CHAPTER 36

90 2 0
                                    

AERY's POV

Naglalakad na kami ni Ambry ngayon sa hallway. Nagtataka nga ako sa kilos kanina ni Jenrix.

"Aery, nakakapagtaka yung kilos kanina ni Rix. Parang lutang siya. Hindi niya siguro ako na-miss." malungkot na imik ni Ate Ambry. Napansin rin pala niya. Well, di na ako magtataka kasi boyfriend niya si Jenrix. Matagal na silang magkakilala kaya I'm sure na kilala na nila ang isa't isa.

"Baka may iniisip lang, Ambry." pag-aalo ko sa kanya.

"Hindi naman siya ganun eh. Yayakapin niya agad ako tapos hahalikan kung talagang na-miss niya ako. Two years akong nawala tapos ganun lang ang reaksyon niya." malungkot pa ring sagot ni Ate Ambry.

"Yun na nga, Ambry. Two years kang nawala, baka on shocked pa din siya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat na yung taong two years na nawala ay lilitaw na lang sayong harapan ng di inaasahan." sagot ko.

"Pero---" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

"No more buts, Ambry. Just relax, magiging okay din yun. Saka na natin pag-usapan yan, andito na tayo oh." sagot ko at itinuro ang pintong nasa harapan namin.

"Okay" sagot niya at kumatok na kami.

"Come in." sagot naman ni Tita Fei mula sa loob.

"Good day, Tita." bati ko sa kanya.

"Yes, Aery? How may I help you?" tanong niya. Nasa may pintuan pa si Ate Ambry at hindi pa pumapasok.

"May kasama po ako at gusto niyang mag-enroll dito." sagot ko in a plain tone.

"Sino? Part of the family din ba siya?" ask ni Tita Fei.

"Yes, Tita. Andito po ang kakambal ko and she wants to study here AGAIN." paalam ko kay Tita Fei.

"You mean, si Ambry?" tanong niya. Malamang kakambal nga di ba? Siya lang ang kakambal ko.

"Yes, Tita." sabi ko at ngumiti. Kung hindi lang ito headmistress, nabara ko na ito. Pero syempre, may manners pa rin naman ako.

"Ah, sige. Papasukin mo na siya." sagot ni Tita Fei. Tinawag ko naman sa may pintuan si Ambry.

"Ambry!" tawag ko at pumasok siya.

"Good day, Tita. Long time no see po." bati ni Ambry kay Tita Fei ng makapasok siya sa loob.

"Long time no see din, iha." sagot ni Tita Fei at ngumiti.

"So, you're here to study again. Then how's your set ups and alibis? Aery pretends as you and take engineering while you want nursing." panimula ni Tita Fei.

"Well, Tita, napag-isipan at napag-planuhan ko na po iyan. Let's just tell them that I already regained my memory and I want to shift my course to nursing." paliwanag naman ni Ate Ambry.

"We can do that. But how about Aery?" tanong ni Tita Fei.

"She will enter this school as transferee AGAIN. But not as Ambry anymore but as herself, Jane Aery Mendez, my twin sister." paliwanag ni ulit ni Ate Ambry. Yung totoo? Kailangan ba talaga ako dito? Mukhang di naman nila kailangan ng opinyon ko.

"Okay, then let's do that. But is it okay for you, Aery?" tanong naman ni Tita Fei. Akala ko, tatayo lang ako dito.

"Yes, Tita Fei." pagsang-ayon ko.

"Then, its settled. Ibibigay ko na lang ang I.D. and schedule mo tommorow. Daanan mo na lang dito." sagot ni Tita Fei. Tumungo lang naman si Ate Ambry.

"Sige po, Tita Fei. Thank you po." paalam namin at lumabas na ng kwarto.

"So, paano ang pagpasok natin bukas, Ambry?" tanong ko.

"Simple lang, papasok ako sa nursing as what's on my schedule and papasok ka as transferee." sagot ni Ate Ambry.

"Ah, okay." pagsang-ayon ko na lang.

"Tara na. Mag-aayos pa ako ng gamit." pag-aaya ni Ate Ambry at hinila na ako pabalik ng dorm.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon