CHAPTER 19

125 3 0
                                    


AMBRY's POV

Oh! Ayan, humingi na ako ng maikling POV kay miss author. Wala naman kasi akong masyadong ikukwento. Andito pa rin nama kasi ako sa mansion. Pinili ko na lang mag-stay dito.

*tok!tok!*

"Lady Ambry, may dumating pong sulat para sa inyo." bungad ni Ate Teresa pagbukas ko ng pinto.

"Ah, salamat po." kinuha ko ang sulat kay Ate Teresa. Galing siguro ito kay J na naman. Itinabi ko ulit ang puting rosas at inilagay sa vase. 

"Nadagdagan na naman kayo" kausap ko sa rosas. Feeling maiintindihan. Haha...

"Nagbalik na si Samantha at nag-away sila ni Aery. Dahil dun, parehas silang naparusahan. (J)" basa ko sa sulat. Naparusahan si Aery? Wag naman sigurong sa ML siya ipapadala. Kung si Samantha, alam kong pipiliin nun ang ML, fuckgirl yun eh. Pero si Aery? Wag naman sana. Ayaw kong matulad siya sa akin lalo na kapag nalaman nilang nagpapanggap lang siya.

AERY's POV

*class dismissed*

"Ako na ang magdadala ng mga libro mo, Ambry. Alam ko namang ayaw mo ng ipinagdadala ng bag." presenta ni Jenrix. Kinuha niya yung mga libro at dahan-dahang isinakbit ni Jenrix sa balikat ko ang bag.

"Nagpapabebe lang yan." and she rolled her eyes. Sa kanya pa talaga nanggaling. Tss...

"Bakit? Inggit ka? Palibhasa, trying hard ka kay Eris. Kahit anong landi mo, wala siyang response sayo." pang-aasar ko kay Impaktita.

Tinarayan niya lang ako at binangga ng dumaan siya sa harapan ko. Aksidenteng nadali yung sugat ko kaya medyo napangiwi ako. Napansin siguro ni Jenrix.

"Okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Jenrix pagkaalis ni Samantha. Tumango lang naman ako.

"Tara na." pag-aaya ko. Nauna na si Zhed kasunod ni Yelo kanina.

"Kailan pala start ng punishment mo?" tanong niya habang naglalakad kami sa hallway.

"Bukas na kaya kailangan kong pumasok ng maaga para na rin wala pang masyadong nagamit." sagot ko.

"Ah, pero hindi pa masyadong magaling ang sugat mo. Kahapon lang iyan." sagot niya ng halong may pag-aalala.

"Okay lang. May isang kamay pa ako saka ipang-aalalay ko lang ito. Huwag ka ng mag-alala." sabi ko at ngumiti. 

"Sige. Pasok ka na at magpahinga." imik niya pagkarating namin dito sa dorm.

"Sige, salamat. Bye." paalam ko.

"Sige. Ako bahala sa'yo." paalam din niya with kindat pa. Pumasok na ako sa dorm at bumungad na naman sa harap ko si Stacey.

"Hi Tams. Kamusta? Napaano pala yang sugat mo sa wrist? Nakita ko yan kagabi habang tulog ka. Sino may gawa niyan? Anong nangyari? Reresbakan ko na ba?" sunud-sunod niyang tanong. Daldal din sadya.

"Teka, Stacey. Hinay-hinay lang. Hindi ako nagmamadali." sagot ko.

"Ganito kasi yan." simula ko at hinila ko siya paupo sa kama ko. Sinimulan ko ng ikwento yung away namin ni Samantha.

"Ang sama talaga ng ugali ng Samantha na yun" sagot niya matapos kong magkwento.

"Hintayin niya lang gumaling itong sugat ko at makakatikim siya sa akin." pagbabanta ko kaya naptingin siya sa akin.

"Pwedeng maki-join force?"  banat ni Stacey. Galit din kay Impaktita eh.

"No need, Stacey. Kaya ko na yun." pagtanggi ko naman sa kanya. Hindi na niya kailangang madamay pa sa away namin.

"Ibang-iba ka na talaga, Tams. Kung hindi ko lang alam na may amnesia ka, iisipin ko ng ibang tao ka." sabi pa niya kaya napatingin ako sa ibang direksiyon.

"A-ano ka ba? P-paano mangyayari y-yun? Saka alam mo ba, asikasong-asikaso ako ni Jenrix maghapon." pag-iiba ko ng topic.

"Yeah, I know. Nakita ko sa bulletin niyo. Nga pala, ano naman ang parusa sayo? Don't tell me, it's ML?" tanong niya pa

"Ako, hindi pero si Samantha, iyon ang pinili. Maglilinis lang ako ng CR for a week." sagot ko.

"As expected kay Samantha. Pero ikaw? Paano yang sugat mo?" nag-aalala niyang tanong.

"Wala ito. Malayo sa bituka at hindi ko ikamamatay ang paglilinis ng CR." sagot ko at ngumiti.

"Sige, sabi mo eh. Maiwan na muna kita, magre-review pa ako. May quiz kami bukas eh." paalam niya at pumunta na sa pwesto niya.

Nagbihis muna ako ng pantulog at humiga sa kama. Kailangan kong gumising ng maaga para maglinis pa. And everything went black.  

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon