CHAPTER 43

53 1 0
                                    

AERY's POV

"Tama ba narinig ko?" tanong ni Yelo sa akin ng makaupo kami sa bago naming pwesto.

"Ang alin?" balik kong tanong sa kanya.

"Yung sinabi mong Yelo ko?" tanong niya at inalala ang mga sinabi ko. Well, nakaamin naman na ako sa kanya.

"Oh? Anong masama dun? Bakit? Ayaw mo? Sige, balik ka dun sa impaktita na yun." pagtataboy ko sa kanya.

"Eto naman, nagtatanong lang eh." sagot at niyakap niya ako bigla.

"A-anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Obviously, niyayakap kita." sagot naman niya at ngumiti.

"A-ano ba? Mamaya, dumating si Miss Arellano saka nakakahiya sa mga kaklase natin." reklamo ko at medyo kumakawala sa yakap niya.

"No. Anong masama? Di kita kinakahiya." sagot pa niya at lalong hinigpitan ang yakap. Gosh! Malala pala ito kapag may nagustuhan. Mas gusto ko yung tahimik siya.

"Y-yelo. Ano ba?" medyo naiinis na ako at kumawala sa yakap niya kaya nagulat siya.

"Bakit? Ayaw mo ba? Nahihiya ka ba?" tanong niya after makarecover sa gulat.

"Yelo, hindi sa ganon. I just hate things like that. Mas gusto ko pa yung dati na tahimik ka lang." sagot ko naman.

"Then, ayaw mo nga. Okay." seryoso niyang sagot sa akin. Tumingin na siya sa harapan kahit wala pa si Miss Arellano.

"Y-yelo?" tanong ko. Did I say something wrong? Bakit biglang nag-iba yung awra niya?

"Hmm?" sagot lang niya.

"A-ano kasi..." simula ko pero pinigilan niya akong magsalita.

"Mamaya na natin pag-usapan iyan. Nandiyan na si Miss Arellano." cold niyang sagot na hindi man lang tumitingin sa akin.

AMBRY's POV

Nakatingin lang ako ngayon kina Aery at Eris na yumayakap. Kita ko ang inis ni Aery sa mukha dahil sa ginagaw ni Eris. I know, Aery. She hates stuffs like that lalo na sa public or crowded places. Pero I know, kung sila lang ang magkasama, kikiligin na iyan. Babae pa rin siya. Malambot pa din ang puso niya kahit may pagkasadista at sigain minsan ang babaeng yan.

"Ang sweet nila, ano? This is the first time I saw him smiles like that again." imik ni Rix sa tabi ko.

"Yah. Kambal nga kami. Si Eris ang unang nakasama namin ng mapasok kami sa ML for the First Blood policy. I even used to call him Yelo." sagot ko habang nakatingin sa dalawa.

"Ngayon na lang ulit nagkaroon ng emosyon ang mukha niya. Huli kong nakita yan ay two years ago na. Hindi ko nga man lang alam kung sino ang dahilan nun." dagdag pa ni Rix.

"I know it's me." mahina kong imik.

"Anong sabi mo, Jyx?" pagtatanong ulit ni Rix.

"Ah... Wala, sabi ko ang corny. Ang drama mo na masyado." palusot ko na lang at tumingin sa harapan.

JENRIX's POV

"I know it's me." mahinang imik ni Jyx.

"Anong sabi mo, Jyx?" pagtatanong ko ulit sa kanya. I heard it clear. I knew it! Naging cold si Eris simula ng mawala si Jyx.

"Ah... Wala, sabi ko ang corny. Ang drama mo na masyado." palusot niya na lang at tumingin sa harapan.

I know, hindi ako ang nakauna sa'yo Jyx but I still love you. Pero bakit di mo sinabi? Did you used to like him before? I hope wala ng namagitan sa inyo except what happened during you two are in ML noong tayo pa.

Humarap ako sa may pintuan ng dumating na si Miss Arellano.

"Okay, class. I am just here to announce about the College ball we will be having next week. You can have your own dates and partners if you wish. That's all and goodbye." paalam ni Miss Arellano.

"Rix, tayo ang partner ha?" imik ni Jyx sa akin ng nakangiti. Well, wala naman akong iba at gustong makakapareha kundi siya lang.

"Of course, Jyx." pagsang-ayon ko at hinalikan siya sa noo.

AERY's POV

After ng announcement ni Miss Arellano ay tumingin ako kay Yelo na hindi pa din ako pinapansin. So sad.

"Y-yelo?" pagtawag ko sa kanya.

"Hmm?" sagot niya lang habang nagliligpit ng gamit at hindi pa din ako tinitingnan.

"Galit ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi." tipid niyang sagot.

"Ah, okay." pagsang-ayon ko na lang.

"Tara na. Alam kong ayaw mo ng pinagdadala ng gamit. Dinala mo yan kaya panindigan mo." aya niya sa akin. Bakit ganun? Kapag si Jenrix, ayaw ko pero sa kanya, nasaktan ako ng sabihin niya yun.

"Ah, mauna ka na, pupunta pa akong restrooms eh." sagot ko kahit hindi naman. Nawalan ako ng gana kausapin siya.

"Are you sure?" plain niyang tanong.

"O-oo." nag-aalangan ko pang sagot.

"Okay. Hintayin kita sa may labas ng room." sagot niya at umalis.

Hayyss... Napabusangot na lang ako hanggang sa may pintuan.

"Oh? Bakit ganyan mukha mo?" tanong niya paglabas ko.

"Wala. Tara na." aya ko na lang at nauna sa kanya.

"Oy, teka!" tawag niya sa akin. Bahala siya diyan. Matapos niya akong hindi pansinin kanina, aakto siya na parang wala lang.

"Ano?" salubong ang kilay ko ng humarap sa kanya.

ERIS' POV

"Ano?" salubong ang kilay niya ng humarap sa akin. Hayyss, Eris. Welcome to the world of abnormals.

"Sorry, kanina. Nakakatampo ka kasi eh." paghingi ko ng tawad para sa nangyari kanina.

"Okay lang. SANAY naman ako na ganun ka." sagot niya at pinagdiinan pa ang salitang SANAY.

"So, okay na tayo?" pagsisigurado ko at ngumiti.

"Bahala ka." plain tone niyang sagot at umalis na. Hayyss... Suyo time na, Eris. Wala eh, kahit ikaw yung dapat suyuin, ikaw pa ang gagawa sa kanya. Mga babae nga naman, such an abnormal. Kailangan nating panindigan.

Hinabol ko siya at inaya sa canteen. Maghahanap muna ako ng gamot sa topak nito.

- Bb. Makata  ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon