AMBRY's POV
"Imposible." gulat kong bulong.
"Rix, sino siya? Sino yung katabi ni Aery?" tanong ko kay Jenrix. Kamukhang-kamukha siya ni Dad.
"He is a transferee from ROS Academy." sagot ni Rix.
"ROS Academy? then kailangan ni Aery dumistansiya sa kanya." bulong ko pero narinig ni Rix.
"Bakit kailangan niyang lumayo kay Jhion? Actually, he is also a Mendez." sagot ni Rix. That's imposible, kilala ko lahat ng kamag-anak namin at walang Jhion Mendez.
"What?" medyo napalakas kong sagot.
"Any problem, Miss Ambry?" tanong ni Mr. Reyes.
"Ahh... Wala Sir. I just want to ask that part?" palusot ko at tinuro ang isang paragraph sa discussion niya. Mukha naman siyang nakumbinse kaya inulit niya. Mamaya ko lang iisipin.
*discuss*
*discuss*
*discuss*
"Okay, class dismissed." pagtatapos ni Mr. Reyes. Sa wakas, break time na. Gutom na ako.
"Baby JA, sabay na tayong kumain." aya nung Jhion kunno sabi ni Rix. At baby pa ang tawag niya kay Aery.
"Jyx, tara na sa canteen." aya naman sa akin ni Rix at ngumiti.
"Ahh... Sige." Pagsang-ayon ko.
"Aery! Teka lang! Sasabay na kaming dalawa ni Rix." pigil ko kay Aery.
"Sige, wait kita dito sa labas." sagot niya at ngumiti.
Pagkalabas ko ay nakita ko sila na nakasandal sa may corridor. Hinila ko ang kamay ni Aery at inilayo kay Jhion.
"A-aray, Ambry. Yung sugat ko." daing ni Aery. Sugat niya pala ang nahawakan ko.
"I-i'm sorry, Aery. Hindi ko sinasadya." paghingi ko ng tawad sa kanya.
"Bakit ba kasi kailangan mo pang manghila?" inis niyang tanong.
"I'm really sorry, Aery. Inilalayo lang kita kay Jhion." sagot ko.
"Kilala mo si Jhion? Don't tell me, nagsinungaling na naman kayo ni Dad sa akin?" nagtataka niyang tanong.
"No, Aery. Kahit ako, nagulat ako ng makita ko siya kanina at ng malaman kong isa siyang Mendez." sa totoo lang, kamukha talaga siya ni Dad. Pinabatang version niya.
"Yun naman pala. You don't know him. So, bakit kailangan mo akong ilayo sa kanya?" nagtataka na naman niyang tanong.
"It's beacause he is from ROS Academy." sagot ko at tumingin kay Jhion na nakangiti. Nang-aasar ba siya?
"ROS Academy? The military school? So what kung galing siya dun?" tanong ulit ni Aery.
"I will explain it later sa dorm. Basta sumunod ka na lang. Kabilin-bilinan ni Dad na lumayo tayo sa mga may kinalaman sa ROS Academy." sagot ko na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
"Dahil ba sa nangyari two years ago?" tanong ni Jhion na nakangiti at lumapit pa sa akin.
"Pa-paano mo nalaman ang tungkol dun?" gulat kong tanong. Anong alam niya?
"Anong nangyari two years ago?" biglang sabat ni Rix sa usapan namin.
"Oops! Wala pala siyang alam. Sabagay, after kasi nun, umalis ka na at hindi nagparamdam." sagot ni Jhion. Bakit may alam siya? Kilala niya ba ang gumawa sa akin nun.
"Kuya JA? Bakit mo alam yun? I-ikaw ba?" nauutal na tanong ni Aery.
"No, Baby JA. Imposibleng gawin ko yun sa isang Mendez." nakangiti niyang sagot.
"Sino ka ba, Jhion Mendez?" tanong ko kay Jhion.
"Malalaman niyo rin, not now but soon. Don't worry, your secret is safe with me. Kakampi niyo ako at hindi kaaway." bulong niya sa akin. Pagkatapos nun ay umalis na siya.
"Baby JA, sasabay ka ba sa pagpunta ng canteen?" tanong niya kay Aery. Tumingin naman muna sa akin si Aery at tumungo.
"I'll be safe. Let's know him first." sagot niya at ngumiti. Then sumunod na siya kay Jhion.
Iyan ang isa ko pang hinahangaan kay Aery. Hangga't walang ginagawang masama sa kanya, hindi siya manghuhusga. Kung hindi naman siya sinimulan ni Samantha, hindi sila magkakagulo.
"Tara na?" aya din naman ni Rix sa akin. Ngumiti lang ako at isinakbit ang kamay ko sa braso niya. Hindi ko na muna ikukwento kay Rix. Saka na kapag kailangan na.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...