AERY's POV
"O! M! G!" sabay kaming napatingin ni Ambry sa nagsalita sa may pintuan.
"Stacey..." imik ko sa hangin ng makita ko si Stacey na gulat na gulat. Well, sino bang hindi magugulat na may kakambal si Ambry.
"Hi, Tams." imik ni Ambry kay Stacey at ngumiti.
"How come that you have a twin sister?" Stacey asked at lumapit sa amin ni Ambry. Pinakatitigan niya kami ni Ambry.
"We can explain, Stacey." imik ko.
"Okay, willing to listen" sagot niya at kinuha ang upuan at pumwesto sa aming harapan.
"Ganito kasi yan, Tams. I was kidnapped before the time na papasok ulit ako dito." panimula ni Ambry.
"What? Sino naman ang kumidnap sayo? Ano daw dahilan? Sinaktan ka ba nila? Paano ka natakas?" sunud-sunod na tanong ni Stacey kay Ambry.
"Wait, listen to me first. My Dad did that. It's because he wants Aery na pumasok dito, instead of me. Wala kasing nakakaalam na we are twins. Sabi ni Dad, to make us safe. At kaya ako pinalabas na kinidnap ay para mapilitan si Aery na pumasok dito as me." paliwanag ni Ambry.
"Kaya Stacey, I'm sorry kung hindi ko sinabi sa'yo. But believe me, totoo lahat ng pinakita ko sayo. Saka you're my first friend I had." pagso-sorry ko kay Stacey.
"It's okay, guys. Mas okay nga ngayon kasi dalawa na kayong bestfriend ko. The more, the merrier." siya at niyakap kami ni Ambry.
"Thank you pero sana wala munang makakaalam na andito ako." sagot ni Ambry ng humiwalay na kami sa yakap.
"Copy!" sagot niya at kumindat.
"And if you two are twins, sinong mas matanda?" tanong niya at tumingin ako kay Ate Ambry.
"Siya. Ayaw niya lang magpatawag ng Ate. Minutes lang naman daw kasi ang agwat namin." sagot ko at tinuro si Ate Ambry.
"Ahh... Then, it's true na virgin ka pa talaga?" tanong naman sa akin ni Stacey.
"Oo until now." sagot ko na mas ikinagulat niya.
"How come? Eh di ba, kagagaling mo lang ML?" tanong ni Stacey. Nakatingin na rin sa akin si Ambry at inaabangan ang sagot ko.
"Let's just say na mabait lang siya sa akin. Nakamaskara eh. Hindi ko nakita ang mukha." pagsisinungaling ko. Saka ko na lang sasabihin. Baka dumami pa ang magka-interes na pumasok dun dahil kay Yelo ko. Ako lang may karapatan sa kanya. Haha...
"Sayang naman. Sino kaya yun? May gusto siguro sayo yun kaya ka niligtas." medyo natahimik ako sa sinabi ni Stacey.
"Ano ka ba, Tams? Kung may gusto yun kay Aery, eh di sana, ginalaw na siya. Opportunity na niya yun." kontra naman ni Ate Ambry. Medyo natawa ako nung sabihin niyang opportunity.
"Akala ko ba Ambry, ayaw mong makuha ang virginity ko? Parang kinampihan mo pa yung lalaki kapag ganun." sagot ko.
"Sabagay, Tams. Opportunity yun. Sa taray ba naman ng kakambal mo. Sina Zhed, Eris at Jenrix lang ang lalaking nakakalapit diyan." gatong pa ni Stacey.
"Aba, buti nga nakalapit ka din sa akin. I don't make friends, honestly." sagot ko kay Stacey.
"Well, then, it's an honor to be your friend. Saka may point rin naman ako. Maybe because you like him too and that guy knows that. He only wants to reserve that virginity of yours after the wedding." sagot ni Stacey. Isa pang tamang detalye nito, iisipin ko ng nandun siya sa kwartong yun na nakasilip.
"Oo, Tams. You're right." pag-sang-ayon ni Ambry ng may pagtango-tango pa.
"Hayss... Mukhang ako ang lugi sa ating tatlo. Nakikita ko ng pagkakaisahan niyo akong asarin lagi." sabi ko then rolled eyes.
"Sorry naman. Ano nga pala real name mo?" tanong ni Stacey. Hindi nga pala niya alam ang real name ko.
"Jane Aery. Aery na lang." pakilala ko at ngumiti.
"Ahh. But Tams na rin itatawag ko since twins naman kayo at bestfriend na rin kita." akala ko no more Tams na. No more corny stuffs. Hindi pala.
"Ok." pagsang-ayon ko na lang at tumingin kay Ate Ambry.
"Nga pala, Ambry, kailan ang start mo dito as student?" tanong ko kay Ate Ambry.
"Oo nga, Tams. Saka anong course mo? I know you hate math kaya imposibleng engineering ang kunin mo. Nursing ba?" sang-ayon at tanong ni Stacey.
"Yes, Tams. Nursing pa din. Buti hindi ka nagtaka nun ng engineering ang kunin ni Aery dito." sagot ni Ate at ngumiti.
"Anong hindi ka diyan? Nagtaka rin kaya ako. Inisip ko na lang na baka dahil kay Jenrix or sa amnesia kunno." sagot ni Stacey with rolled eyes pa. Natawa na lang kami ni Ate sa reaksyon ni Stacey.
"Sige na, mamaya na ulit natin ituloy ang kwentuhan. Mag-aayos lang muna ako ng gamit." pagputol ni Ate Ambry sa usapan naming tatlo. Pumuntang kusina si Stacey at tinulungan ko naman si Ate Ambry sa pag-aayos.
Excited na akong makasama si Ate Ambry sa school. Ito rin ang first time na lalabas kami ng magkasama at hindi na itinatago ang isa't isa. Excited na rin akong makita ang mga reaksyon nila kapag nakita nila kami.
- Bb. Makata ^_^
BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...