CHAPTER 23

112 3 0
                                    

AERY's POV

Pabalik na ako ng dorm. Iniisip ko pa rin kung paano nalaman ni Jhion kung sino ako.

"Huy!" panggugulat ni Stacey

"Ay! Palakang may nana sa mukha!" sigaw ko dahil dun.

"Grabe maka-palaka. Sa ganda kong ito? Palaka? tapos may nana pa sa mukha talaga? sa kinis na ito?" reklamo ni Stacey.

"Eh kasi naman, bakit kailangan pang manggulat, aber?" pagrereklamo ko.

"Luh? Eh kanina pa nga kitang tinatawag. Nakatulala ka diyan. Ano ba kasi yang iniisip mo?" sagot niya.

"Wala ito. Maliit na bagay." sabi ko at nauna ng pumasok.

"Ah okay. Maliit na bagay daw pero malalim ang iniisip." sagot niya. Hindi ko maayos na narinig yung huli dahil medyo pabulong na at pumunta na siya sa pwesto niya.

Humiga na rin ako sa kama ko. Si Jenrix, Yelo at Jhion. Alam nila kung sino talaga ako. Sabihin ko na kaya kay Stacey na hindi ako si Ate Ambry? Bestfriend siya ni Ate kaya may karapatan din siyang malaman. Ayaw ko naman maging unfair sa kanya. Sana lang maging tama yung decision ko. Hanggang sa kusa ng bumigat ang talukap ng aking mga mata.

(Kinabukasan)

"Baby JA!" sigaw ng isang lalake na nakaagaw ng pansin ng ibang estudyante.

"Baby JA!" tawag ulit nito. Hindi ko naman pinansin kasi hindi naman JA ang pangalan ko.

"Ambry, ikaw yata ang tinatawag. Sayo kasi nakatingin." sabi sa akin ng isang estudyante.

Nakakunot ang noo ko ng lumingon ako at kung sino ang tumawag sa akin.

"Jhion?" nagtataka kong tanong kay Jhion pagdating niya sa harapan ko.

"Yes, Baby JA." sagot niya at ngumiti na naman. Gwapo naman siya pero di ako na-aattract. Siguro dahil kamukha niya talaga si Daddy.

"What? Baby JA?" nakakunot kong tanong.

"Baby JA as in Jane Aery. Call sign natin" nakangiti niyang sagot.

"Call sign? Bakit? Tayo ba?" pagtataray ko.

"No, same kasi tayo ng initials. Jhion Alexis ako." at umakbay pa sa akin.

"Pwede namang JA lang. Bakit may baby pa? Like duh? Di ako sanggol" and I rolled my eyes. Hindi ko na pinansin yung pag-akbay niya. Wala namang malisya sa akin yun.

"Hindi sa gusto kita. Baby kasi parang kapatid na tingin ko sayo. Magkamukha rin naman tayo." well, pwede naman siguro. Wala rin naman akong kuya saka napansin niya rin palang magkamukha kami.

"Sige, Kuya JA." at ngumiti ako.

"Dapat ganyan ka lagi. Nakangiti, mas bagay sayo kaysa lagi kang nagtataray." sabi niya habang papasok ng classroom ng nakaakbay pa.

"Eh? Depende. Kung mababago mo saka huwag lang sa akin sasalubong si Impaktitang Samantha at yung bruhidang Sabrina." at napatawa na lang kami.

"Sige. Basta Baby JA, sabay tayo mamaya. May ipapakita ako sa'yo." imik niya pagdating sa upuan namin.

"Ano naman yun?" tanong ko. Ano kayang pakulo nito.

"Malalaman mo mamaya." sagot niya at ngumiti.

"Sige." ako at ngumiti rin pabalik.

"Ehem." Fake cough ni Zhed. Napatingin naman ako at nakitang nakatingin sa akin sina Jenrix at Yelo. Or should I say sa kamay ni Jhion na nakaakbay sa akin.

"H-hi guys!" bati ko sa kanila. Umupo naman ako sa tabi ni Jenrix. Ayaw ko munang makipag-agawan sa upuan kay Samantha. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ko sa kamay. Medyo malalim eh.

"Bakit kayo magkasama? Bakit kailangan may akbay? At bakit JA tawag niya sayo tapos may Baby pa?" sunud-sunod na tanong ni Jenrix. Mapagtripan nga.

"Ah, yun ba? Dahil kami na. Kanina ko lang siya sinagot." panloloko ko. Tahimik lang naman si Jhion at mukhang alam niya ang ginagawa ko.

"K-kayo na?" utal-utal at gulat na sagot ni Jenrix.

"Ay? Grabe ang reaction. I'm just kidding." Natatawa kong sagot sa kanya.

"Then bakit ganon?" tanong niya na parang nabunutan ng tinik sa dibdib. Haha...

"Ayan ka na naman kasi. Isa-isa lang. Una, walang namamagitan sa amin ni Jhion. Kuya-kuyahan lang tingin ko sa kanya. Pangalawa, wala lang yung akbay at pangatlo, JA kasi same kami ng initials ng name. At my yung Baby, it means as younger sister. Satisfied?" Mahabang litanya ko.

"Buti naman. Masakit eh." sabi niya pero di ko na narinig yung huli niyang sinabi. Pabulong na kasi.

"Anong sabi mo?" tanong ko ulit.

"Wala. Sabi ko, makinig ka na sa prof natin. Andiyan na oh." sabi niya at iniharap ako sa unahan.

- Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon