AERY's POV
It's been a year since that day na nawala ang academy. Medyo sariwa pa din yung nangyari pero we're trying to move on. Mahirap pero kakayanin. Naka-graduate na din kami maliban kay Sabrina na may two years pang bubunuin. And this day, may ipapakilala daw sa amin si Kuya JA.
*peep! peep!*
Narinig namin ang isang busina ng sasakyan sa labas.
"Andyan si Kuya JA. Bumaba na kayo dyan." sigaw ko kina Sabrina at Ate Ambry. Simula ng nangyari ay kinupkop na din ni Dad si Sabrina. Actually, inaayos na ni Dad and adoption papers nya.
"Coming, Ate Aery." It's Sab. She is also now calling me Ate since mas matanda ako sa kanya ng 2 years.
"Let's go." sabay silang bumaba ni Ambry.
Lumabas na kami at nakita namin ang lalaking sundo namin kasama si Dad.
"Ang gaganda naman ng tatlong prinsesa namin." masayang bati sa amin ni Kuya JA.
"Syempre. Mana-mana lang yan, Kuya JA." tumatawang sagot ko kay Kuya JA.
"So, let's go? Susunod na lamang daw sina Jenrix sa place." pag aaya ni Kuya JA at pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan. And yes, thanks to Sabrina na bunso na din namin.
JENRIX's POV
"Ano? Okay na ba, Dhude?" tanong ko kay Zhed. Naghahanda kase ako para sa gagawin kong wedding proposal kay Ambry.
"Ayos na, Dhude. At ang gwapo mo na." sagot ni Zhed.
"Sure ka bang diretso kasal na agad yan? Para namang sure kang o-oo sayo si Ambry." pang-aasar pa ni Eris.
"Yes, bro. I'm sure of it. At ayaw mo nun? Pwede na din kayong magpakasal ni Aery next year." natatawa kong sagot sa kanya. Inilabas nya ang engagement ring na binili nya for Aery. Yes, double proposals ang magaganap.
"Malapit na daw sila. Nagtext na sa akin si Kuya Jhion." imik ni Stacey pagdating nya. Ang totoo nyan, nauna sadya kami para dito.
"Thanks for the update, Stacey." Well, di naman talaga nagtraydor sa amin si Stacey. Kinasabwat lang siya ni Aery. Hinayaan nilang magailbing pain ang naganap nung gabing iyon.
"Welcome and advance congratulations sa inyo. Tara na. Kinontak ko na din yung paring magkakasal sa inyo." pag-aaya ni Stacey. Kapag umoo kasi si Ambry sa proposal ko, diretso kasal na kami. Kasabwat ko ang lahat maliban sa kanya. Pero hindi alam ni Aery na magpo-propose din sa kanya si Eris.
JHION's POV
We're on our way to meet someone na malapit sa amin. Kilala na sya ng Dad nina Aery.
"We're on our way... Okay." sagot ko sa tumawag.
"Who's that, Kuya JA?" tanong ni Aery.
"Yung ka-meet up natin, Baby. Yung ipapakilala ko sa inyo." nakangiti kong sagot at binilisan na ang pagmamaneho.
*at the venue*
Umupo kami sa pina-reserve naming pwesto.
"She'll be here in a minute." imik ko. Pinapwesto ko sina Aery ng nakatalikod sa pintuan para hindi agad nila makita ang aming bisita.

BINABASA MO ANG
First Blood
Roman pour AdolescentsPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...