AERY's POV
Nagising ako sa isang kwarto at mukhang nasa ML na naman ako. Sinubukan kong bumangon pero nakatali ang kamay at paa ko. May pumasok na babaeng nakalab gown at sigurado akong si Tita Fei na iyon.
"Tamang-tama, gising na ang aking precious pamangkin." imik nya habang papalapit sa akin at umupo sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"Walanghiya ka! Napakasama mo!" galit na galit kong sigaw sa kanya.
"Alam mo, my dearest pamangkin, wala ka ng magagawa. This is your fate. At wala ng tutulong sayo dito. Hawak na namin si Stacey at nabaril na din si Jenrix." hinahaplos nya ang pisngi ko pero iniiwas ko lang ito.
"Masyado ka namang kampante. Maraming nagmamahal sakin at hindi katulad mo na kailangan pa ng kasikatan para mahalin ng tao." then I smirked na nakapagpainis sa kanya. Hinawakan nya ang baba ko at sapilitang iniharap ang mukha ko sa kanya.
"Alam mong bata ka, hindi ko gusto ang tabas ng dila mo. Dapat siguro, turuan ka na ng leksyon. Pasok!" sigaw nya sa isang pinto at may pumasok na isang lalaking nakamask. Mukhang alam ko na ang plano niya. Oras na.
"Hindi ako natatakot sayo!" pilit kong itinatago ang takot at magmatapang sa harap nya.
"Well, sad to say, takot ka man o hindi, mangyayari at mangyayari ang mga plano. Simulan mo na." umalis na din sya matapos utusan yung lalaking nakamask.
"Akala ko di ka na makakarating at di ka makakapasok." imik ko paglapit ng lalaki sa akin.
"Marami mang humadlang, pipilitin ko pa din. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa Hangin ko." tama kayo, it's Eris.
"Kalagan mo na ako para makaalis na ako dito. Kailangan na nating magmadali para mailigtas si Stacey at madala sa ospital si Jenrix. May tama sya ng baril." kinalagan naman agad ako ni Eris. Sumilip muna sya sa may pintuan para alamin kung may tao sa labas.
"Tara na, walang tao." Inakay ako ni Eris palabas. Wala ngang tao dahil na rin siguro abala sila sa masquerade ball.
"At saan kayo pupunta? Akala niyo ba matatakasan at maiisahan nyo ako? Alam kong ikaw yan Eris. Ibigay mo na sa akin si Aery kung ayaw mong pumutok ito sa ulo mo." tinutukan kami ni Tita Fei ng baril. Humigpit naman ang hawak ni Eris sa kamay ko.
"No, I won't. Never." pagmamatigas ni Eris.
"Kung ganun din naman na hahadlang ka saking mga plano, mas mabuting iligpit na lang kita." akmang kakalabitin na nya ang gatilyo ng baril ng may humampas sa ulo nya.
"Samantha?" patanong naming bulalas ni Eris.
"Yes. Sawa na din ako sa kasamaan nila. At iyon ang dahilan kaya pabalik-balik ako sa ML. Hindi dahil sa punishment kundi dahil kasabwat nila ako. Pero sobra na kasi sila. Umalis na kayo, ako ng bahala dito." nakangiti niyang sagot sa amin. Isang sinserong ngiti.
"Pero paano ka? Sa ginawa mo, magagalit sina Miss Fei at Mr. Reyes." nag-aalala kong sagot sa kanya.
"Don't worry. Ako na din bahala dun. Ligtas na si Stacey. Nasa labas na lahat ng estudyante. And si Mr. Reyes, he is my brother. Just go now. Ako na bahalang tumapos nito." sagot nya sa amin. Bakas sa kanyang mukha ang lungkot. Anong plano mo Samantha?
"Sige pero ipangako mong magiging ligtas ka din." aalis na sana kami ng may iaabot sya sa akin.
"Keep this. Give this letter to your sister, Ambry. And this one is for you and Sabrina. Please make sure na makakarating yan sa kanila." nakangiti nyang sagot at itinulak na kami palabas.
AMBRY's POV
Laking pasasalamat namin ni Dad ng lumabas na ng school sina Eris at Aery.
"Thank God, you're safe, my precious." Sinalubong agad ni Dad ng yakap si Aery.
"Dad, si Samantha, nasa loob pa. At may pinapabigay sya sa iyo." lumipat ang tingin niya kay Sabrina na umiiyak. Iniabot niya ang isang nakatuping papel.
"Para sayo din ito, Ate. She saved us from Tita Fei." malungkot kong sagot. Then we heard a big explosion.
"Now I realize ang ibig sabihin ni Samantha na sya ang tatapos nito." narinig kong banggit ni Aery.
Binuksan ko ang sulat na galing kay Samantha.
"Hi Phards! Maybe wala na ako habang binabasa mo ito. I just want to say thank you sa friendship mula sayo. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko. Sana kahit sa pagtapos ko sa hirap na pinangdaanan natin at ng iba pang estudyante, maging sapat na para mapatawad mo ako. At may isa akong pakiusap, alagaan mo si Sabrina. Wala na syang pamilyang malalapitan at tanging ikaw na lang ang maaasahan ko. Huwag kang mag-alala, masaya ako sa nangyaring ito. Salamat."
— Samantha (Phards)Makakaasa ka sa akin, Phards. Ako ng bahala sa kapatid mo. Itinago ko na ang sulat nya at lumapit sa kapatid nya.
"Nnoooo!! Ate Saaammmm!" sigaw ni Sabrina. She is now crying and it also made me hurt. They love each other so much.
"Shhhh..." pagpapatahan ko kay Sabrina habang yakap ko sya.
"Wala na si Ate, Ambry." imik nya sa akin habang umiiyak. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya.
"I'm sorry, Sabrina. Hindi ko alam kung ano sasabihin sayo to ease the pain. I'm also hurt. She is still my Bestfriend but Ate Ambry is here for you. Hinabilin ka nya sa akin sa sulat nya." Hindi ko mapigilang mahawa sa emosyon ni Sabrina.
Kasalukuyan ng nasusunog ang buong academy at sana ay dito na ito matapos. Pinagmasdan ko ang lahat ng estudyante na naririto kasama ang mga magulang nilang ang tagal nawalay sa kanila.
-Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Roman pour AdolescentsPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...