AERY's POV
*yawn*
*click*
Rinig kong tunog ng camera habang humihikab ako.
"Hahaha..." tawa ni Ate Ambry. Don't tell me...
"Ambry, don't tell me kinuhanan mo ako ng litrato?" kinakabahan kong tanong. Bruha pa itsura ko, my gosh.
"Hahaha... Oo, tama ka. May ipapakita na ako sa taong gusto mo kung sino man yun. Hahaha..." pang-aasar niya pa habang tumatawa siya.
"Aaammmbbrryy!!" sigaw ko at nakipaghabulan sa kanya.
"Oh, teka! Bago mo ako hulihin, tumingin ka muna sa orasan. May pasok pa tayo at meron pa tayong grand entrance sa school." sagot ni Ate at tumingin sa orasan.
"Shet! 30 minutes na lang. Ate naman, bakit di mo ako ginising ng mas maaga sana. Hayst." dumiretso na ako sa banyo para maligo. My gosh!
"Aba, malay ko. Baka kasi nananaginip ka pa ng maganda, magalit ka pa sa akin kapag naputol." pagdadahilan pa niya at tumawa.
JENRIX's POV
"Uyy, Pre! May transferee na naman daw ulit." imik sa akin ni Zhed habang naglalakad sa hallway.
"I know." simple kong sagot. I have a feeling that it's Aery. Buti naman di na siya mahihirapang magpanggap.
"Really? Pansin ko lang, ako ang laging late sa mga news ngayon." sagot pa ni Zhed. Hindi lang late, wala pang alam.
"Oo, at kilala ko siya." sagot ko naman na ikinamilog ng mata niya.
"Talaga? Pakilala mo ako. Baka siya na ang the one ko." sagot pa niya. Puro pakilala ang lalaking ito, di naman nagugustuhan.
"Puro ka pakilala, andiyan naman si Stacey, siya na lang ang i-chix mo." sagot ko at umupo sa upuan.
"Ayaw ko dun. Ang ingay kaya nun." aba? Nag-inarte pa.
"Nagsalita ang hindi maingay." bulong ko.
"May sinasabi ka?" tanong niya.
"Ah, wala." pagtanggi ko.
Dumating naman si Eris at nakadikit na naman si Samantha. Kung andito lang si Aery, nagbanggaan na naman ang dalawang babaeng ito. Mamaya pa ang dating noon. May pasabog iyon na ikagugulat ng lahat. Sakto namang dumating na si Miss Arellano.
"Okay, class. Alam kong alam niyo ng may bago na namang transferee sa school na ito at magiging kaklase niyo siya. She's just new in this school. So, be good to her. And I know na magugulat kayo kapag nakilala niyo siya." panimula ni Miss Arellano.
"Okay, iha, pumasok ka na and introduce yourself." tawag ni Miss Arellano sa babaeng nasa may pintuan.
AERY's POV
"Okay, iha, pumasok ka na and introduce yourself." tawag sa akin ni Miss Arellano.
Nakayuko akong pumasok at naglakad sa harapan. Bakas sa kanila ang gulat ng ipakita ko ang mukha ko.
"Di ba si Ambry yan?" - girl 1
"Oo nga. Saka kaklase na naman sadya natin siya. So, bakit kailangan pa niyang magpakilala ulit?" - girl 2
Bulungan ng dalawang estudyante na nasa harapan ko.
"Ma'am! Are you kidding us? Obviously, she is Ambry." maarteng sabat naman ni Impaktita. Tss...
"No, Miss Marquez. She's a transferee. Let's just hear her first before we react." sagot ni Miss Arellano.
"Hi! I'm Jane Aery Mendez, twin sister of Jyxie Ambry Mendez. I studied abroad but I can speak and understand Tagalog." plain tone kong imik sa harapan. Lahat sila nagulat maliban kay Jenrix, Jhion at Yelo. Tss...
"Then, where is Ambry?" tanong ni Impaktita.
"She's now taking up Nursing. Why? You miss her already? So touching naman, Miss Marquez. Siguro, sobrang close kayo ni Ate Ambry ko." sagot ko kahit nasa harapan pa ako.
"Of course not. I'm just curious." maarte niyang sagot.
"Miss Mendez, you may take your sit wherever you want. I'll just go outside to check on something." sagot ni Miss Arellano. Wherever I want pala ha kaya pumunta ako sa tapat ni Impaktita.
"What?" mataray niyang tanong pagdating ko sa harapan niya.
"I will sit there." sagot ko in a plain tone.
"No. I don't want." sagot niya.
"Well, then I want." sagot ko naman with taas kilay pa.
"Ako ang nakaupo dito. This is my seat." pagpupumilit niya.
"Really? As far as I remember, that is originally MY SEAT." sagot ko at ipinagdiinan ang huling salita.
"Ano? Nagka-amnesia agad? Transferee ka di ba? So, paano ito magiging sayo?" sagot niya at ipinakita ko ang wrist kong may sugat.
"You're pretending as Ambry since your first day here." imik niya na sapat lang ang lakas na ako lang ang nakakarinig.
"Oh? Ngayon mo lang napansin? I thought matalino ka at madaming source. Sa landian ka lang pala magaling. Tss..." sagot ko.
"Isusumbong kita. Sisiguraduhin kong makakarating ito sa nakatataas." pananakot niya.
"Well, then, sisiguraduhin ko ring makakarating yan pero walang patutunguhan. Sino maniniwala sa'yo? Bakit? May ebidensiya ka?" sagot ko.
"So if I were you, I rather shut up my mouth. And don't you dare to hurt Ambry. Kahit ang dulo ng daliri niya dahil ako ang makakalaban mo." dagdag ko pa.
"You'll pay for this. I'll make sure that you're life here will be like a living hell." banta pa niya. Ano akala niya? Masisindak ako?
"Oh really? Since the first day I stepped my foot here, I already know that this is like a hell. There's a hell everywhere. Hindi nga lang obvious dahil ini-enjoy ko. Naghahanap ako ng kalaro, baka gusto mong sumali?" I answered and make a smirk.
"And don't worry, I'm letting you to sit there for this day. I'm still mabait pa rin naman. So, you better enjoy every second on having what's mine. Dahil babawiin ko rin yan." sagot ko at tumingin kay Yelo. Pinagpagan ko pa kunwari ang balikat ng uniform niya bago umupo sa tabi ni Jenrix dahil dumating na rin si Miss Arellano.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Novela JuvenilPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...