AERY's POV
Kasama ko ngayon si Jhion. Papunta kaming canteen. Nagtataka ako kay Ate Ambry. Mabait naman si Kuya JA. Saka anong masama kung galing siyang ROS Academy?
"Bakit sumama ka pa din sa akin sa kabila ng sinabi ni Ambry?" tanong sa akin ni Kuya JA.
"Dahil alam kong mabait ka. Saka wala ka namang ginawang masama sa akin simula nung dumating ka dito." sagot ko at ngumiti.
"Salamat sa tiwala mo, Baby. Dahil diyan, treat kita. Hanap ka na ng pwesto natin. Ako na ang mag-oorder." sagot niya at ngumiti.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng bakante. At dahil ang alam dito ay twin sister ako ni Ate Ambry from abroad, bulungan na naman.
"Siya na ba yung twin sister ni Ambry?" tanong ni girl 1.
"Grabe, kamukhang-kamukha niya si Ambry." imik naman ni girl 2. Natural na kamukha ko siya kasi kambal kami. Tss...
"Baby JA, this is your food na." imik ni Kuya JA pagdating.
"Luh? Baby ang tawag ni Papa Jhion sa kanya." imik na naman ni girl 1. Siguro nauubos lang yung breaktime nila na puro chismisan lang.
"Sila kaya?" tanong ni girl 2. Ano bang pake nila kung kami o hindi.
"Hayaan mo na, Baby JA. Mga wala lang magawa ang mga iyan." pagpigil sa akin ni Kuya JA ng akmang tatayo na sana ako para kausapin ang mga iyon.
"Okay." and I rolled my eyes. Kinuha ko na lang ang isang slice ng cake pero kinuha niya ito?
"Bakit mo kinuha? Akala ko ba treat mo ako?" nagtataka kong tanong.
"Bawal kasi sayo ito, Baby JA. You're allergic to peanuts." pagbabawal niya at hinila ang plate na may sliced cake.
"How did you know that I'm allergic with peanuts?" takang tanong ko.
"Simply because, I am a Mendez." nakangiti niyang sagot.
"Connect?" I asked and gave him a poker face.
"Kung si Ambry, allergic sa chocolates, ikaw ay sa peanuts, allergic naman ako sa caramel. Malalaman mo din not now but soon." sagot niya at hinawakan ang ulo ko.
"Isa pang ganyan mo, makakatikim ka sa akin. Not now but soon." panggagaya ko sa mga sinabi niya.
"Kumain ka na lang diyan. Mag-ingat ka na sa susunod sa mga kakainin mo. Di porket libre, go ka ng go. Mamaya diyan ka pa mamatay pag aksidente kang nakakain ng peanuts." pangangaral na naman niya sa akin.
"Oo na po." sagot ko at kinuha ang isa pang sliced cake na chocolate naman.
"Salamat, Baby JA ha." imik sa akin ni Kuya JA out of nowhere.
"For what? Don't tell me magdadrama ka?" pagtataray ko sa kanya.
"Thank you for trusting me kahit ngayon lang tayo nagkakilala. Saka madrama na kung madrama basta thankful ako sayo." nakangiti niyang sagot.
"Oo na. Wala yun. Saka gusto pa kitang makilala para masabi ko kung lalayuan ba talaga kita or not." sagot ko and ate another bite of cake.
"Saka, I have another one reason. Parang kuya na kasi kita saka I wish nga, Kuya na talaga kita for real." sagot ko at ngumiti.
"Kuya mo naman sadya ako." sagot niya na ikinakunot ng noo ko. For real? So, ano to? May other woman si Dad?
"K-kuya k-kita?" gulat kong tanong.
"Yes, kuya mo ako. Yun ang tawag mo sa akin di ba? Kuya mo ako at Baby kita." sagot niya at ngumiti.
"Ahh... Akala ko, for real na." whew! Buti naman.
"Baby?" cold na tanong nung lalaking nasa likod ko. It's Yelo, I'm sure.
"Yes, Baby ko si Aery. Any problem with that?" sagot naman ni Kuya JA.
"No." cold na sagot naman ni Yelo. Tss...
"And why? Who are you in Aery's life? You're not even her boyfriend?" sagot naman ni Kuya JA. Ayaw ko siyang pigilan. Dapat lang sa kanya yun. Matapos niyang hayaang dikit-dikitan ni Samantha matapos yung sa ML. Tss... Bahala siya.
"He's right. You're not even my boyfriend. So, in other words, you don't have the right to tell me on who I should be with." pagsang-ayon ko naman kay Kuya JA.
Hinila ako ni Yelo palabas ng canteen at dinala sa may school field.
"Ano ba? Let me go!" pag-angal ko sa kanya pagkarating doon.
"Ano bang problema mo?" hinawakan ko yung wrist ko. Buti na lang, hindi ito yung nasugatan.
"Kailan pa?" cold niyang tanong sa akin.
"Ang alin?" naguguluhan kong tanong.
"Yung inyo ni Jhion. Kailan pa?" seryoso niyang tanong. Ah... Siguro yung pagtawag niya sa akin ng Baby.
"Simula nung dumating siya. Why?" sagot ko. Problema ba nito?
"So, ano yun? Isang araw mong nakilala tapos kayo na agad?" nahahalata ko na ang inis sa tono niya. At kami? Ni Kuya JA?
"What? Kami? Hindi kami at walang magiging kami." naguguluhan kong sagot.
"Then why is he calling you baby?" tanong niya.
"Baby as baby sister then I'm calling him Kuya. Saka ano ba sayo kung may kami o hindi. Kung ikaw nga, di kita pinapakialaman sa pagdikit sayo ng impaktitang Samantha na yun. And as far as I know, I don't need to explain my side to you. You're not even my boyfriend." mahabang litanya ko at tumalikod na para umalis.
"Nagseselos ako." sagot niya kaya napatigil ako sa paghakbang.
"Anong sabi mo?" pagkukunwaring hindi ko narinig.
"W-wala." sagot niya. Hayyss...
"Okay, walang isang salita." at tumalikod na ako.
Hahakbang na ako ng hablutin niya ang isang braso ko at niyakap ako.
"Oo, nagseselos ako. Ayaw ko ng may ibang lumalapit at nagpapangiti sayo dahil nagseselos ako. Gusto kita, Aery. At akin ka lang. Akin lang ang Hangin ko." imik niya sa pagitan ng aming yakap. It was a sincere one. And he just confessed on me. Pwede na bang kiligin?
"I like you too, Yelo." sagot ko sa kanya at ngumiti.
Napatingin naman ako sa isang lalaki sa di kalayuan. His eyes, why do I see pain in his eyes?
"Jenrix?" imik ko out of nowhere.
"What did you say?" tanong ni Yelo.
"Ahh... Wala. Wait lang ha? I just need to check on something." paalam ko kay Yelo at sinundan si Jenrix.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...