AERY's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway. And as always, bulungan everywhere.
"Uy, girl, bumalik na si Samantha." - girl 1
"Naku naman. Siguro nabalitaan niya yung sa ML." - girl 2
"Siguradong si Ambry agad ang guguluhin nun." - girl 3
Ako? Sino ba yung Samantha na yun? Guguluhin ako? Like duh! Wag siyang mag-expect na magpapatalo ako. Hindi ako si Ate Ambry. Ako si Jane Aery Mendez. Marami na kaya akong nakaaway. Wag niya akong gagalawin at talaga namang makakatikim din siya.
Pagpasok ko ng room, hinanap ko agad ang pwesto ko. Nakita ko sina Jenrix at ang barkada niya.
"Uy, guys, may tanong ako." pagkaupo ko. Lumingon naman sina Jenrix at Zhed samantalang si Yelo ay parang wala lang. Hayss... Balik na naman siya sa pagiging cold.
"Ano yun?" tanong ni Jenrix
"Sino si Samantha? Bumalik na daw kasi siya." sagot ko. Medyo nagulat sila agad pero nabawi naman agad nila ang kanilang ulirat.
"Let me answer that question, Ambry." simula at presenta ni Zhed.
"Okay. So, who is she?" pagsang-ayon at pagtatanong ko.
"Samantha Marquez is your ultimate bully. She is the reason kung bakit napasok ka noon sa ML. Wala na yung takot maparusahan sa ML, suki siya dun. May kapatid siya dito na may gusto kay Jenrix, si Sabrina Marquez na isa rin sa nambubully sayo while Samantha likes Eris. At siguradong magiging kaklase natin siya dahil andito si Eris." daldal ni Zhed. Tumingin ako kay Yelo. No expression, as usual.
"Eh bakit di ko nakikita yung Sabrina?" tanong ko.
"Lower year kasi siya kaysa sa atin but same course. Saka oo nga noh? nakapagtataka rin kung bakit nga di ko pa siya nakikita. Samantalang noon, buntot din yun lagi ni Jenrix." dagdag pa ni Zhed. Bagay talaga sila si Stacey. Madaldal at maraming alam na tsismis. Haha
"Ahh, okay. Salamat." sakto namang dumating na si Miss Arellano.
"Okay, class. Mayroon kayong bagong kaklase. Tulad ni Ambry, pumasok na rin siya dito, two years ago." panimula ni Miss Arellano then tumingin siya sa akin. Ano bang nangyari two years ago? Parang andami nilang nililihim.
"Miss Marquez, pumasok ka na." at tinawag niya ang babaeng nasa labas. Siya na siguro si Samantha Marquez. Naglakad siya papunta sa tabi ni Miss Arellano para magpakilala.
"Samantha Marquez. I hope we can be friends. It's nice to be back. Please be good to me." then tumingin siya sa akin at sa katabi ko. Tss... Be good to me and I'll be good to you.
Well, maganda naman siya, mukhang matalino at babaeng-babae ang dating pero lamang pa rin ako. Mas maganda ako, mas matalino, at higit sa lahat, virgin pa. Eh siya? Suki daw sa ML, eh di laspag na yan. Tss.
"Okay, Miss Marquez, pumili ka na sa mga vaccant seats." sabi ni Miss Arellano. Well, ang vaccant lang ay yung sa tabi ni Jenrix na nasa unahan ko, sa tabi ko sa kabilang row at dalawa sa ibang rows.
Lumapit siya dito. Sa tabi siguro ni Jenrix siya uupo kasi malapit kay Yelo.
"Ahm, excuse me." imik niya sa akin. Kailangan nito.
"What do you need?" don't tell me, aagawan niya ako ng upuan. No way! Akin lang si Yelo este yung upuan ko.
"That's my seat." maarte niyang sagot.
"Oh, really. Walang pangalang nakalagay dito." at kunwari ay naghanap ng pangalan sa upuan. Tarayan ang gusto mo ha.
"I don't need my name there to say it's mine." sagot niya.
"Ahh, ganun ba? Sorry ha? May mga bagay kasi na hindi mo masasabing iyo talaga hangga't walang titulo. Parang yung taong mahal mo, hangga't hindi kayo magka-apelyido, hindi ka makakasiguradong walang makakaagaw sa sinasabi mong sa'yo." mahabang litanya ko na nakataas pa ang kilay at tumingin kay Yelo na nakatingin din pala sa amin. Nailan tuloy ako bigla.
"I'm the original owner of that seat." halata na sa tono niyang naiinis na siya.
"Sorry, sa panahon ngayon, kahit original, napapalitan. Malay mo kaya ko palag higitan yung nakasanayan. And by the way, sabi ni Miss Arellano, choose on vaccant seats. I'm sitting here so this is not available. You look smart so I think you can understand simple instructions. Oh baka nama, gusto mo pang tagalugin ko." iimik pa sana siya ng magsalita na si Miss Arellano.
"Miss Marquez, can you sit now? Your distracting the class." imik ni Miss Arellano kaya wala na siyang nagawa kundi maghanap ng ibang seats.
"Di pa tayo tapos, Bitch." pagtataray sa akin ni Samantha.
"Oh, com'on. Its takes one to know ones. I can be the bitch you won't forget." sagot ko at padabog siyang umupo sa tabi ni Jenrix. Then Miss Arellano started the class.
- Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...