CHAPTER 09

141 2 0
                                    

AERY's POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway, hahanapin ko si Jenrix, kailangan ko siyang makausap. sinalubong ako ng isang estudyante.

"Ate, may nagpapabigay po sa inyo." banggit niya at inabot ng isang estudyante ang isang papel at pulang rosas? Huh?

"Ah, miss? Kanino ito galing?" tanong ko pero ngumiti lamang yung estudyante at umalis na.

"Go to the school field. (Jenrix)" basa ko sa card. Ano na naman ang pakulo ng lalaking ito? At rosas? Like duh! ano ako? patay na? Pumunta na lang ako sa school field.

"Kyaahhh!!!" tili ng mga babae dito. Ano bang meron?

Humawi ang daan habang lumalakad ako. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo at may hawak na isang bouquet of red roses. Lumapit siya at inabot ito sa akin.

"Tumingin ka sa itaas." bulong niya ng makalapit sa akin kaya tumingala ako. Isang tarpauline ang lumilipad ngayon na may nakasulat na "Happy 3rd Anniversary, Jyx." Ito pala yung sinasabi ni Stacey kanina na ngayon daw.

"Kahit may amnesia ka at di mo ako maalala, gagawin ko ang lahat manatili ka lang sa akin." ang lalaking ito ang mahal ni Ate Ambry. tumingin ako sa kanya. Napakaswerte ni Ate Ambry sa kanya.

"Kyaaahhh!!! Kiss na iyan!" sigawan ng mga estudyante.

"Jyx, kiss daw." sabi ni Jenrix na nakangisi ang loko.

"W-what? K-kiss?" utal-utal kong sabi. No way!! Kahit first kiss wala ako saka hindi naman ako si Ate Ambry eh.

"Don't worry, hindi kita hahalikan. Alam kong naiilang ka pa rin." Siya at ngumiti then niyakap ako. Whew! Buti naman.

"Bakit nga pala Jyx?" tanong ko.

"Jyx as Jyxie then Rix ang tawag mo sa akin noon. That's our personal endearment." sagot niya. Tahimik lang ako dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kung kinikilig ako? H. I. N. D. I. Kung si Ate Ambry pa, abot-langit na ang ngiti nun. Sorry, Ate, hindi ikaw ang nandito ngayon. Hindi mo naranasan ang isang mahalagang pangyayari sa lovelife mo.

"Salamat dahil bumalik ka. I love you." sabi pa niya. Bakas sa mukha ni Jenrix ang saya. Saka na lang siguro ako makikipag-break sa kanya. lols. Parang nga namang merong kami eh. haha

JENRIX's POV

Nakatingin ako ngayon kay Ambry na naglalakad. She really changed. At nung niyakap ko siya kanina, there's something weird. Hindi ko maramdaman yung Ambry na nakilala at minahal ko. And when I looked at her, there's no joy in her eyes. Parang ayaw niya nga din na halikan ko siya. She acted as if hindi pa kami nakakapag-kiss. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Sinasabi ng puso ko na hindi siya si Ambry pero yung utak ko, kumokontra. Nag-iisa lang si Ambry pero bakit parang ibang tao na siya.

"Uy, tara na! Nakatayo ka pa diyan? Padating na yung professor natin." imik ni Ambry na nakapagpabalik sa akin sa realidad.

"Ah, sige, tara na." aya ko.

"Uy, andito na ang lovers." asar ni Zhed.

"Tumahimik ka nga, Pre." Umupo na ako. Akala ko tatabi na siya sa akin pero umupo pa rin siya sa tabi ni Eris. Umiwas lang ng tingin si Eris ng tingnan na naman siya ni Ambry. Ganun ka ba kailang sa akin, Ambry? Tumingin na lang ako sa harapan ng dumating na ang prof namin.

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon