AERY's POV
"Hi" bungad ng isang lalaki paglabas ko ng office. Tiningnan ko lang siya at naglakad palayo.
"Ang sungit naman nito, parang walang pinagsamahan." sabi niya kaya nilingon ko siya.
"Excuse me? Pinagsamahan? Hindi nga kita nakikilala." mataray kong sagot.
"H-hindi mo ako k-kilala?" nauutal niyang tanong. Bakas sa mukha niya ang gulat at lungkot? Pero bakit? Isa ba siyang mahalagang tao sa buhay ni Ate Ambry?
"Magtatanong ba ako kung kilala kita? Kaya sorry pero hindi talaga. Pasensiya na, may amnesia kasi ako kaya hindi kita kilala kung malapit ka man sa buhay ko." sagot ko
"Then let's start from the beginning. I'm Jenrix. Rix for short." then inabot niya ang isang niyang kamay.
"Ambry" maikli kong sagot at tiningnan lang yung kamay niya. Napansin naman niya na wala akong balak abutin yun kaya ibinaba na lamang niya ito.
"Okay lang kung hindi mo ako maalala at kahit nagbago ang ugali mo dahil sa amnesia. Pero tandaan mo, Ambry, gagawin ko lang lahat, bumalik ka lang sa dati. At bumalik sa akin." then ngumiti siya ng mapakla at tumalikod. Kung sino ka man sa buhay ni Ate Ambry, pasensiya pero di mo ako maibabalik sa dati dahil hindi naman talaga ako si Ate Ambry. Minasdan ko lamang siya palayo at saka umalis na rin.
JENRIX's POV
Sabay ng pagtalikod ko ay ang pagtulo ng luha ko. Masakit isiping nakalimutan na ako ng taong mahal ko. Ambry is my girlfriend. After ng nangyari, two years ago, biglana lamang naglaho si Ambry. Walang nakakaalam kung nasaan siya or buhay pa ba.
"Uy, Pre. Balita ko may bagong transferee daw sa school natin?" bungad sa akin ni Zhed pagdating ko sa dorm.
"Oo, Pre. Nakilala at nakita ko na siya sa may hallway kanina lang." plain kong sagot kay Zhed.
"Talaga, Pre? Maganda ba? Popormahan ko." tuwang-tuwang sabi ni Zhed. He is Zheddy Martinez. Zhed for short. Bestfriend ko since elementary. Mahilig sa girls pero takot sa commitment. Masarap daw kasi maging single, no rules, no KJ.
"Oo, Pre. Magugulat ka kapag nakita mo siya." malungkot kong sagot.
"Talaga Pre? Gusto ko siyag makilala" excited ang loko basta talaga babae.
"Okay. But I'm sure hindi natin siya magiging kaklase." College na kasi kami. Nursing ang gusto ni Ambry at engineering naman kami. Imposibleng maging classmates kami because she hates Math.
"Bakit parang malungkot ka, Pre? saka umiyak ka ba?" tanong ni Zhed habang tinitingnan ang aking mukha.
"Wala ito, Pre. Napuwing lang ako kanina nung biglang humangin ng malakas. Ang sakit nga eh." sagot ko at sana maniwala siya.
"Talaga ba, Pre?" at nilapit pa lalo ang mukha niya sa mukha ko.
"Oo, kaya tumahimik ka na lang at siguradong parating na si Eris." sagot ko makaiwas lang sa tanong. Dakilang tsismoso din yan eh tapos maingay pa. Bagay nga sila nung bestfriend ni Ambry na si Stacey. Sakto namang iniluwa ng pintuan ang kapatid kong ipinaglihi ata sa yelo sa sobrang cold. Ewan ko ba kung anong nangyari diyan. Bigla na lang hindi ngumiti at tumawa simula nung nangyari two years ago.
Dire-diretso lamang siya then tumingin sa akin ay pumunta ng kwarto niya. Ganyan kami magbatian. haha...
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Dla nastolatkówPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...