CHAPTER 60

51 0 0
                                    

AMBRY's POV

Nag-ring na ang phone ko. Ibig sabihin, pwede ko ng alisin ang piring ko. Hindi ko napigilang hindi maiyak sa nakita ko pagkaalis ko ng piring. Kumpleto ang buong pamilya ko at kaibigan.

At ang isa sa mahalagang tao sa buhay ko, si Jenrix. I just found myself walking the aisle. Nagflashback lahat ng napagdaanan namin and Samantha, sayang lang na wala ka dito but I know, kung nasan ka man, masaya ka sana.

Sinalubong ako ni Dad sa bandang gitna. Isinabit nya ang kamay ko sa braso nya.

"I'm so proud of you, baby. You're now marrying the man you love. Be happy and contented with them. Be a good wife and mother to your child." imik ni Dad habang naglalakad kami papuntang altar.

"Yes, Dad. I'll be." pagtalima ko naman sa bilin niya.

"Take care of my daughter. She will be your wife now. I am like trusting you the most expensive gem in the world. So be careful with her." bilin naman ni Dad kay Rix ng iabot nya ang kamay ko kay Rix.

"Yes, Sir. Makakaasa po kayo." sagot naman ni Rix.

"Good." Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

"In front of me are two lovers who is deeply inlove with each other. Before I start, Is there someone who wants to stop this wedding or just keep yourself in silence." panimula ng pari. Wala namang nagtangkang magsalita. At kung meron man, bibigwasan ko.

"Mister Jenrix Lovein, will you take Miss Jyxie Ambry Heart-Mendez as your wife for the rest of your life?" tanong ng pari kay Rix.

"Yes, I do, Father." nakangiting sagot naman ni Rix at tumingin sa akin.

"Miss Jyxie Ambry Heart-Mendez, will you also take Mr. Jenrix Lovein as your husband for the rest of your life?" tanong naman sa akin ng pari.

"Yes, I do." sagot ko habang nakikipagtitigan kay Rix.

"Miss Mendez and Mister Lovein, you may start exchanging vows." Humarap sa akin si Rix at nagsimulang magdrama este magsalita.

"Losing you for two years has been my darkest days of my life. Hindi ako mangangako na hindi ka masasaktan but I'll do my best para maiwasan yun. Hindi ako mangangako ng magarbong buhay but I'll make sure that you will feel contented and happy what we have. Hindi ako mangangako na hindi ka iiyak but I'll always there to wipe your tears away. Hindi ako mangangako but l'll do my best to be the best husband. I love you, Jyxie Ambry Mendez." at isinuot nya sa aking palasingsingan ang singsing na dala-dala ni Brix.

"Salamat din dahil hinintay mo ako. Salamat dahil hindi ka nagbago at nanatili ang pagmamahal mo sa akin. Marami man ang dumating na pagsubok satin, hindi mo ako iniwan. Hindi ako umaasa sa mga pangako mo. Hindi ako naghahangad ng kung ano pa mang materyal na bagay mula sayo. Sapat na sa akin ang makasama ka at si Brix. Masaya na ako. Mahal na mahal kita, Jenrix Lovein." Hindi ko na napigilang maiyak habang nagsasalita.

"By the power vested in me, I announce you now as husband and wife. You may now kiss the bride." Napuno ng kasiyahan, kilig at ingay ang buong lugar ng halikan na ako ni Rix sa labi.

"I love you." sabay naming nasabi iyon sa isa't isa.

Matapos ang kasal, dumiretso kami sa bahay namin. May inihanda pala sila doon para sa reception. Halatang di prepared ha.

AERY's POV

"Hangin? Babe? Gusto ko na ng baby." Lumapit sa akin si Yelo at ginawaran ako ng yakap mula sa likod. May gusto na naman ito.

"Edi gumawa ka ng baby mo." sabi ko na nga ba e. At baby? Akala niya ba madali lang magpamilya, manganak at mag-alaga ng baby?

"Eh kailangan kasama ka." pag-ungot pa nya sa akin.

"Naku, Yelo. Wag mo akong dinadaan sa ganyan. Kasal muna bago baby." kamanyakan talaga nito kahit kailan.

"Eh bakit sina Ambry? May Brix na ng magpakasal? Edi pwede rin sa atin." Isinubsob pa niya ang mukha niya sa may leeg ko.

"Magtigil ka nga. Iba ang sitwasyon noon. Kung walang ML, sigurado akong kasal din muna sina Ambry bago ang baby." Kung hindi naman kasi napasok si Ambry sa academy na yun, di sya mabubuntis agad. But still, we're blessed with Brix.

"Eh kailan mo ba gustong magpakasal?" tanong niya na nagpaisip sa akin. Pwede na naman siguro next year.

"Next year." maiksing sagot ko sa kanya.

"Eh ang tagal pa nun e." pag-iinarte pa niya.

"Pwede ba? Wag kang mag-inarte? December na kaya ilang linggo na lang. Bagong taon na." Yeah, actually next week is Christmas eve na.

"Kahit kailan talaga, ang sungit mo. Ano bang theme ang gusto mo para sa kasal natin?" Eris.

"Kahit ano basta romantic. Saka bakit? Kailan mo ba gusto ikasal?" Wala naman talaga akong hilig sa ganun. Gusto ko simple lang pero andun yung part na kikiligin ako at matutuwa.

"Pagpasok na pagpasok ng bagong taon." di sya halatang excited.

"Sabik magkababy?" sarcastic kong tanong

"Syempre naman, babe para happy family na din tayo." tss... gaya-gaya.

"Ewan ko sayo. Bahala ka." tanging naisagot ko na lang at iniwan na sya dun. Magpupumilit lang yun ng magpupumilit kapag pinansin ko pa.

"You don't say yes and you also don't say no. So it means, sa ayaw at sa gusto mo ako masusunod." sigaw pa niya.

"Oh com'on! I know you can't force me. I'm the boss here." sagot ko naman at di ko na talaga siya pinansin pa. Tuluyan na akong pumunta kita Ate Ambry.

"Congrats, Ambry and Rix. I'm happy to the both of you." nakangiti kong pagbati sa kanila at niyakap si Ate.

"Thanks, Aery. Eh kayo ni Jenrix? Kailan niyo balak magpakasal?" balik na tanong sa akin ni Ate.

"Maybe next year, I'm ready." Itinaas ko ang kamay ko para tingnan ang singsing na binigay ni Eris at nakangiting pinagmasdan ito. Ang singsing na nagpapatunay na akin na talaga ang Yelo ko.

-Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon