CHAPTER 53

73 1 0
                                        

AMBRY's POV

"Yieee... Tams, ang pretty mo!" complimenet ko sa ayos ni Stacey. It's been 10 am in the morning.

"Thank you, Tams but you're prettier. Huwag papakabog." pambawi ko naman sa kanya.

"Yiee... enebe. Di naman masyado." pa-humble pa ni Stacey.

"Si Aery kaya? Kamusta kaya?" medyo malungkot niyang imik habang nakatingin sa salamin.

"I don't know basta paggising ko, wala na siya diyan sa pwesto niya. May nakita na lang akong note na pumunta na lang daw tayo sa event hall at huwag na daw natin siyang hintayin." paliwanag ko kay Stacey.

"Aattend naman siya di ba? Kailangan niyang umattend." imik niya na medyo mahina yung dulo pero narinig ko pa din yun.

"Bakit kailangan niyang umaatend? Kung ayaw niya talaga e?" takang tanong ko na medyo nagulat pa siya.

"Ah-ah... syempre, once I a lifetime lang yun saka mapupunta siya sa ML kapag di siya umattend." dahilan pa niya. Sabagay, nasaan ka na ba kasi Aery?

"Pero dapat naghahanda na siya." sagot ko at kinuha ang gowns namin na ipinadala ni Dad.

"Yan ba ang gown na susuotin niyo ni Aery?" tanong ni Stacey habang nakatingin sa mga gowns at mascara.

"Oo. Ipinadala yan ni Dad sa amin kaninang umaga. Same lang ang design pero magkaiba ang kulay." paliwanag ko.

"Ang galing naman. Parang Yin at Yang kayo niyan kapag sinuot niyo. Alin diyan ang kay Aery?" tanong niya.

"Akin yung white at kay Aery ang black." sagot ko naman.

"Ahh, ganun ba? Siya, halika na at aayusan na kita. Excited na din akong makitang suot mo yan." sagot naman niya at hinila ako sa harap ng salamin.

JHION's POV

"Kuya JA, dali na, samahan mo na ako. Kanina pa akong 5 am dito. Dali naaa..." pagpupumilit sa akin ni Aery dito sa dorm ko. Yup, andito siya para kulitin ako para samahan siyang magpaayos.

"Baby, maghintay ka na lang kasi dito. May tinawagan na ako." sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

*tok!tok!*

"Iyan na ata yung tinawagan ko. Pagbuksan mo na." utos ko sa kanya na sinunod naman niya agad. Nagtaka lang ako ng bigla siyang natahimik kaya sinundan ko siya sa may pintuan.

"Aery, pwede bang tayo na lang yung magpartner para sa Masquerade Ball? Para makapag-usap na rin tayo." rinig kong imik na mukhang si Eris base sa boses. Siya lang din naman ang kilala kong may kasalanan kay Aery kaya kailangang niyang kausapin.

"Hanga din naman ako sayo. May lakas ka pa din ng loob para humarap sa akin? My answer is NO. May ka-date na ako." tuwid na sagot ni Aery kay Eris.

"May problema ba dito?" tanong ko kay Aery paglapit ko sa kanila.

"Sino naman? Ang lalaking ito?" tanong ni Eris at tinuro pa ako.

"Oo, may problema ba kung siya ang piliin kong date para sa Masquerade Ball?" cold na tanong ni Aery sa kausap niya.

"Di ba sabi ng Dad mo at Ate Ambry mo, lumayo ka sa kanya because he is from ROS Academy." Medyo inis pa ang tono ng pagsasalita ni Eris.

"I know. You don't need to remind me. Yes, galing siyang ROS Academy but never niya akong sinaktan. Alam niya at may pake siya sa nararamdaman ko kahit hindi niya sabihin. Eh ikaw? Close nga tayo but still, you're the one who hurts me the most." mahabang litanya ni Aery.

"Aery, I can explain." depensa ni Eris.

"No need, Eris. You may go." pagpapaalis ni Aery kay Eris. I know, kahit ganyan ang way niya para kausapin si Eris, she still loves him. She still cares for him.

*tok!tok!*

"Ano ba? Sabing hindi!" sigaw ni Aery ng may kumatok ulit kaya ako na ang nagbukas.

"Po? Akala ko po ba ay may magpapaayos?" sagot nung isang babae pagbukas ko ng pinto.

"Ay, ate. Pasensiya na po. Akala ko po kasi yung makulit na kausap ko kanina. Pasok po kayo." paghingi ni Aery ng pasensiya at pinapasok ang taga-make up.

"Simulan mo na po." imik ulit ni Aery. Excited na akong Makita siyang nakaayos. Minsan lang kasi ito magpakababae.

FEIVY's POV

"Ano ngayon ang ginagawa ni Aery?" tanong ko kay Mr. Reyes.

"Mukhang madadalian lamang tayong kunin siya. Magkakaaway sila nina Stacey at Eris. Tanging si Jhion lamang ang nakakasama niya." sagot ni Mr. Reyes.

"Good. Madali lang lusutan si Jhion kaya mukhang madadalian lang si Stacey na dalhin si Aery sa atin. And speaking of Stacey, nakausap mo na ba siya?" tanong kong muli kay Mr. Reyes.

"Yes, miss. Kaninang madaling araw at mukhang gagawin niya talaga ang napag-usapan." nakangising sagot naman nito.

"Sige, makakaalis ka na. Kailangan na rin nating maghanda para sa Masquerade Ball. And pagkatapos nito, tayo na ang magiging pinakamakapangyarihang tao sa mundo dahil sa First Blood Formula." ako at umalis na din.

AERY's POV

"Ano bang make up ito? Hindi ako mapakali." medyo inis kong sambit kay Kuya JA.

"Palibhasa kasi para kang lalaki. Hindi uso sayo ang make up." asar niya sa akin habang nagbabasa ng libro.

"Anong sabi mo? Para akong lalaki?" tanong ko sa kanya.

"Oo." maiksing sagot niya ng hindi pa din tumitingin sa akin.

"Buti alam mo." sang-ayon ko sa kanya. Anong akala niya? Maaasar niya ako? No way!

"Sadya. Kaya walang nagkakagusto sayo e." panibagong pang-aasar niya pa.

"Ah, ganon." Simula ko at pumunta sa harapan niya kaya napatingin siya sa akin.

"Teka, Aery! Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin habang inilalapit ko sa mukha niya yung mukha ko.

"Hindi tayo talo, Baby." dagdag pa niya. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang paggalaw ng adam's apple niya na senyales ng paglunok niya ng laway.

"Lalaki pala ha? Takot din naman mahalikan ko. Matutulala ka din sa akin mamaya." bulong ko sa kanaya in a seductive way. Umangat na ako at inaayos ang necktie niya.

"5 pm na Kuya JA. Mauna ka na sa event hall. May dadaanan lang ako." paalam ko sa kanya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil alam kong magpepresenta lang yun na samahan ako.

Buti na lang, wala pang masyadong tao dito sa dadaanan ko. Mga abala pa din siguro sa paghahanda sa kanilang sarili para sa Masquerade Ball.

"Miss, kukunin ko na yung gown na ipinatabi ko kahapon." bungad ko sa saleslady.

"Ah, ikaw po ba yun? Ang ganda niyo po pala kapag naayusan kayo." compliment niya sa make up. So, panget ako kapag walang make up, ganon? Gusto ko sanang sabihin yan kaso baka mawalan pa ako ng discount. Next time na lang siguro. Hehe...

"Thank you, Miss, So, nasaan na?" tanong kong muli sa kanya.

"Ito na po." inabot naman niya agad sa akin ito.

"Salamat." sagot ko at umalis na dun.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon