CHAPTER 15

132 3 0
                                    

AERY's POV 

Naglalakad ako ngayon sa hallway.

"Babe, tabi tayo sa upuan later ha." rinig kong isang pamilyar na boses ng babae.

Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses at hindi nga ako nagkamali. Sa babaeng pabebeng impaktita na si Samantha. Nakasabit pa ang kamay sa braso ni Yelo. Tss...

Nauna akong pumasok sa kanila at naupo sa upuang katabi ni Yelo. Aagawan mo pa akong impaktita ka ha.

"Ahm, excuse me." maarteng imik ni Samantha ng makarating sila dito. Si Yelo naman nakaupo na agad sa tabi ko.

"What? Dadaan ka? Malawak ang space sa gitna." supladang sagot ko.

"Diyan ako uupo." aba, kapal ng mukha nito ah.

"At bakit? Hindi ka naman siguro bulag para hindi ako makitang nakaupo na dito. Hindi ka pa ba nadadala last time? Saka ako ang nauna kaya pwede ba, wag kang mag-inarte sa harapan ko kasi nakakasura." pagtataray ko.

"Diyan ko gustong umupo." bakas sa tono niya ang inis.

"Share mo lang?" pambabara ko in a bored tone pa.

"Umalis ka na nga lang diyan!" medyo napalakas na yung sigaw niya kaya napatingin yung mga kaklase naming andito na.

"A.Y.O.K.O. Sino ka ba para sundin ko?" pagdidiin ko at tumayo ako.

"Ngayon, kung ipagdidiinan mo ang gusto mo, bahala ka diyan. Magtiis kang nakatayo diyan. Pakitaan or bigyan mo muna ako ng titulo at matibay na dahilan na may karapatan ka dito para umalis ako." like duh! Di ko isusuko si Yelo, I mean upuan ko. Then I rolled my eyes.

"Ah ganun." at tinulak niya ako patagilid. Hindi ko na nagawang ibalanse ang katawan ko at tuluyan ng natumba.

"Ouch." imik ko ng tumama ang tagiliran ko sa katabi naming upuan. Tumama din ang kamay ko sa isang bakal pero di ko na yun pinansin at tumayo.

"Oh, ano? Ayaw mo pang pumayag?" pagtataray niya. Lumapit sa akin si Jenrix. Nakita ko naman si Yelo na napatingin sa akin. Tss... Walang kwentang Yelo. Sa una lang magaling. Lintik lang ang walang ganti, impaktita ka.

"Ah, ganun. Sakitan ang gusto mo." hindi ko alam kung saan pa ako nakakuha ng lakas at sinapak siya sa mukha. Napaupo siya sa sahig dahil sa ginawa ko.

"Oops, sorry ha. Hindi sa akin uso ang sampalan at sabunutan. Mas may thrill kasi sa akin ang suntukan, pangmahina lang kasi yun." pagtataray ko pa. Tss... 

"Ambry, ang wrist mo." imik ni Zhed mula sa kanyang upuan. Napatingin naman kami sa wrist ko. May hiwa ito at dumudugo.

"Nasa pulsuhan mo at malakas ang pagdurugo, Ambry. Kailangan nating ipagamot iyan. Halika, samahan na kita sa clinic." bakas kay Jenrix ang pag-aalala.

"Okay lang, hindi ko ikakamatay to, Jenrix." pagtutol ko. Nakita ko si Samantha na ngumisi at katabi na ni Yelo. Samantalang si Yelo ay nakatingin sa amin ni Jenrix.

"No, I insist." pagpilit niya. 

"Lagot ako kay Ambry kapag nasaktan ka. Kahit di yun lumalaban, sadista yun sa akin." bulong niya sa akin na ikinatawa ko. May tinatago rin palang kamalditahan si ate.

"Sige na nga. Salamat." ngumiti ako at umalis na kami sa room. Hihingi na lang ako ng letter sa nurse para kay Ms. Arellano.

(At clinic)

"Okay na naman si Miss Ambry. Medyo malalim ang naging sugat sa pulsuhan niya. Siguro kailangan lang ng isang linggo or ilang days para maghilom. Mabuti na lang dahil tuluyan ng naghilom ang sugat niya nung nakaraan kaya hindi ito masyadong lumala. At ang galing ha, parang hindi siya nasugatan, kahit scar, walang naiwan." paliwanag ng nurse. Tumingin ako kay Jenrix na parang naghahanap ng paliwanag.

"Mamaya ko ipapaliwanag. Magpahinga ka na muna." sagot niya na mukhang naintindihan ang tingin kong iyon.

"Pero Miss, pwede na naman siguro akong lumabas di ba? Pahingi na rin pala ng letter para po kay Miss Arellano." pagtatanong ko. Like duh! I hate places like this.

"Ok, sige. Ako ng bahalang magbigay kay Miss Arellano. Maaari ka ng lumabas. Huwag mo na lang masyadong igalaw para hindi ulit bumuka ang sugat. Iwasan mo ring mabasa ng tubig." paalala ng nurse.

"Sige po, mauna na po kami." paalam namin sa nurse.

Breaktime na ng makalabas kami ng clinic. Nawalan daw kasi ako ng malay saglit kanina. Gutom na ako at sakto namang umungol ang dinosaur sa tiyan ko. Natawa si Jenrix kaya nag-pout ako.

"Oo na, alam kong gutom ka na. Tara sa canteen." aya niya habang inalalayan niya ako sa paglalakad.   

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon