AERY's POV
"Aery, gising ka na diyan." paggising sa akin ni Ate Ambry at niyuyugyog ang katawan ko.
"5 minutes more, Ate." angal ko at tumagilid.
"Ouch!" sigaw ko ng hampasin niya ako.
"Ate naman, kailangan manghampas? Aray!" sigaw ko ulit ng hampasin na naman niya ako.
"Ano bang problema mo? I already woke up na oh!" angal ko at nilakihan ang mulat sa harap niya.
"I told you not to call me Ate." angal niya sa akin. Yun lang, hampas agad? But infairness, nagising ako sa hampas niya.
"Eh, totoo namang At---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng panlakihan niya ako ng mata at akmang manghahampas na naman.
"Oo na. Ambry. Bakit mo ba ako ginigising? Ang aga-aga pa eh." angal ko. Ganda ng panaginip ko eh. Kasama ko si Yelo. Yiee... Secret lang natin yun ha?
"Sasamahan mo ako sa office ni Tita Fei. Magpapa-enroll ako. And I need my I.D. and schedule for tommorow." hindi pa yun request kundi utos niya.
"Oo na, sasamahan na kita. Eto na, gagayak na ako." tumayo na ako at nagtungo sa cr para maligo. Baka hampasin na naman ako nun.
AMBRY's POV
Tiningnan ko lang si Aery papasok ng banyo. I miss her. At excited na ako para bukas. Sana maging maayos ang lahat.
"Ang sugat mo! Ingatan mo!" paalala ko sa kanya bago tuluyang makapasok ng cr. Hindi na nakuntento ang dalawang bruhilda na yun, pati si Aery, sinaktan pa. Maghanda sila para bukas.
"I'm ready, Ambry." imik ni Aery sa harapan ko matapos maggayak. Nakapants at medyo malaking tshirt at cap na tago ang buhok.
"Kailan ka ba matututong manamit ng ayos, Aery?" tanong ko matapos pasadahan ng tingin ang suot niya.
"What? Ayos naman ang suot ko ah?" sagot ni Aery.
"I mean, yung ayon naman sayo. Dinaig mo pa ang lalaki eh. Try mo kaya mag skirts o kaya, dress." katwiran ko.
"It's okay, Ambry. Saka dito ako kumportable." sagot niya pero biglang kumunot ang noo niya ng pasadahan niya naman ang suot ko.
"Bakit? May problema ba sa suot ko?" tanong ko. Naka-dress at doll shoes lang naman ako.
"Bakit ganyan? Magpants at tshirt or any blouse ka then rubber shoes." utos niya sa akin. Aba, binawian pa ako.
"At bakit naman? Ayos naman ang suot ko ah. Saka dito ako kumportable." panggagaya ko sa sinabi niya kanina.
"Well, Ambry, kapag ganyan ang suot mo, magtataka sila. Hindi ako ganyan manamit dito. Baka may makakilala sayo dito. Sige ka, mabilis kumalat ang chismis dito. Hindi tayo makapanggugulat bukas." paliwanag ni Aery.
"Hayyss... Oo na." sagot ko at nagbihis. Kumuha ako ng pants at blouse.
*after 3 minutes*
"I-bun mo ang buhok mo saka no make up please." utos ulit niya pagkalabas ko ng CR.
"What?" hindi ko iniipit ang buhok ko.
"I-bun mo buhok mo. Paulit-ulit? Alam kong di mo iniipit yan pero ngayon lang naman kung gusto mong maging successful ang plano natin bukas." sagot ni Aery kaya wala na akong nagawa kundi sundin siya.
"Oh? Ayos na ba?" tanong ko after ipitin ang buhok at tanggalin ang make up sa mukha ko.
"Okay na. Magkamukha na tayo." sagot niya at ngumiti.
"Magkamukha tayo kasi kambal tayo." sagot ko in a plain tone.
"Tara na nga." sagot niya at hinila na ako palabas. Buti na lang naka-cap siya kaya walang masyadong makakakilala sa kanya.
JHION's POV
Andito ako sa may hallway. Naglalakad-lakad ng may mapansin akong dalawang babae. Teka, si Baby JA yung naka-cap ah. Then yung kasama niya ay si Ambry, the real Ambry. Mukhang magiging maganda ang eksena bukas. Makikilala na din kita, Ambry.
"Uy, pre, anong tinitingnan mo diyan?" tanong ni Jenrix na bigla na lang sumulpot sa likuran ko.
Titingnan niya sana yung tinitingnan ko pero agad ko siyang inakbayan at inikot. Hindi pa niya pwedeng makita si Ambry.
"Ah, wala. Pre, paano kung bumalik si Ambry. Anong gagawin mo?" nagulat at natahimik siya sa tanong ko.
"H-huh? Ano bang sinasabi mo? Matagal ng bumalik si Ambry, di ba?" utal-utal niyang tanong.
"Com'on, Pre. You're not a good liar. I know na kilala mo si Aery." sagot ko sa kanya.
"Paano mo nalaman yun?" takang tanong niya.
"Simply beacause, I am a Mendez. So, stop changing the topic, anong gagawin mo kung bumalik siya?" tanong ko ulit.
"Hindi ko alam." nakayuko niyang sagot.
"Alam mo, Pre, siguraduhin mo yang nararamdaman mo. Mahirap na baka magkamali ka sa pagpili. Hindi lahat ng napapasaya ka, worth it na. Pag-isipan mong mabuti kung anong desisyon ang gagawin mo. Tandaan mo, laging nasa huli ang pagsisisi." mahaba kong litanya. Ayaw kong maipit ang isa sa kambal sa magiging sitwasyong ito.
"Sino ka ba talaga, Jhion Mendez?" tanong niya.
"Malalaman mo din. Not now but soon." sagot ko at umalis na.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Roman pour AdolescentsPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...