AMBRY's POV
"I was raped." maikli at seryoso kong sagot na ikinagulat nila.
"Na-rape ka, Jyx? Kaya ba nawala ka two years ago?" tanong ni Rix na kita ko ang pamumutla ng mukha niya.
"Yes, Rix. On the day of my victory party as Reyna de Academia" sagot ko.
*flashback*
"Ambry! Phards! Tara na!" sigaw sa akin ni Samantha. Nakasuot siya ng black dress.
"Saan?" tanong ko sa kanya. Kailangan ko munang magpaalam kay Rix.
"Sa victory party ng section natin. And for you as the new Reina de Academia" magiliw na sagot sa akin ni Sam.
"Teka, magpapaalam muna ako kay Rix. Saka tingnan mo oh, naka-gown pa ako." sagot ko.
"Okay lang yun saka andun na si Jenrix. Alam din niyang ako ang susundo sayo." sagot niya at hinila ako.
Nagpadala lang ako kay Sam hanggang sa makarating kami sa event hall.
"Phards? Nasaan si Rix?" tanong ko agad kay Sam ng hindi mahagilap ng mga mata ko si Rix.
"Baka nasa restroom lang Phards. Oh, inumin mo muna ito. Don't worry, red wine lang yan." inabot niya sa akin ang isang glass na may red wine kunno.
"Phards? Sigurado ka bang red wine ito? Kasi naliliyo na agad ako kahit isang beses pa lang ako umiinom." reklamo ko kay Sam ng maramdaman kong nag-iinit ang katawan ko at nanlalabo ang paningin ko.
"Oo, Phards. Baka hindi ka lang sanay." sagot ni Sam.
"Bak---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko then everything went black.
*flashback ends*
"Si Samantha? Close kayo dati?" tanong ni Aery.
"She used to be my bestfriend but it was ended because of Sabrina, her sister. Sab likes Rix but I think it's not the real reason why she did that. That was a year ago bago dumating si Tams." sagot ko at ngumiti kay Stacey. Mabait naman talaga si Samantha. I know, may reason lang siya kaya ganun yun.
"Then, si Jenrix? Nasaan siya nun?" tanong ni Stacey.
"May dumakip sa akin that time." sagot ni Jenrix at nagkwento na.
*flashback*
JENRIX' POV
Kalalabas ko lang ng restroom ng makita ko si Ambry na natumba. Kasama niya si Samantha. Dali-dali akong pumunta pero may dalawang lalaki ang humarang sa akin.
"Anong ginagawa niyo?" maangas kong tanong sa dalawang lalaki na nakasuot ng suit.
"Hindi ka pwedeng lumapit sa kanya." pagpigil ng isa.
"At bakit naman? Girlfriend ko siya." nagpupumiglas na ako pero may pinaamoy sila sa akin kaya nahilo ako at nawalan ng malay.
Pero bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pang isang babae ang kumuha kay Ambry.
*flashback ends*
"Kung ganon, baka siya yung nakita at narinig kong babae sa ML nung mapasok ako." imik bigla ni Aery.
"Nakita mo mukha niya?" masaya kong tanong pero nawala rin yung ngiti ko ng umiling siya.
"Pero yung amoy niya, alam ko. Naamoy ko na yun dati eh." sagot ni Aery na tila inaalala kung kanino ang amoy na yun. Iimik pa sana ako ng umimik siya.
"Tama! Kay Tita Fei." medyo napalakas yung boses niya,
"Are you sure, baby? Tita Fei is your Mom's sister." paninigurado ni Dad.
"Yes, Dad. I'm sure of it. Remember the day I enter this school? She knew all about my real personality. And after that, bumalik ang ML na kung tutuusin, there is no reason anymore lalo pa't na-confirm na nilang hindi si Ambry ang sagot sa formula." paliwanag ni Aery.
"Then, binalik nila yun because they are after you from the start." dagdag ni Jenrix.
"Then, si Tita Fei ang may gawa ng lahat? Pero bakit?" nagtatakang tanong ni Aery.
"Siya man o hindi, we need to make sure of it first." sagot ni Dad.
"Pero anong ginawa sa'yo Ambry matapos ka nilang kunin." tanong ni Zhed. Si Eris, tahimik lang, as usual. Iimik lang kapag kinausap ni Aery.
*flashback*
AMBRY's POV
Nagising ako ng maramdaman kong may humahalik sa akin. Itutulak ko siya pero nakatali ang kamay at paa ko sa kama.
"Sino ka? Itigil mo ang ginawa mo!" sigaw ko sa lalaking nakapatong sa akin ngayon.
"What? Makapagpatigil ka naman parang hindi ka pa napasok sa ML." nakangisi ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Tama na iyon. Sumosobra na kayo! Hindi ba kayo naawa? May anak din kayong babae, ate at ina!!" sigaw ko sa lalaking ito na hindi ko masyadong maaninag ang mukha dahil madilim.
"Teka, Ambry. Trabaho lang, walang personalan." lalapit pa sana siya pero napatigil siya ng may tumawag sa kanya.
"Yes, Miss." sagot niya sa kabilang linya.
"Pasalamat ka kay Miss at hindi ka pa niya pinapagalaw. May pupuntahan tayo pero pagkatapos nito, sa akin ang bagsak mo." sagot ng lalaking ito at ngumisi pa. Ayon sa katawan niya, mukhang kaedad lang namin siya. Nakasuot siya ng mask na itim at cap na halos takluban ang mata niya. Kinalagan niya ako mula sa pagkakatali ko.
"Tumayo ka na diyan." utos niya at hinila ang kamay ko.
Pinagmasdan ko ang paligid at doon ko napagtantong nasa likod kami ng isa sa mga building ng academy. Hawak-hawak niya ang isa kong kamay. May pagka-tanga din ang lalaking ito. Hahawak na lang, hinayaan pa ang isa kong kamay. Tss...
"Arraayyy!!!" sigaw ng lalaking ito ng kagatin ko siya sa kamay. Tumakbo ako hanggang sa makarating ako sa isang building.
"Shet! Dead end." bulong ko ng makarating sa dulong part. No choice ako kundi pumasok sa library. Nagtago ako sa dulong part nito.
Maya-maya pa'y may narinig akong pagbukas ng pinto.
"Ambry!!! Lumabas ka na. Wala ka ng magagawa saka wala ka ng takas. " imik ng lalaking sumusunod sa akin. Napansin ko rin na may dugo ang pwesto ko. Doon ko napagtantong may sugat pala ako sa braso. Lumipat ako ng pwesto at iniwasang may tumulong dugo para walang maiwang bakas.
Atras lang ako ng atras hanggang sa maramdaman kong pintuan ang nasa likuran ko.
"Pintuan? Para saan naman ito?" bulong ko sa sarili ko.
"Ambry... Lumabas ka na." imik ng lalaki. Nag-aalangan man ay pumasok pa rin ako sa loob. Dire-diretso lang ako at napagtanto kong napunta ako sa isang puting kwarto.
"Mukhang nagkusa ka ng pumunta rito, iha. Pinahirapan mo naman masyado ang tauhan ko." imik ng isang babaeng naka-lab gown. Natatakluban ang mukha niya ng isang head gear. Itinaas niya iyon.
"T-tita F-fei?" utal kong tanong.
"Bakit?" tanong ko.
Iimik pa sana siya ng dumating yung lalaking humahabol sa akin sa galing din sa dinaanan ko kanina.
"Magkukusa ka rin pala, pinahabol mo pa ako." imik niya pagdating. Naaninagan ko ang mata niya, it's gray. Isa lang ang may kilala kong gray ang mata.
"E-eris?" patanong kong bulong.
*flashback ends*
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...