CHAPTER 14

149 4 0
                                    

AERY's POV 

*kkrriiinngg!!*

"Ok, class dismissed." paalam ng professor namin.

"Ahm... Eris, sabay na tayo palabas." imik ni Samantha at may pagkapit pa sa braso ni Yelo. Tss. Pabebe.

"Rix, tara na. May sasabihin din pala ako sayo." inaya ko na si Jenrix. Hinawakan ko ang kamay ni Jenrix na medyo nagulat pa. Nakita ko pa si Yelo na sumulyap sa kamay naming dalawa. Tss... Diyan siya sa pabebeng babae na yan.

"Ako na magdadala ng gamit mo, Jyx." presenta ni Jenrix.

"Wag na, kaya ko na ito. Di mo naman responsibilidad yun. May mga babae lang sadyang pabebe at gusto na pinadadala sa boyfriend nila." sagot ko. Papunta kami ngayon sa garden ng school.

"Okay lang naman sa akin eh." sabi niya.

"Huwag na. Alam mo, mabigat man o hindi, choice ko magdala ng bag so dapat panindigan ko. Nung single nga, nakapagdadala ng sariling bag eh. Boyfriend ka, hindi PA para maging tagadala." sagot ko at umupo sa isang bench ng makarating kami.

"Jenrix, gaano mo kamahal ang Jyxie Ambry na kilala mo?" tanong ko. Alam kong nagtataka na siya ngayon.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong klaseng tanong yan?" nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Sagutin mo na lang." and I rolled my eyes. Dami pang tanong eh, sasagutin din naman.

"Sobra. Yung tipong handa akong gawin ang lahat basta wag lang siyang masaktan. Pero sa totoo lang, di mo naman talaga masusukat ang pagmamahal. Kasi hangga't kaya mo, gagawin mo. Minsan nga, magugulat ka na lang sa sarili mo na nagawa mo yung bagay na di mo inaakalang magagawa mo." sagot niya habang nakatingin siya sa langit.

"Kung ganun, kaya mong maghintay na bumalik yung dating Ambry na minahal mo?" tanong ko sa kanya. Aaminin ko na lang sa kanya. At least di siya masasaktan, maghihintay nga lang.

"Oo, kaya ko. Kahit gaano pa katagal kasi alam kong may kasiguraduhan yun." sagot niya at tumingin sa akin.

"That's the power of love. Ang galing no? It can be your strength and weakness at the same time." imik ko habang nakatingin sa kawalan.

"You're right." pagsang-ayon niya.

"May aaminin ako sa'yo, Jenrix." sabi ko at tumungo.

"I'm not Ambry." nakayuko kong sabi.

"I know. You're Aery, right? Nahalata ko na nung una pa. If you're Ambry, kahit may amnesia ka, di makakalimot ang puso. Hindi rin kasi kinakausap ni Ambry si Eris kaya nagulat ako nung minsang akbayan mo pa siya. Ako lang talaga yung in denial, na kahit nakikita at nararamdaman kong ibang tao ka, pinaniwala ko pa rin ang sarili ko na ikaw si Ambry." nagulat ako sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman? Nobody knows na may twin sister si Ate Ambry." tanong ko at ngumiti siya.

"Alam namin ni Eris na may kakambal si Ambry. Naikukwento ka sa amin ni Ambry dati. At alam kong ibang tao ka dahil mahal ko si Ambry. Simple as that." sabi niya ng nakangiti.

"Sabagay, tama ka. Kapag mahal mo ang isang tao, hindi man makilala ng utak, puso mo na ang makakaalala. Yung tipong tingin pa lang, alam niyo na ang iniisip ng isa't isa. Ang swerte sayo ni Ate Ambry." sabi ko.

"Ang drama mo na. Hindi bagay sayo. Ang taray-taray mo tapos ganyan ang nalabas sa bibig mo" then he pat my head.

"Naman eh! Okay na yung moment eh." at tinawanan lang ako.

"Huwag kang mag-alala, andyan naman si Yelo mo. Ikaw lang nakatawag ng ganun sa kanya at ikaw lang ang nakapagpangiti ulit sa kanya." sabi pa niya.

"Ulit? Bakit? Kailan ba siya huling ngumiti?" tanong ko.

"Two years ago. Ngumiti siya dahil sa isang babae pero di niya sinabi kung sino." sino kaya yun. Siguro mahal niya yun.

"Sino kaya yun?" tanong ko.

"I don't know. Only Eris can answer that." sagot naman niya.

"Hayss... Saka na lang natin isipin yun. Busy yun sa kanyang Samantha. Oy, basta, friends na tayo. I don't accept No as an answer." sabi ko at naglakad na.

"Uyy, nagseselos siya." asar niya habang naglalakad kami.

"Like duh! Selos? No way!" sabi ko then rolled eyes.

"Huwag kang mag-alala, mahal ka nun." pang-aasar pa niya habang tumatawa at inakbayan ako.

"Che! Bahala ka nga diyan!" at dumiretso na sa dorm ko.

JENRIX's POV

"Che! Bahala ka nga diyan!" at dumiretso na siya sa dorm niya.

"Magkaiba nga kayo ni Ambry." imik ko na lang sa hangin.

"Kaya kong hintayin si Ambry, Aery. Pero sana dalian niya baka kasi di ko mapigilang mahulog ako sa'yo, Aery." bulong ko sa sarili at pumasok na sa dorm. Tama ang kwento ng ate mo, masaya at masarap kang kasama.   

- Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon