JENRIX's POV
"Uy, Pre! Bumalik na si Ambry ah. Siya pala yung sinasabing transferee ng iba." imik ng katabi kong si Zhed.
"I know, Pre." plain kong sagot. Naglalakad na kami papuntang room.
"Huh? Then bakit di mo sinundo?" nagtataka niyang tanong.
"You'll know soon kapag nakita at nakasama mo siya." sagot ko at naglakad na.
"Ang gwapo talaga ni Jenrix." - girl 1
"Oo nga, ang swerte sa kanya ni Ambry." - girl 2
"Yup and you know what girls, bumalik na daw si Ambry." - girl 3
"Then bakit hindi sila magkasama?" - girl 1
Mga bulungan sa hallway. Tkz. Dumiretso na lang ako sa classroom.
AERY's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway. Wala ng estudyante dahil start na ng klase. Nagpaalam naman akong male-late. Dumaan muna ako sa cr dahil hindi ako kumportable sa uniform kasi ang iksi. Mas gusto ko pa sa past school ko, free style ang suot ko lagi. Pumasok ako sa isang cubicle para umihi.
"Uy, girl! Bumalik na daw si Ambry." litanya ng isang babae na pumasok dito sa cr.
"I heard about that. May kaagaw na naman ako sa atensyon ng Jenrix ko." maarteng sabi naman ng kasama niya. tkz. kanya na ang Jenrix niya.
"Pero girl, may rumor na malaki daw ng pagbabago ni Ambry." base sa boses niya ay iyon yung unang nagsalita.
"Well, kahit ano pang baguhin niya sa pagkatao niya, she's still the weak Ambry we used to bully." maarteng sabat nung isang babae. Weak pala ha. Pwes, lagot ka sa akin. Bully ka rin pala sa Ate Ambry ko ha. Humanda kayo sa akin. Binuksan ko ang cubicle at nagulat sila ng makita ako. Tkz.
"Oops! nagulat ba kayo? Did I disturb your kwentuhan, or should I say, tsismisan?" with maarteng tono, pang-asar lang.
"H-hindi ah! K-kahit nasa h-harapan ka, sasabihin namin yun." tanggol nung unang nagsalita kanina. Tkz. Sasabihin daw? utal-utal na nga.
"Ah, ganun ba? pwedeng sumali?" asar ko pa. Sabay kalas ng buhok at inayos ang ipit kong bun.
"At bakit naman? Bawal ang sumali ang cheap dito." then tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya kusang kumurba pataas ang isang kilay ko.
"And base on what you look like now, I can see that you really changed. Yung buhok na laging nakalugay, naka-bun na. Your face na kahit light make up, wala na. And shoes with heels, rubber shoes na. But still, you're weak. And the only thing that you can't change is that your ugly." mahaba niyang litanya.
"Ano? Wala na? Finish na? Haba ng speech eh noh? Di ko naman alam na fan pala kita. Alam na alam mo bawat detalye. At Jenrix mo? Then go! Support kita. Good luck na lang kung papansinin ka niya. Kung yung two years na nawala ako, hindi pa rin siya napasayo. Ano pa ngayon na bumalik na ako? Papansinin ka pa rin kaya niya?" pambawi ko sa mga sinabi niya at kunyari pa ay nag-iisip. Thanks to Stacey, may nagamit akong info. Siguro mahal ni Jenrix si Ate Ambry.
Iimik pa sana siya ng magsalita pa ako.
"And by the way, me? Ugly? So you're saying that you're pretty? Oh common! You are just pretty because of make ups. And if that's the definition of being pretty..." then inikutan ko siya at tiningnan mula ulo hanggang paa. Akala niya siya lang? I'm Aery Mendez and not just a girl.
"My gosh! Dyosa na pala ako? Partida, wala pang make up." with matching kamay sa bibig na parang nagulat. Wala lang, pang-aasar lang. Then iniwan ko na siya pero may pahabol pa siya.
"Hindi pa tayo tapos, Jyxie Ambry!!!" sigaw niya. Aasarin ko ulit. hihi...
"Ah ganun ba? Nagsimula ka na pala ako kasi hindi pa. Hindi kasi kita feel. Pwede yung mas exciting? Para naman ganahan din akong makipaglaro sayo. Tss." Then tuluyan na akong umalis. Narinig ko pa ang pagsigaw niya sa inis. Kung maarte siya, mataray ako at palaban kaya huwag niya akong susubukan.
Hindi pa man malinaw kung bakit kilalang-kilala dito si Ate Ambry, isa lang ang nasisigurado ko. Naging masama sila sa Ate ko at ako ang babawi para sa kanya. Mukhang ma-eenjoy ko ang stay ko sa school na ito. Ano pa kaya ang mga darating na eksena. Can't wait. Akala ko di ko magugustuhan dito.
-Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...