JENRIX's POV
Andito kami ngayon sa clinic kasama sina Eris, Jhion at Zhed. Natumba siya kanina at buti na lang nasalo siya ni Eris. Alam kong may nararamdaman na din si Eris para kay Aery. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala niya kanina kay Aery.
"Hmm..." ingay ni Aery. Hudyat na nagkakamalay na siya.
"Ayos ka lang ba?" tanong ko agad kay Aery.
"Oo. Ano bang nangyari?" tanong niya habang nakahawak sa ulo niya. Hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.
"Well, nag-away lang naman kayo ni Sabrina sa canteen kanina. Ang astig mo nga dun. Hindi ko alam na may ganung side ka, Ambry. Kung hindi ko alam na wala kang kakambal, iisipin kong ibang tao ka." daldal agad ni Zhed. Nagkatinginan naman kami ng mabanggit niya ang kambal.
"What? May nasabi ba akong mali?" nagtatakang tanong ni Zhed ng mapansin ang reaksiyon namin.
"A-ahh... W-wala naman." sagot ni Aery.
"Ikaw naman kasi, Baby JA, bakit di ka nag-iingat. Ayan tuloy, napunta ka na naman sa clinic." nakita ko ang paghawak ni Jhion sa kamay ni Aery at kahit kay Eris ay hindi yun nakaligtas.
"Magpapahangin lang ako." paalam bigla ni Eris at lumabas ng kwarto. Sinundan naman siya ng tingin ni Aery.
"Hayaan mo na muna yun, Ambry. Magpahinga ka na muna." sagot ko kay Aery.
Sa totoo lang, hindi ko na alam ang nararamdaman ko kay Aery. Ayaw ko ng nasasaktan at napapahamak siya. Ayaw ko din ng nawawala siya sa paningin ko. Masaya ako kapag kasama ko siya. Hindi ko alam pero parang nagugustuhan ko na siya. Pero alam kong mali ito. Si Ambry ang mahal ko.
"Ayy, mali!" imik ko ng sigawan ako ni Aery.
"Anong mali? Kanina pa kita tinatawag, nakatitig ka lang sa akin." nagtatakang tanong ni Aery.
"Ah, mali. Mali yung ginawa ni Sabrina sayo." palusot ko at umiwas ng tingin.
"Mali naman sadya siya. At sigurado akong gumagawa na yun ng hakbang para maparusahan ako sa ML." alangan niyang ngiti pero hindi mababakas sa kanya ang takot.
Kahit isa siyang Mendez at pamangkin siya ni Miss Heart, hindi pa rin siya makakaligtas. At kapag napasok siya dun, siguradong malalaman nilang ibang tao ang Ambry na napasok dito.
"Pero may power pa rin sina Sabrina, Ambry. Hindi malabong makagawa siya ng paraan para maipasok ka dun." sabat naman ni Zhed.
"Well, hindi ako natatakot sa kanya. I will prove to her that she picked the wrong person to messed up." sagot ni Aery. Ibang-iba talaga siya kay Ambry. Kita ko ang tapang sa mata niya.
"Okay na ang sugat ni Miss Mendez. Nahimatay siya dahil dumugo na naman ang sugat niya. Iwasan na lang sana ulit ang ganitong pangyayari. Delikado na dahil bumuka na naman ang sugat niya." paalala ng nurse pagdating nito.
"Salamat po. Maaari na po ba naming ilabas si Baby JA ko?" tanong ni Jhion. Isa pa ito, nakakainis yung pagtawag niya ng Baby kay Aery. Hindi naman sila saka hindi kaya sanggol si Aery.
"Oo, Mr. Mendez." nakangiting sagot ng nurse.
"Oh? Wag na kayong magtalo kung sino ang aalalay sa akin. Kamay ko lang ang napuruhan at hindi paa kaya makakapaglakad pa ako." pagpigil ni Aery ng akmang lalapitan namin siya ni Jhion kaya wala na rin kaming nagawa.
- Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Novela JuvenilPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...