CHAPTER 12

136 3 0
                                    

  AMBRY's POV 

Hi guys! Miss me? Haha... kung nagtataka at nag iisip kayo kung nasaan ako, sinasayang niyo lang ang effort niyo. Hindi ko rin kasi alam kung nasaang lugar ako. Andito pa rin ako sa mansiyon na pinagdalhan sa akin. Pero you know what, updated ako sa mga happenings sa life ni Aery. Alam kong andun siya sa dati kong school na ML Academy at nagpapanggap bilang ako. Alam ko din na sinurprise siya ni Jenrix. Hayyss... I miss him so much. Salamat kay J. Siya kasi ang nagpapadala ng mga impormasyon sa akin mula sa labas. Andami ko na nga ring naipon na puting rosas dito sa aking kwarto. Hindi ko nga lang alam kung paano siya nakakasagap ng impormasyon gayong hindi allowed ang phones dun. Kung magamit man nila ang phone every Sunday, naka-block lahat ng magiging communication nila sa labas.

"Lady Ambry, may bisita po kayo." bisita? For the first time. Saka paano nangyari yun? Wala ngang nakakaalam na andito ako.

"Sino daw po?" tanong ko kay Ate Teresa.

"Daddy niyo daw po." biglang natuwa ako sa sinabi niya. Kahit mala-prinsesa ang turing nila sa akin dito, di ko maaalis na ma-miss sila.

"Sige po, susunod na po ako." humarap muna ako sa salamin para tingnan kung maayos ang mukha ko. Agad akong bumaba matapos yun.

"Dad?" tawag ko sa lalaking nakatalikod sa akin.

"Ambry, alam ko ang lugar na ito dahil ito ang unang naging bahay namin ng mommy niyo." sagot ni Dad na ikinagulat ko. 

"You mean, kayo ang nagpakuha sa akin? At kayo rin ang nagpakulong sa akin dito?" tanong ko. 

"Oo, anak. Kailangan kong gawin iyon para mapilitan si Aery na pumasok sa paaralan mo bilang ikaw." paliwanag ni Dad. 

"Pero bakit Dad? Pwede namang pumasok siya dun as Aery talaga. Pinahihirapan niyo lang siya Dad. Maaari ring magalit siya sa atin kapag nalaman niya ang past ko dun. At baka sumama din ang loob niya dahil nagsinungaling tayo na pumasok ako dun at hindi sa abroad." angal ko. 

"No, Ambry. She can't use her name. No one should know that you have a twin. And once they discover that she is not you, mapapahamak siya. Maaari ring habulin siya ng mga taga ROS Academy. Alam mo naman siguro na kung paano patakbuhin ang dalawang paaralan na yun." explanation ni Dad then naalala ko yung First Blood Policy. Virgin pa si Aery pero magiging ligtas siya hangga't walang nakakaalam na nagpapanggap lang siya. 

"Pero bakit niyo pa siya pinatuloy dun? Hindi pa ba kayo nadadala sa nangyari sa akin two years ago?" ayaw kong mangyari kay Aery ang nangyari sa akin. 

"Dahil kailangan Ambry. Hindi ako papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari sa'yo. Hahanapin natin kung sino ang nasa likod ng nangyari two years ago. At huwag kang mag-alala, simula ng ipadakip kita at pumasok siya sa school na yun, mayroon na rin akong ipinadalang magbabantay sa kanya." paliwanag ni Dad. 

"Pero hindi niyo ba naisip na maaaring magalit sa atin si Aery kapag nalaman niya ito. Baka isipin niyang ginamit natin siya para sa sariling kapakanan natin." angal ko.

"No, Ambry. Alam kong kahit laging napapasama sa gulo ang kapatid mo, mabait si Aery at mahal ka niya. At oras na malaman niya ang nangyari sa'yo, hahangarin niya rin ang hustisya para sayo. Matalino si Aery, alam kong maiintindihan niya rin tayo sa huli." tama si Dad. Kahit napapaaway siya dahil sa akin, never niya akong sinisi. 

"Nga pala, Dad. Did you know who is J?" nangunot ang noo niya sa tanong ko. 

"What do you mean?" nagtataka niyang tanong. 

"Kasi Dad, may nagpapadala sa akin ng mga informations about Aery. Then laging nakalagay is from J at may kasamang puting rosas." kwento ko kay Dad. 

"I don't know who is J. But white roses? Did you know that it is your mother's favorite flower." sagot ni Dad. 

"Hindi kaya si Mom yun, Dad?" tanong ko. 

"That's imposible, baby. Your mom, died, long time ago. She died while giving birth. Don't worry, I'll investigate about it, baby." sagot ni Dad at tumango lang ako. 

"Sige, Baby. I need to go. Just call me if you need something." then inabot niya sa akin ang phone ko. Akala ko nawala na ito. 

"Tinabi ko, alam ko kasing marami kang memories diyan." then he smiled. 

"Thanks, Dad. Nga pala, next time, isama niyo si Brix dito. Nami-miss ko na kasi siya." sabi ko. 

"Sige, baby. I'll bring him on weekends." pagsang-ayon ni Dad at ngumiti.

"Thank you, Dad. Ingat po sa biyahe." and I hug him tight. 

"Bye, baby." and kiss me on my forehead then he goes.   

"Please, be safe, Aery." bulong ko na lang sa hangin ng makaalis si Dad.  

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon