na darating ako. Kahit sina Aery ay hindi yun alam. Balak ko kasi i-surprise kayo. Pero dahil nakita mo na ako, di na surprise sayo." sagot niya. I miss her but not like before? I don't know why.

"Ahh..." wala sa sarili kong sagot.

"Ahh?" imik niya at ginaya ang tono ko.

"Yan ba dapat salubong at sagot mo sa akin? Hindi mo ba ako na-miss? Hindi ka ba excited na makita at makasama ako? Girlfriend mo kaya ako." sagot ni Ambry na nagtataka.

"Oh, I'm sorry, of course, I miss you, Jyx." sagot ko at hinalikan siya sa noo.

"Okay?" Patanong niyang sagot. Nagtataka siguro siya.

"Saan pala ang punta niyo? Saka paano ka napunta dito? I thought bawal kayong lumabas ng magkasama? Dito ka na ba papasok?" sunud-sunod kong tanong.

"Hayss... Eto na naman siya sa sunud-sunod niyang tanong." walang ganang sagot ni Aery. Lumapit siya kay Ambry at umakbay.

"Una, pupunta kami sa office ni Tita Fei. Pangalawa, kaya siya napunta dito, ay para pumasok. At pangatlo, pwede na kaming lumabas ng magkasama. Pinayagan na kami ni Dad." sagot ni Aery.

"Then, how about your safety?" tanong ko ulit.

"Bahala na. Ang mahalaga, di ko na kailangang magpanggap at magkasama na kami." sagot ni Aery.

"Ahh..." sagot ko na lang.

"Kaya mauna na kami ha. Kita kits na lang." at hinila na niya si Ambry paalis. Minasdan ko lang silang dalawa habang naglalakad.

Nung una, iniisip kong mali ako. Na natutuwa lang ako kay Aery. Na hindi totoo ang nararamdaman ko at dala lang ng pangungulila ko kay Ambry lalo pa't magkamukha sila. Pero ngayon, mas naguguluhan ako, mahal ko si Ambry pero may nararamdaman ako para kay Aery. Ito ba yung sinasabi ni Jhion na dapat kong siguraduhin ko?

- Bb. Makata 

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon