AERY's POV
Andito kami sa canteen at naiilang na ako kay Jenrix. Kanina niya pa ako inaasikao. Simula kasi nung lumabas kami ng clinic ay inalalayan niya akong maglakad.
"Ambry oh." tulad ngayon. Sinusubuan niya ako ng pagkain. Like duh! Nahiwaan lang ang wrist ko pero nakakagalaw pa ako.
"Jenrix, nakakahiya. Ako na. Kaya ko naman eh." pero inilalayo niya yung pagkain.
"Sige na Ambry, kumain ka na." at nagpout pa siya. Di yan gagana. Itinigil na rin namin yung pagtawag sa endearment nila ni Ate.
"Kaya ko naman eh. May isa pa akong kamay, Jenrix." then I rolled my eyes.
"Kanan ka kaya mahirap kapag nagkaliwa ka. Dali na kasi. Please..." siya. Hayyss... Wala na akong magagawa, gutom na rin ako kaya kinain ko na yung sinusubo niya.
"Ang sweet nila." - girl 1
"Ayyiieehh. Sana all." - girl 2
"OMG! Ang sweet!" - girl 3 at kinuhanan pa kami ng litrato.
"Kita mo na, Jenrix. Pinagtitinginan na tayo." angal ko kay Jenrix. I really hate attentions.
"Hayaan mo na sila, inggit lang ang mga iyan kasi sinusubuan ka ng gwapo" nakangiting sagot ni Jenrix. Mahangin rin pala ang lalaking ito.
"Pero wala namang namamagitan sa atin. Like duh!" at kinain ang sinubo niya.
"Yan, tumahimik din." sabi niya habang ngumunguya ako.
"Hayaan mo na sila basta magpagaling ka." nakangiti niyang sabi.
"Ano pa bang magagawa ko?" and I just rolled my eyes.
"Eto, last na. Then hahatid na kita sa dorm mo bago ako pumasok." at isinubo sa akin ang huling piraso ng cake.
"Papasok din ako. Mabo-bored lang lalo ako sa dorm." sagot ko matapos uminom ng tubig.
"Pero paano yang sugat mo. Bawal yang masyadong maigalaw." pag-aalala niya.
"Ano ka ba? Malayo ito sa bituka. Saka makikinig lang ako sa klase." sagot ko at ngumiti. Sa totoo lang, medyo mahirap din ito, kanan kasi yung nadali. May araw ka rin sa akin Samantha. Hindi lang sapak ang matitikman mo.
"Tara na. Ako na ang magdadala ng books mo. Itong bag na lang ang iyo. Alam kong ayaw mo ng ipinagdadala." dahan-dahan niyang isinabit sa kaliwang balikat ko ang bag ko at dinala niya ang books ko. Ang swerte ni Ate Ambry sa kanya. Mabait at maalaga.
Tiyak din akong magiging isang mabuti siyang ama.Inalalayan niya ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa classroom. Like duh! Kamay yung natamaan sa akin at hindi paa.
"Ang sweet naman nila." bungad sa amin ng class president. Ngumiti lang kami at dumiretso na. Nakita ko si Samantha na katabi na ni Yelo. Napansin ko naman ang pagtingin ni Yelo sa kamay ni Jenrix na nakaalalay sa tagiliran ko. Tss...
"Dito ka na umupo sa tabi ko, Ambry." at inalalayan pa akong umupo. Ok, sige, siya na rin ang sweet at gentleman. Mawawala ata ang pagka-boyish ko sa school na ito ah.
"Salamat." sagot ko pagkaupo.
"Basta kapag may ipinasulat na notes ang professor natin, wag ka ng magsulat. Ako na ang bahala sa notes mo." siya at ngumiti. Sige, siya na rin ang masipag.
"Okay lang ba sayo? Sobrang dami na ng nagawa mo sa maghapon para sa akin." nag-aalangan kong tanong.
"Oo naman. Kundi lagot ako kapag di ka naging maayos." sabi niya at kumindat. Lagot kay Ate. Haha... Ngumiti na lang ako.
"Ah! Aray! Bigla atang nagkalanggam sa upuan ko." parinig sa amin ni Zhed.
"Tumahimik ka nga, Pre. Nag-aalala lang. Timang ka sadya." saway ni Jenrix. Haha...
Sakto namang dumating ang sunod naming professor kaya tumahimik na kami at tumingin sa harapan.
-Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Fiksi RemajaPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...