AERY's POV
*krriinngg*
Tunog ng bell. Sa wakas, natapos din ang klase.
"Ihahatid na kita, Ambry." presenta ni Jenrix. Kusa niyang isinabit ang bag sa aking balikat at dinala ang books ko.
"Hanggang uwian, katamis pa din." sabat na naman ni Zhed.
"Inggit ka lang, Pre. Hanap ka na kasi ng iyo." sagot ni Jenrix.
"Oo nga, ligawan mo na lang si Stacey. Total, jowable naman yun saka bagay kayo; parehas madaldal at maingay." napatingin naman sa akin si Jenrix at natawa kami parehas.
"Tara na, Ambry. Hatid na kita." umalis na kami. Hindi na namin pinansin sina Samantha. Sa ibang araw ko na lang siya babawian.
"Bye, Ambry. Pagaling ka at yung bilin ng nurse. Huwag kalimutan" paalam at bilin pa ni Jenrix pagdating dito sa may dorm.
"Opo, tatandaan ko. Salamat para sa araw na ito. Bye." at isinara ko na ang pinto pagkaalis niya.
Dumiretso agad ako sa kama. Wala pa si Stacey, may klase pa ata siya. Feeling ko, ang haba ng maghapong ito at puro si Jenrix ang nakasama ko.
Tiningnan ko yung sugat ko. Naalala ko yung sinabi ng nurse. Ibig sabihin, nangyari na rin ang ganito kay Ate. Sino naman ang may kasalanan? Si Samantha rin kaya? Hindi na ikinuwento ni Jenrix. Sa susunod ko na lang pala itatanong. At unti-unti ng bumigat ang talukap ng mga mata ko.
(Kinabukasan)
"Ayyiiee... Ang sweet nila." - girl 1
"Sana lahat ng lalaki, katulad niya." - girl 2
"Oo nga, hindi siya sumuko kahit di siya maalala ni girl." - girl 3Teka, ako lang ang may amnesia dito di ba? Kami ba ni Jenrix ang pinag-uusapan nila? Nakipagsiksikan ako sa mga babaeng nakaipon sa may bulletin board.
"Teka, saan galing ang picture na iyan?" nakadikit lang naman ang picture namin ni Jenrix doon nung sinusubuan niya ako, ipinagdadala ng gamit, inaalalayan sa paglalakad at pagkopya ng notes para sa akin. At may nakalagay pang couple of the month. Like duh! Hindi kami at walang naging kami!
"Galing yan sa writer ng ating school. Kinuhanan niya kayo ng stolen picture together." sagot ng isang babaeng estudyante.
"Ang ganda naman niyan." sabat ng isang pamilyar na boses.
"Bagay talaga silang dalawa." dagdag pa ni Jenrix. Oo, siya. Siya din ang may sabi nung una. Kasama niya sina Zhed at Yelo. Tiningnan ni Yelo yung mga litrato then nag-walk out? Anyare dun?"Anyare kay Eris?" tanong bigla ni Zhed.
"Sabi ko sa'yo, mahal ka nun." bulong sa akin ni Jenrix.
"Luh? Si Samantha ang mahal nun. Magkasabit pa nga ang mga braso nila eh." bulong ko pabalik at naglakad na papunta sa room.
"Anong pinag-uusapan niyo?" sabat ni Zhed.
"Wala" sabay naming sagot ni Jenrix na ikinatawa namin.
"Okay?" patanong na sagot ni Zhed.
*fast forward*
"Miss Arellano, excuse daw po kay Miss Mendez at Miss Marquez. Pinapatawag po sila ni Miss Heart." imik ng isang estudyante habang nagka-klase si Miss Arellano.
"Ok, Miss Mendez and Miss Marquez, you may go." kaya tumayo na kami at nauna si Samantha.
"Mukhang may buena mano sa pagbabalik ng ML." narinig kong bulong ni Miss Arellano ng tumapat ako sa kanya.

BINABASA MO ANG
First Blood
Roman pour AdolescentsPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...