AERY's POV
Nakasunod lang kami sa estudyanteng ito ng magtanong ang impaktita.
"Bakit daw kami pinapatawag ni Miss Heart?" pabebeng tanong ni impaktita.
"Syempre dahil may ginawang gulo at kasalanan. Ano to? Gaya-gaya ka? May amnesia na rin?" pambabara ko.
"Tumigil nga kayo, andito na tayo." saway ng estudyante ng akmang gaganti pa si Impaktita.
"Andito na po sila Miss Heart." imik ng estudyante sa nakatalikod na upuan ni Tita Fei.
"Sige maaari ka ng bumalik sa klase mo." utos ni Tita Fei at lumabas na yung estudyante.
"At sa inyong dalawa. Nalaman ko ang nangyari kahapon." simula ni Tita Fei at tumingin sa wrist ko.
"It's Ambry's fault." sabat agad ni Impaktita. Tss. Bastos din eh
"Stop making some reasons, Miss Marquez. I already know what happened EXACTLY" pagpigil ni Tita Fei at ipinagdiinan pa ang huling salita.
"Baka nakakalimutan mong may CCTV ang kada classrooms sa school na ito." dagdag pa ni Tita Fei.
"I know it started with you Miss Marquez. So as punishment, you will clean the girl's restroom for a week." utos ni Tita Fei. Natawa ako sa parusa niya. Yang arteng yan? Maglilinis ng CR? Haha...
"What? No way! I would rather go to ML than to clean that dirty restrooms." Tss... Fuckgirl. Maka-dirty to. Com'on! She's dirtier than that restrooms.
"Ok, it's your choice. And you, Miss Marquez, not because you had that wound, you are free from punishment. Nanakit ka pa din ng kapwa mo estudyante dahil sinapak mo si Miss Marquez. And still, it's a violation because it's against the rules of this school." sagot ni Tita Fei. Nakita ko naman ang pag-ngiti ni Impaktita.
"I'm aware of that, Tita Fei." nagulat si Impaktita ng tawagin kong Tita si Miss Heart. Tss...
"Instead of Miss Marquez, you will be the one to clean the restrooms." sagot ni Tita. Mas ayos na yun kaysa madumihan ang sarili ko. Saka mataray lang ako pero hindi maarte.
"Okay po, Tita Fei." pagsang-ayon ko.
"Okay, you can now go back to your classes." at lumabas na kami.
Habang naglalakad kami, umimik na naman si Impaktita. Gusto na naman atang mapikon.
"Good luck sa paglilinis ng CR. Bagay sa'yo parehas madumi, basura ka kasi." simula niya.
"Sayo pa talaga nanggaling. Nahiya naman ako. Saka at least, kami, parehas lang madumi. Eh ikaw? Mas madumi ka pa sa lilinisin ko. At iyon, matatanggal pa ng dumi, eh yung puri mo? Di mo na nga nalinis, dinumihan mo pa lalo. Wala ka na bang natirang dignidad diyan sa sarili mo?" sagot ko.
"Well, yung akin sarap, eh yung sayo, hirap." katwiran niya pa. Tss...
"Aanhin ko naman ang sarap kung pagiging maluwag ang bagsak? Eh ako? Ayos ng maghirap, at least, hindi wasak na wasak." pambabara ko sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihing virgin pa ako lalo pa't alam nilang napasok na si Ate Ambry last time.
"Makapagsalita ka, akala mo, isa ka pang birhen. Baka nakakalimutan mo, parehas na tayong napasok sa ML at na-first blood." katwiran naman niya.
"Yung akin, one time at sapilitan lang. Eh ikaw? Nilalaspag ka na, nag-eenjoy ka pa. Binabalik-balikan mo pa nga di ba? Ano? Tinutubuan ng higad sa katawan sa sobrang kati? So, sino sa atin ang katapon-tapon na parang basura?" Sagot ko at nauna na. Alam kong pikon na yun. Haha...
JENRIX's POV
*class dismissed*
Nagpaalam na si Miss Arellano. Malapit na ang next class pero wala pa rin si Aery. Nakakailang sulyap na nga ako sa bintana.
"Darating at babalikan ka din nun." asar ni Zhed ng mapansin akong pasulyap-sulyap. Hindi ko maiwasang mag-alala kay Aery lalo ngayon na bumalik na ang ML (MomoLab). Hindi kasi malabong iyon ang maging parusa sa kanya.
"Alam ko. Nag-aalala lang ako." sagot ko.
"Sus, sa taray na iyon? Walang papalag dun. Kahit nga si Samantha, hindi nakaimik. Saka andiyan na oh." turo niya sa harapan.
"Oh, musta? Anong parusa? Mahirap ba? Ano? Sa ML ka ba ipapadala?" sunud-sunod kong tanong.
"Teka, isa-isa lang. Hindi ako nagmamadali. Una, okay naman. Pangalawa, mahirap pero kaya naman. Pangatlo, hindi ako ipapadala sa ML and last, maglilinis lang ako ng CR for a week." sagot niya. Buti naman.
"Eh si Samantha? Anong parusa?" tanong ko.
"ML. Dapat siya yung maglilinis kaso pinili niya ang ML kaysa maglinis." sagot niya. As expected. Ang arte kaya nun, di yun mapapalinis ng CR.
"Ano ba feeling ng mapunta sa ML at gustung-gusto niya dun? Curious lang." tanong ni Aery at umupo sa tabi ko.
"Wag mo ng pairalin yang iyong curiosity kung ayaw mong mawala ang iyong virginity." bulong ko kay Aery. Tumungo lang naman siya.
"Tss..." rinig naming ingay ni Eris. Tumingin at ngumiti lang ako samantalang inirapan lang siya ni Aery. Ayaw pang umamin, gusto rin naman niya si Aery.
Napailing na lang ako at humarap dahil parating na yung sunod naming professor.
-Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...