CHAPTER 07

171 4 0
                                    

AERY's POV

Pabagsak akong humiga. Natawa ako ng maalala ang mukha ni Yelo. Haha... pero di ko siya gusto.

"Aammbbrryyy!!!" Narindi ako sa boses niya at alam niyo na siguro kung sino yun.

"Ano ba, Stacey? Wala ka sa palengke." inis kong sabi at tila nililinis ang tenga.

"Sorry, Tams. May nasagap kasi akong chismis." sabi niya na parang excited.

"Ano naman yun?" bored kong tanong

"Ano itong eksena mo kanina na snob mo daw si Papa Jenrix tapos FC ka pa kay Eris?" Isa pa itong papa ng papa. Feeling anak siya.

"Alam mo, bagay nga talaga sa'yo ang maging reporter. Galing sumagap ng balita kahit nasa kabilang building." Communication Arts kasi ang course niya kaya di ko siya kasama at kaklase.

"So ano nga?" excited niyang tanong.

"Tinatamad akong magkwento. Kung ano lang yung nalaman mo, yun na yun." sagot ko.

"Ayy, damot. Samantalang noon, kinukwento mo sa akin lahat lalo na sa lovelife niyo ni Jenrix." pag-iinarte niya na nagbigay-interes sa akin para magtanong.

"Lovelife? What do you mean?" Nagulat siya sa tanong ko and give me an OMG look.

"You don't know? Hindi niya sinabi sayo?" tanong niya na gulat na gulat.

"Like duh! magtatanong ba ako kung alam ko?" pagtataray ko sa kanya and rolled my eyes.

"Luh? Did you just make some taray on me? Never mong ginawa sa akin yan. Ako pa nga ang rumeresbak sa'yo kapag binubully ka. Kasi naman, ayaw mong lumaban. But still, mas gusto ko yan. May ka-tandem na akong palaban." natutuwa niyang sabi with palakpak. Tss... Childish

"Thank you para doon." Buti naman may isang naging mabuting kaibigan dito si Ate Ambry.

"Wala yun, Tams kita eh. So, back to topic. Nawawala na tayo." sagot ni Stacey

"So, who is he?" bored ko namang tanong.

"Well, boyfriend mo lang naman po si Papa Jenrix." sagot niya na nagpagulat sa akin.

"What? Kaya pala ganun siya." Then na-realize ko that's why he is acting like that because he is Ate Ambry's boyfriend. Siya kaya?

"Kaya pala ano?" nagtatakang tanong ni Stacey. Iku-kwento ko na rin. Well, masasanay rin siguro ako na may kaibigan dito.

"Kaya pala malungkot siya ng sinabi kong di ko siya kilala when we met on my first day here. At kaya pala ganun din ang reaction niya ng tumabi, lumapit at umakbay ako kay Eris." explain ko.

"Masakit nga iyon, Tams. Pero bakit naman hindi niya sinabi sa'yo?" nagtataka niyang tanong.

"Yun din nga ang ipinagtataka ko. Pero Stacey, wala na akong nararamdaman kay Jenrix." wala naman sadya. haha... Sorry, Ate Ambry. I need to do this. Ayaw kong saktan ang taong mahal mo pero mas masasaktan siya kung papaniwalain ko siya sa kasinungalingan.

"Kung ganun, dapat sabihin mo na ay Jenrix para hindi na siya magmukhang tanga. Umaasa yung tao na may Ambry pa siyang babalikan." sabi ni Stacey..

"Tama ka, Stacey. Sige na, matulog ka na. Good night." at niyakap na naman niya ako. Mga Parr, yung dibdib ko, kawawa na naman. Flat na nga eh. Tiis ka muna dibdib, ayaw pa magpakita ni Ate Ambry.

Matapos kong makawala sa bomba este yakap ni Stacey ay humiga na rin ako. Bukas na bukas din, bibigyan ko na ng closure ang relationship nina Ate Ambry at Jenrix.

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon