CHAPTER 51

57 1 0
                                    

STACEY's POV

Andito ako ngayon sa may field at umiiyak. Siguro iniisip niyong masama akong bestfriend dahil sa nangyari. Well, I can't blame you. But to tell you the truth, it was just an accident. Hindi ko ginustong mahalikan si Eris. Kahit naman naga-gwapuhan ako sa kanya, hindi ko pa rin yun tataluhin kasi mahal ni Eris at Aery ang isa't isa.

"Oh, panyo!" imik ng isang lalaki, si Labidabs ko.

"Hanggang kalian ka ba iiyak?" tanong niya sa akin habang nagpupunas ako ng luha gamit ang panyong binigay niya.

"Hindi ko alam. Saka hindi ka ba galit sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ako magagalit sayo? May dahilan ba? Saka hindi ko naman alam ang nangyari at pinag-awayan niyo ni Aery." sagot niya at nginitian lang ako.

"What if sabihin kong nahalikan ko si Eris?" sagot ko na medyo may kaba. Mas ayos na sabihin ko sa kanya kaysa may inililihim ako. Hindi ko kayang humarap sa kanya ng ganun.

"Depende kung ginusto mo or not. Yun ba ang pinag-awayan niyo ni Aery? Nakita niya rin nung nasa restobar ka?" sagot niya na ikipinagtaka ko. How did he know na sa restobar yung nangyari?

"How did you know na sa restobar yun?" tanong ko sa kanya.

"I was there." maiksing sagot niya.

"Hindi ka ba magagalit?" tanong ko.

"No, hindi ko naman nakita ang buong pangyayari. I just want to hear your side first bago ko pairalin ang emosyon ko." kalmado niyang sagot.

"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong pa ni Zhed.

"It was all an accident." simula ko.

*flashback*

Andito ako sa restobar. Wala lang. I just want to enjoy ng maagaw ang atensiyon ko dahil sa isang away. Lumapit ako dun. Hindi ako tsismosa, curious lang. Bakit ba?

"Oh my!" bulong ko sa sarili ko ng makita ko kung sino ang nakikipag-away. Si Eris yun at isang estudyante rin dito.

"Ano bang problema mo?!" sigaw nung kaaway ni Eris at sinuntok siya. Napaatras sya ng kaunti. Aakma na sana siya para gumanti pero may mga umawat na sa kanilang mga secutiry guard.

"Ano ba? Bitawan niyo nga ako." palag ni Eris sa mga guard na kumuha sa kanya.

"Nakakagulo na po kayo. Mabuti pang lumabas na lang kayo." Katwiran nung isang guard.

"Bakit ako lang? Ako ba yung nanuntok?" inis na sagot ni Eris.

"Manong, hayaan niyo na po siya. Kaibigan ko po siya. Ako na pong bahala." imik ko sa guard ng lumapit ako.

"Sigurado ka ba, hija? Kapag nagkagulo ulit dahil sa kanya, damay ka na." imik ni kuyang guard.

"Opo." Maiksing sagot ko at binitawan na nila si Eris.

"Salamat, Stacey." pagpapasalamat ni Eris sa akin.

Inakay ko si Eris paupo pero na-out of balance si Eris. Dala na rin siguro ng kanyang kalasingan buti na lang, sa may upuan kami natumba. Napailalim ako sa katawan ni Eris.

"Eri--- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.

"I'm sorry, Aery." malungkot niyang sabi sa pagitan ng paghalik niya sa akin.

"Hindi ako si ---" pagtanggi ko pero inilagay niya lang ang isang daliri sa labi ko bilang senyas na tumahimik ako. Mali ito, iniisip niyang ako si Aery.

Itinulak ko siya kaya napaupo siya sa sahig.

"Eris, I'm not Aery! Si Stacey ako." sigaw ko sa kanya. Napalingon ako sa isang pwesto at nakita ko si Aery na nakatulala sa amin.

"A-aery! Let me explain." pahabol na sigaw ni Eris pero nakatakbo na palabras ng restobar si Aery.

*flashback ends*

"Then if that's the case, hindi ako magagalit sayo. I'll be better got mad with myself. Kasi kung hindi tayo nagtalo nun, hindi mo kailangang pumunta ng restobar. Hindi mangyayari ang ganung bagay." seryosong sagot ni Zhed.

"Pero kung hindi ako napunta dun, hindi ko maiiwas si Eris sa gulo. Bugbog-sarado sana siya ngayon." katwiran ko.

"See? Kahit saang anggulo natin tingnan, may positive at negative na result. Saka nangyari na yun. Let's just face it. Wala naming problema ang hindi nasosolusyunan. Saka yang si Aery? Explanation lang kailangan niyan. Let's just give her time." paliwanag pa ni Zhed. Tama naman siya.

"But don't do it again. Huwag ka ng lumuhod sa harapan ni Aery lalo pa't alam mo naming aksidente lang yun. Siya na rin ang nagsabi na kung aksidente yun, hindi mo dapat ginagawa yun and you shouldn't be guilty." dagdag pa ni Zhed.

"Hindi ko maiwasan lalo pa't nagbago ang samahan naming dalawa." malungkot kong sagot.

"Ngayon lang naman yan e. Darating din yung araw na maayos ang lahat. At may tiwala ako sayo, Labidabs." sagot ni Zhed. Umalis na siya at hinalikan ako sa noo. I'm so lucky to have him. Akala ko nun, hindi kami magkakasundo at puro ingay lang siya. But may matured side din pala siya.

"Kung ganun, magkaaway pala kayo ni Aery." imik ng isang lalaki pagkaalis ni Zhed.

"Sinong nandyan? Magpakita ka!" sigaw ko. Kanina pa kaya siyang nakikinig? Bumaba ang isang lalaki mula sa puno.

"Mr. Reyes? Anong pong ginagawa niyo dyan?" gulat kong tanong.

"Huwag kang mag-alala. I just have a simple proposal for you." nakangisi niyang sagot.

"Anong proposal? Para saan?" takang tanong ko.

"Don't worry. Alam kong kayang-kaya mo ito." sagot niya at inabot sa akin ang isang litrato.

"Si Aery? Anong meron sa kanya?" tanong ko ng makita ko ang mukha ni Aery sa litrato.

"Magkaaway kayo, hindi ba? At hindi ka niya mapatawad? Ayaw niyang maniwala sayo kasi wala siyang tiwala sayo." sagot niya.

"Hindi iyan totoo. Kaibigan ako ni Aery. Kailangan niya lang marinig ang explanation ko then magiging ayos na kami." depensa ko pa.

"Hindi ka nga niya hinahayaang magpaliwanag, di ba? Kasi iniisip rin niyang may gusto ka kay Eris." sa sinabi niyang yun ay bigla kong naalala na minsan ko palang sinabi kay Aery nung Ambry pa siya na humahanga din ako kay Eris. Pero hindi naman niya siguro iniisip na ganun di ba?

"No, hindi ganun si Aery." pagdepensa ko pa din kay Aery.

"Talaga? Kalian mo lang ba nakilala si Aery? A month? Or nung isang araw lang?" tanong pa niya na lalong nagpapagulo sa isip ko.

"Why don't you first listen to my proposal? I'm sure you'll gonna love it." panghihikayat niya pa sa akin.

"Bakit? Ano ba proposal mo?" tanong ko.

"Dalhin mo si Aery sa akin sa araw ng inyong College Grand Ball."utos niya na ikinagulat ko.

"Ano naman ang kapalit?" tanong ko pa.

"Your freedom. Hahayaan ka naming lumabas sa paaralang ito at mamuhay ng naaayon sa gusto mo." nagulat ako sa alok niya. Matagal ko ng gustong lumabas sa paaralang ito.

"Minsan lang ang ganitong oportunidad, Stacey. Palalampasin mo lang ba yun?" dagdag pa ni Mr. Reyes.

"Sige. Dadalhin ko siya sayo." pagsang-ayon ko sa kanya. Umalis na ako dun at bumalik sa dorm.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon