AMBRY's POV
Ilang days na din ang lumipas parang yung UD ni author. Hahaha... Mamaya, pupunta ako sa library para i-check kung naroon pa ang pintong nadaanan ko noon para makapasok sa laboratory. Sa ngayon, andito ako sa classroom at nakikinig sa klase ni Mr. Reyes, remember him? Yung nakasabay ko pumasok last time para maki-sit in? Actually, something is familiar on him.
"Jyx? Kamusta si Aery?" tanong ni Rix. Start from that day kasi, naging tahimik na si Aery. Iimik lang kapag kinausap mo. Kahit si Yelo, kung cold noon, mas cold ngayon.
"Ganun pa din. Kakausapin ka lang kapag nagtanong ka. Si Eris ba? May pagbabago?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala pa din. Halos di na nga din bumangon sa kama niya kapag walang pasok." sagot niya.
"Kasalanan ko ito eh." nagi-gulity ako. Nakatingin ako sa kanilang dalawa na magkatabi nga, hindi naman nag-iimikan.
"No, Jxy. Wala kang kasalanan. Walang may gusto na mangyari ito. Siguro nabigla lang talaga si Aery." pag-aalo ni Rix sa akin.
"No, Rix. Kung hindi ko sinabi ang lahat sa kanya, hindi mangyayari ito. Eh di sana masaya pa rin siya. Hindi ko na lang sana siya hinayaang ma-involve sa sitwasyong ito." maluha-luha kong sagot sa kanya.
"Jyx, kahit naman pigilan mong malaman niya, lalabas at lalabas pa din ang katotohanan." sagot naman ni Rix.
"Class dismissed" paalam ni Mr. Reyes
Dumiretso agad palabas si Aery. Nakita ko naman si Stacey na umiiyak na naman sa labas ng room. Isa pa ito, lagi na lang umiiyak nung isang araw pa.
Sumunod na lamang kami at nagulat kami sa ginawa ni Stacey. Lumuhod siya sa harapan ni Aery.
"Tams, I'm sorry. Hindi ko naman yun sinasadya." umiiyak na si Stacey. Ano bang nangyayari?
"Stop calling me, Tams. Starting that day, you don't have the right anymore to call me that way. Stacey, walang kasalanang hindi sinasadya. Mistakes is a choice." cold na sagot ni Aery. Nakatingin lang siya sa nakaluhod na si Stacey. Si Eris naman ay iwas ang tingin sa dalawang ito.
"I'm sorry, Aery. It was an accident." sagot ni Stacey na patuloy pa rin sa pag-iyak.
"If it's an accident, you're supposed not doing that kind of shit. If it's an accident, you shouldn't be feel guilty." sagot naman ni Aery.
"Teka nga, ano bang meron dito? Tams? Bakit ka lumuluhod sa harap ni Aery and saying sorry? Anong mistake? Anong accident?" naguguluhan kong tanong. Hindi ko na naiwasang sumabat dahil sa curiosity.
"It's just between of us. Hindi ka kasali so mind your own business." sagot ni Aery. Medyo na-offend ako dun kasi twin sister niya ako at ate niya pa din ako.
"You know what, Aery, lahat kami nag-aalala sa iyo dahil ilang araw ka ng ganyan. Walang imik at hindi namamansin. Iniintindi ka namin tapos babastusin mo ako ng ganyan? Natural, makikialam ako, kapatid kita at concern kami sayo." hindi ko na mapigilang mainis kay Aery na pinalala pa ng mukha niyang walang emosyon.
"Then, I don't need it. Sanay na akong magsarili ng mga problema ko." sagot niya at umalis. Nadali pa ng binti niya ang balikat ni Stacey na nakaluhod pa din.
"Kung tungkol ito sa kung sino ang ama ni Brix, hindi yun si Eris." pahabol ko.
"I know, narinig ko ang lahat that time. This is different. This is about between of us at hindi ka kasama. As I said earlier, mind your own business." sagot pa ni Aery at umalis na.
Lumapit ako kay Stacey at tinulungan siyang tumayo.
"Ano ba kasing nangyari, Tams?" tanong ko habang tinutulungan siyang pagpagan ang damit niya.
Tumingin muna siya kay Eris bago sumagot.
"A-ahh... W-wala." utal-utal niyang sagot at umiwas na ng tingin kay Eris.
"Wala? Pero lumuhod ka sa harap ni Aery at nag-sorry habang umiiyak. Tapos, wala lang??" sagot ko kay Stacey.
"Sa amin na lang yun. Mas mabuting wag mo ng alamin." sagot ni Stacey at umalis.
Titingin sana ako kay Eris pero nakaalis na rin siya. -_-
"Hayaan mo na, Jyx. Baka kailangan lang nila ng oras saka alam ko, sasabihin rin nila yun not now but soon. Sa ngayon, isipin muna natin yung plano kung paano tayo makakapasok ng laboratory." sagot ni Rix. Oo nga pala, pupunta ako ngayon sa library.
"Oo nga pala. Muntik ng mawala sa isip ko ang tungkol dun." sabi ko pa.
"Samahan na kita." presenta naman ni Rix.
"Sige pero pwede kumain muna tayo, gutom na ako eh." sagot ko at hinila siya pa-canteen.
AERY's POV
"Ayos lang na umiyak ka. Mas gagaan ang pakiramdam mo nun. Kung ang ulap nga, nagpapa-ulan kapag di na niya kaya ang bigat." bigla niyang imik pagkaupo sa bench. Nasa may field ako.
"Kuya JA!" niyakap ko siya at tuluyan ng umiyak.
"Okay lang na mabasa ang damit ko basta huling iyak mo na yan ha?" sagot ni Kuya JA habang hinahaplos ang buhok ko.
Tumango naman ako bilang sagot.
"Bakit ka ba kasi umiiyak? Sino nagpaiyak sa Baby JA ko? Lagot sa akin yun." matapang pa niyang sagot. Ito ba? Ito ba yung lalaking pinapalayuan nila sa akin. Buti pa nga siya, alam ang nararamdaman ko kahit di ko sabihin.
"Nakita ko kasi si Eris kasama si Stacey sa isang restobar." oo, meron dito nun pero bawal ang minors dun.
"Oh? Magkasama lang naman pala eh. Issue agad?" sagot naman ni Kuya JA.
"Yun na nga ang problema. Ayos lang sana kung magkasama lang pero Kuya JA, naghahalikan sila." sagot ko at muli na namang nagsimulang tumulo ang mga luha ko na agad naman niyang pinunasan
"Hayyss... Sabi ko wag ka ng umiyak eh. Nag-usap na ba kayo? Did you let Eris explain his side?" tanong niya na umiling naman ako.
"Ano pa ieexplain niya? Kitang-kita ng dalawa kong mata ang pagtataksil nila." sagot ko.
"Malay mo, nadala lang sila ng kalasingan." yung totoo? Kakampi ko ba talaga siya?
"Mistakes is a choice. Lasing man o hindi." sagot ko pa.
"Alam mo, Aery. Try to open your mind. Kasi kapag sarado yan at yan..." itinuro niya ang isip at puso ko.
"Walang kwenta yung mga advice ko. Dahil hangga't sarado yan, hindi mo rin yun tatanggapin at lagi kang may katwiran sa aking mga sasabihin." paliwanag niya.
"Mag-usap kayong tatlo kung gusto mong maayos iyan. Alam kong mahal mo pa rin siya at nahaharangan lang yun ng pride mo." dagdag pa ni Kuya JA. Umalis na siya at iniwan ako sa bench.
"Pero bakit ako? Bakit ako ang kailangang mag-adjust? Ako yung nasaktan di ba?" tanong ko sa hangin. Feeling ko naman may sasagot sa akin eh wala naman na si Kuya JA.
Well, alam ko naman na hindi siya ang ama ni Brix but still wala siyang sinabi about sa kanila ni Ate Ambry. Hindi ko siya pinansin that time na lumabas din pala siya. He tries to say sorry but I rejected it. I need time to think. Pero hindi ko akalaing aabot siya sa point na kailangan niyang makipaghalikan at kay Stacey pa. Pumunta ako that time para sa kanya para kausapin siya pero pinagsisihan ko yun. Mas masakit palang makita mo ng harap-harapan ang isang pagtataksil.
Naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko kaya pumikit ako para pigilan yun. Pagmulat ko ay may isang panyo sa may gilid ko at may note.
"Hindi bagay sayo ang umiiyak." basa ko sa note. Kahit di ko kilala kung sino ang nag-iwan ay ginamit ko na din iyong pantuyo ng luha.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Dla nastolatkówPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...