CHAPTER 08

153 4 0
                                    

AERY's POV

"I'm sorry, Jenrix. Sorry sa mga bagay na ginawa ko sa harapan mo this past few days na alam kong nasaktan ka. Sorry din kasi hindi ko alam na boyfriend pala kita. And sorry because I need to do this. I'm breaking up with you. I'm sorry..." sabi ko.

"Tams, tama na yan. Kaninang madaling araw ka pa diyan sa harap ng salamin. Gumayak ka na kung ayaw mong ma-late sa klase." Naman oh! Epal naman itong si Stacey.

"Ano ba, Stacey? Nakalimutan ko tuloy yung mga sasabihin ko." Nagpa-practice kasi ako ng sasabihin ko mamaya kay Jenrix kapag nakipagbreak ako at nagharap kami. Kahit wala naman talagang kami. Lols. Para kay Ate Ambry naman ito. I'm sorry, Ate.

"Alam mo Tams. Alam kong mahirap ang gagawin mo. But you don't need to practice the words you want to say. Ang sabihin mo ay kung ano ang nilalaman ng dibdib mo. Ay wala palang laman yan. Let me rephrase, nilalaman ng puso mo." banat niya. Matutuwa na sana ako eh kaso yung huli niyang sinabi kasi.

"Ayos na Stacey eh. Matutuwa na sana ako sayo kaso yung huli sadya. Tanggap ko namang flat ako. At least, virgin pa." proud kong sabi pero nagulat siya at nalungkot kaya nag-walk out siya. Luh? May nasabi ba akong mali?

Lumapit ako sa kanya at nakaupo sa isang sulok ng kanyang kama.

"Stacey?" tawag ko sa kanya pero hindi siya tumingin.

"May nasabi ba akong mali? Sabihin mo naman oh." tanong ko at tumabi sa kanya.

"Okay lang, Tams. Naiintindihan kita. Alam kong nasabi mo lang iyon kasi may amnesia ka." sagot niya.

"Huh? Naguguluhan ako. Ano ba yun? Explain mo na sa akin." ako at hinarap siya kahit puro likod ako. lols. Ang hirap manghula ha.

"Kasi Tams, hindi na ako virgin." malungkot niyang sagot.

"Huh? Paano nangyari yun? wala ka namang boyfriend ah?" nagtataka kong tanong.

"Ganito kasi yan, Tams. Lahat ng dating estudyante dito ay hindi na virgin. At lahat ng estudyanteng iyon ay naipasok na sa MomoLab." simula ni Stacey. Mababakas sa tono niya ang galit ng banggitin niya ang tungkol sa MomoLab.

"MomoLab? Ano at saan yun?" tanong ko.

"Isa yung malaking laboratory na maraming kwarto. At sa loob ng kwarto, doon nagaganap ang tinatawag nilang "First Blood" na kapag naranasan mo, siguradong malaking pagbabago ang magaganap sa pagkatao mo." sagot ni Stacey.

"First blood? You mean, nagkakaroon ng sex intercourse in that room at mawawala ang virginity mo?" tanong ko.

"Yes Tams. Then kukuha sila ng sample dun sa dugong iyon." sagot ni Stacey.

"Pero bakit kailangan nila ng sample ng dugong iyon?" takang tanong ko. ML Academy, ano ba talaga meron sayo?

"Walang nakakaalam, Tams. Kaya lahat ng bagong estudyante rito ay hindi sigurado ang kinabukasan. Akala nila, perpekto ang buhay-eskwela dito." sagot niya.

"Pero bakit nagulat ka nung sabihin kong virgin pa ako? Does it mean, na kahit ako ay napunta na din doon?" tanong ko at tumungo naman siya.

"Pero virgin pa talaga ako at alam ko sa sarili ko yun." Virgin pa naman sadya ako. Si ate, hindi na sadya.

"Kung sigurado ka diyan, huwag mong ipapaalam sa iba. At paanong hindi ka na-first blood?" nagtatakang tanong ni Stacey.

"Hindi ko alam." Kung ganun baka nga si Jenrix ang nakasama ni Ate Ambry that time.

"Teka, Tams. I need to go. Male-late na ako. Basta huwag kang gagawa ng gulo." paalala niya at umalis na.

"Anniversary niyo pala ngayon, Tams!" sigaw niya pero di ko masyadong naintindihan. Medyo malayo eh basta may narinig akong ngayon. Anong meron ngayon? Dumiretso na lang ako sa banyo para maligo.

STACEY's POV

Ang weird ni Ambry. Paano niya nasabing virgin pa siya eh nagkwento pa siya sa akin na nagalaw na siya that time nung pumasok siya ng MomoLab. Haiisst... baka dala lang ng amnesia niya. Kailangan ko ng magmadali at male-late na ako, terror pa naman prof ko sa first subject.

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon