CHAPTER 44

74 1 0
                                    

AERY's POV

Matapos kong kumain ay umalis na kami. Kanina pa ako kinukulit ni Yelo. Bahala siya diyan. Hindi niya ako pinapansin kanina tapos nalaman ko pang may nangyari sa kanila ni Ambry.

Pumasok ako ng classroom at buntot pa din si Yelo.

"Hangin ko, sorry na." pag-uulit ni Yelo sa mga sinabi niya.

"Okay." sagot ko lang sa kanya.

"Hangin naman eh. Bati na tayo." pag-iinarte pa niya.

"Okay nga." pag-uulit ko sa sagot ko at umupo na sa pwesto namin kanina.

"Hindi naman eh. Bakit okay ang sagot mo?". pagtatanong niya.

"Wala lang." plain tone kong sagot.

"Mommy!" sigaw ng isang batang lalaki na pumasok sa classroom namin.

"Mommy Aery!" sigaw niya ulit at tumakbo sa akin.

"Brix??" patanong kong sagot ng makita siya sa harapan ko. Two years old pa lang si Brix pero straight na niyang nasasabi ang name namin ni Ambry.

"Yes, Mommy Aery." nakangiti niyang sagot. Napatingin sa akin ang mga kaklase ko. Maybe they are thinking that Brix is my son.

"Mommy? May anak ka na?" sabat ni Yelo mula sa likuran ko. Kinalong ko si Brix at hinarap si Yelo. Mapagtripan nga. Ganti ko na rin sa kanya.

"Oo, meron na. Di ba halata? Mommy tawag niya di ba?" pagtataray ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Mommy, kamowkha niya shi Daddy." baby talk ni Brix at tinuro si Yelo. Don't tell me, siya talaga? Siya talaga ang ama ni Brix?

"How did you know that, baby?" tanong ko kay Brix. Oha! English yan. Matalino yang si Brix kaya naiintindihan niya yan. Haha...

"Mommy Ambry let me shi my daddy's phicture." Brix answered then napatingin ako kay Yelo na nakatitig kay Brix. Don't tell me ulit, may nararamdaman siyang lukso ng dugo?

"That's imposible, Baby. I'm not your daddy. But you can call me Tito Eris." pag-deny ni Yelo at naktitig pa din kay Brix. I smell something is fishy.

"No, I will call you Dawddy Erish." baby talk ulit ni Brix at ngumuso.

"Mowmy Aery, where is Mowmy Ambry?" paghahanap ni Brix sa kanyang ina.

"He is with your Tito Jenrix. Pabalik na rin yun, baby." sagot ko habang kalong-kalong siya.

"Mommy din tawag niya kay Ambry?" takang tanong ni Yelo.

"Magkamukha daw kasi kami kaya parang dalawa na rin daw mommy niya." sagot ko kay Yelo.

"I want to see, Mowmy Ambry." baby talk ni Brix at hinila ang damit ko.

"Okay, we will find Mommy Ambry. Let's go." sagot ko at tumayo ng buhat-buhat si Brix.

"Yehey!" tuwang-tuwa na sagot ni Brix with matching taas kamay pa. Tumayo rin si Yelo kaya nagtaka ako at nagsalubong ang kilay.

"Saan ka pupunta?" kunot-noo kong tanong.

"Sasamahan ko kayo." simpleng sagot ni Yelo.

"No need." pagtataray ko sa kanya,

"Hangin ko naman eh." pagrereklamo niya. Aba, may atraso pa siya sa akin.

"Wag mo akong ma-Hangin Hangin diyan. May kasalanan ka pa sa akin." sagot ko. Aba, di niya man lang sinabing may nangyari sa kanila ni Ambry.

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon