CHAPTER 54

84 3 0
                                    

AMBRY's POV

"Nasaan si Aery? Bakit di niyo kasama?" tanong ni Rix sa akin pagdating namin ng event hall.

"Really, Rix? You're asking me that question? Alam mo namang naiwas sa amin yung tao e." sarcastic kong sagot kay Rix.

"May pupuntahan lang daw siya sabi niya." sagot ng lalaking kadarating lamang.

"Who are you? Bakit alam mo kung nasaan si Aery?" takang tanong ko sa kanya.

"I'm Jhion." pakilala niya at tinanggal ang suot niyang mascara.

"Andito na yun in a minute." dagdag pa ni Jhion at tumingin sa suot niyang relo.

"Ang ganda naman ng relo mo. Galing ba yan kay Aery?" tanong ni Stacey na ikipinagtaka ko. Ganoon ba kalapit ang loob ni Aery kay Jhion para bigyan niya ng isang relo?

"This? Yup, galing ito sa kanya. How did you know that?" sagot ni Jhion habang minamasdan ang relo.

"May nakita rin kasi akong ganyang relo sa table ni Aery. Pambabae nga lang ang pagkakayari nun but same features. Parang couple watches tapos may initials niyo pa na J.A." paliwanag ni Stacey. Yun din ata yung nakita kong black box sa table niya.

"Ganun ba? Kaya pala sabi niya suotin ko ito ngayon kasi partners kami. May kasama pa nga itong necklace na may initials ding J.A." sagot pa ni Jhion.

"It only means na mahalaga ka sa kanya and she is trusting you so much. Kaya sana huwag mo yung sisirain at huwag mo siyang sasaktan." paalala ko sa kanya.

"Of course, I won't. Hindi ko hahayaang masaktan ko ang mga taong mahalaga sa akin." nakangiti niyang sagot sa akin.

"Ano ba talaga si Aery sa buhay mo?" napatingin ang lahat sa tanong ko kay Jhion.

"Well..." naudlot ang sasabihin niya ng maagaw ang atensyon naming ng isang babaeng pumasok sa event hall.

"Well, I love her." pagpapatuloy ni Jhion sa sagot niya habang nakatingin dun sa babaeng pumasok. Don't tell me, it's Aery? Pero bakit yun ang suot niyang gown at hindi yung pinadala ni Dad?

"Bakit iyan ang suot mong gown? Sabi ko yung isang gown. Masyado yang revealing." rinig kong sermon ni Jhion paglapit niya kay Aery. Well, daring and revealing nga naman ang suot ni Aery. Nasa kanya na nga ang atensyon ng lahat ng andito sa event hall. Tube lang naman kasi ang design niya na backless na ang baba ay bago na mag-pwetan. Samahan mo ng slit na mula hita ang taas.

"Kuya JA, I wear this because I have a reason. I need to change my gown." pagdadahilan pa ni Aery. Anong reason naman kaya yun?

"Kung magpapalit ka, sana man lang ay yung hindi ganyan ka-sexy. Iba na lang sana." dagdag pa ni Jhion.

"Wala ng ibang gown dun e na papasa sa standards ko." sagot ni Aery at nagpout pa. Lumalabas ang pagkachildish ni Aery kay Jhion. Maybe because, she treats him as an elder brother.

"Hayss..." tanging naisagot ni Jhion kay Aery.

"Pero aminin mo, napatulala ka din. Sabi ko sayo e, babae pa din ako oys!" dagdag pa ni Aery at tumawa. Ganun na ba siya kakomportable kay Jhion para tumawa ng ganyan?

"Okay, I let this slide but wear this." hinubad ni Jhion ang suot niyang coat at pinatong sa balikat ni Aery para matakluban ang likuran nito.

"Ang sweet naman nila. Boyfriend siguro ni ate gurl yung lalake. Ang swerte naman niya. Sana all." puna ng babaeng nasa likuran namin kina Aery at Jhion. May iba nga na kiniklig pa e.

"Wag, Eris. Mapapahiya ka lang." pigil ko kay Eris ng akma siyang lalapit sa dalawa.

"I don't care." diretsang sagot ni Eris habang nakatitig sa dalawa.

"Hindi pa kayo ayos ni Aery. Ayaw mo naman sigurong dagdagan yung inis niya sayo sa pakikialam sa kanilang dalawa. And one more thing, you are not Aery's boyfiend para pigilin siya sa kung paano niya gustong tratuhin si Jhion." napatigil at natahimik si Eris sa mga sinasabi ko. Well, that's the reality and I know it hurts so much.

"Pero ayaw mo din siyang lumalapit sa lalaking yun? At ikaw na din ang nagsabing hindi siya mapagkakatiwalaan because he is from ROS Academy." depensa ni Eris.

"But can't you see it? She is happy with him. She can laugh like she used to be. Now, matitiis mo bang mawala na naman ulit yun sa kanya?" katwiran ko at tinuro si Aery na ngayon ay tumatawa kasama si Aery.

"Pero akin lang ang Hangin ko. Ako dapat ang nagpapangiti at nagpapatawa sa kanya. Ako dapat ang nagbibigay saya sa kanya." sagot ni Eris habang nakatingin sa dalawa.

"Eris, alam kong mahal mo si Aery. Alam ko ding gusto mo lang siyang ipaglaban. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon, lalaban ka ng lalaban. Oo, nakangiti si Aery. Tumatawa. Pero alam kong hindi siya masaya kasi alam kong may kulang sa kanya. Hayaan na lang muna natin ngayon. Mas gusto ko pang makita na ganyan siya kaysa umiiyak." Mahabang litanya ko kay Eris.

"Ahmm... Ambry, punta lang akong restroom." paalam ni Stacey sa gitna ng usapan namin ni Eris kaya tumango lang ako. Tumahimik na din si Eris at hindi na nagpumilit pa.

"Jyx, sayaw tayo." pag-aaya sa akin ni Rix. Inabot ko naman ang kamay niya at pumunta sa gitna para magsayaw.

MR. REYES' POV

"So, ano? Madadala mo ba siya dito?" tanong ko kay Stacey pagdating niya dito.

"Sigurado ba kayong tutuparin niyo sa akin yung pangakong makakalabas ako dito kapag ginawa ko yun?" paninigurado ni Stacey.

"Yes, hija. Malaki ang makukuha naming pakinabang sa gagawin mo kaya natural lang na palitan namin yun ng maganda." pagkukumbinse ko sa dalaga.

"Kung ganon, sige. Nagpalit siya ng gown kaya naiba na ito ayon sa nakita niyo nun sa store. Saan ko ba siya kailangan dalhin?" tanong niya.

"Dalhin mo siya sa may field, sa bandang dulo para walang makakakita sa atin." utos ko sa kanya.

"Sige. Ako na ang bahala." sagot niya.

"Siguraduhin mo lang na walang makakakita sayo sa gagawin mo." sagot ko naman sa kanya.

"Oo, naiintindihan ko. Hintayin mo na lang kami sa tagpuan." pagtalima naman niya at bumalik na sa event hall.

"Sa wakas, matutupad na din ang aming mga plano sa loob ng maraming taon." naibulong ko na lang sa sarili ko bago magtungo sa tagpuan.

SOMEONE's POV

"Magaling, Stacey. Dahil sayo, umaayon ang mga plano. Matatapos na din ang paghihirap ko at ng mga estudyante rito." nasabi ko na lang sa hangin habang minamasdan ang dalawang iyon. Bumalik na din ako sa event hall pagkaalis ng dalawa.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon