STACEY's POV
"Nagawa ko na ang gusto niyo. Siguro naman, makukuha ko na din ang kapalit ng pagtulong ko sa inyo." kaharap ko ngayon si Mr. Reyes dito sa labas ng laboratory.
"Well, Miss Stacey, hindi ko alam na ganun ka pala talaga kautu-uto. Sa tingin mo ba talaga, hahayaan ka lang namin basta ni Miss Fei makalabas dito? Masyado ka ng maraming nalalaman tungkol sa mga plano namin." nakangisi niyang sagot sa akin.
"Well, as expected. Hindi ko rin alam na ganyan ka kautu-uto, Mr. Reyes. Alam ko naman na imposible yung mangyari kaya syempre, nagpasigurado na ako kung paano ko makukuha ang kalayaang gusto ko." kampante kong sagot sa kanya.
"What do you mean?" takang tanong ni Mr. Reyes.
"Actually, may kasama ako. Infairness, ang galling mong magpretend na wala kang koneksyon sa kaniya." hinila ko mula sa isang puno ang kasama ko.
"S-sabrina..." tawag niya sa kasama ko. Yes, si Sabrina Marquez na kapatid ni Samantha Marquez na kaaway namin.
"Yes, Sabrina Marquez-Reyes, your precious baby sister." sagot ko sa kanya. Yes, magkapatid sila.
"Paano mo nalamang kapatid ko siya?" tanong ni Mr. Reyes.
"Let's just say na observant ako sa mga nangyayari sa paligid ko tuwing madaling araw." nalaman ko yun ng dumaan ako at nag-uusap silang dalawa. Pinapatigil na ni Sabrina ang kanyang Kuya sa pakikipagsabwatan kay Miss Fei.
"I'm sorry, Kuya. Please, stop this or else baka madamay ka lang sa mangyayari kay Miss Fei kapag nahuli siya." pagkukumbinse ni Sabrina sa kapatid niya.
"No, Sab. Andito na tayo. Malapit na naming maisakatuparan ang aming mga plano. At huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa amin, baby." sagot naman ni Mr. Reyes.
"Pero sa kanya, may mangyayaring hindi mo magugustuhan kapag hindi mo ibinigay ang gusto kong kalayaan." pinatalikod ko si Sab para makita ang bombang nakadikit sa likod ni Sab.
"Mayroong bombang nakadikit sa kanya na kahit ikaw ay walang magagawa para alisin. Nakakonekta yun sa akin na ako lang ang may hawak kung kailan ko gustong pasabugin. Kaya kapag lumabas ako dito, kapag pinagtangkaan mo buhay ko, kapalit nun ang buhay ng kapatid mo. In short, hawak ko na mula ngayon ang buhay ni Sabrina." paliwanag ko sa kanya.
"Tuso ka, Stacey. Well, just learned from my professor." sagot ko at tumingin sa kanya.
"Sige, hahayaan kita pero sumama ka muna sa akin." pagsang-ayon niya at sumunod naman ako papasok ng laboratory.
Pagpasok ko pa lamang ay pinaamoy niya sa akin ang isang panyong kaya nahilo ako.
"Kuya, bakit mo ginawa yun?" narinig ko pang imik ni Sabrina.
"Kailangan, baby. Ililigtas kita. Aalisin natin yang bomba sa likod mo." rinig ko pang sagot and everything went black.
AMBRY's POV
"Aery, nasan ka na ba?" kinakabahan kong imik. Hinahanap pa din namin si Aery. Kasama ko ngayon sina Rix. Hindi ko na din nakita pa si Eris.
"Magiging ayos din ito, Jyx. Mahahanap natin si Aery, okay?" pagpapakalma sa akin ni Rix.
"But I can't help it." sagot ko sa kanya.
"Matapang at malakas ang loob ni Aery. She will be fine, I know." kalmadong sagot ni Rix.
"Hindi ko pa din maiwasan e. Teka, mukhang alam ko na kung saan natin makikita si Aery." may pag-asang imik ko ng maalala ang daan pa-laboratory sa likod ng building.
"Saan?" tanong naman ni Rix.
"Sa likod ng building!" sabay naming imik. Agad kaming nagtungo doon. Alam kong sina Tita Fei lang ang may motibo para kunin si Aery. They want the first blood formula. Hindi kayo magtatagumpay sa plano niyo Tita Fei at lalong hindi niyo magagalaw si Aery. Pero nabigo kami sa aming dinatnan.
"Mukhang may hinahanap kayo, maaari akong makatulong." imik ng isang pamilyar na boses.
"Saan mo dinala ang kapatid ko?" galit kong sigaw kay Mr. Reyes.
"Well, nasa safe place pa rin naman siya, SA NGAYON." sagot niya at ipinagdiinan ang huling salitang binanggit niya.
"Walanghiya ka! Wala talaga kayong kasing sama!" sigaw ko ulit sa kanya.
"Then, thanks to your bestfriend, Stacey 'cause we're almost done with our plans." sagot niya na ikinagulat ko.
"Si S-stacey? Kung ganon, totoo ang sinasabi ni Jhion." gulat kong imik na ikinangisi niya.
"But wait, bago ka magalit sa kanya, patawarin mo na din siya dahil sa oras na ito, sabay silang mamamatay pagkatapos ma-first blood ni Aery." sagot niya na ikinatakot ko.
"Walanghiya ka!" sigaw ni Rix at akmang susuntukin kaso natigilan siya.
"Sige, subukan mo kung ayaw mong sumabog yang utak mo sa lupa." pananakot ni Mr. Reyes kay Rix at tinutukan kami ng baril.
"Oh? Bakit natigilan ka? Akala ko pa naman excited ka ng mamatay. Huwag kang mag-alala dahil mauuna rin naman kayo kina Aery at Stacey. Mga panggulo at hadlang lamang kayo sa mga plano namin kaya dapat lang sa inyo ang mamatay na." at ipinutok ang baril na hawak niya.
Napapikit ako dahil dun. Dalawang putok ng baril ang narinig ko pero wala akong naramdamang lumapat na bala sa katawan ko. Iminulat ko mga mata ko at nakita ko si Rix na may tama sa kanyang tagiliran at dibdib. Sinalo niya din ang balang dapat para sa akin.
"Rix!" sigaw ko at lumapit sa kanya na ngayo'y nakahiga sa lupa.
"Jyx, umalis ka na. iwan mo na ako. Iligtas mo na ang sarili." mahinang utos sa akin ni Rix.
"N-no, Rix. Hindi kita iiwan dito. Hindi ko hahayaang mamatay ka." umiiyak na ako habang kalong ang kalahati ng katawan ni Rix.
"Jyx, please, iligtas mo na ang sarili. Kapag parehas tayong mabaril dito, paano na si Aery?" umiiyak na din si Rix habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Awww.... Nakaka-touch naman ang love story niyong dalawa. Yan ang mahirap sa tao, humihina dahil sa pagmamahal." nakangisi niyang sagot sa akin.
"Magbabayad kaaaa!!" lumapit ako sa kanya at sinuntok ko siya. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas para gawin yun. Ang alam ko lang ay galit na galit ako sa kanila.
"Malakas din yun para sa isang babaeng tulad mo." sagot niya at pinunasan ang dugong tumulo sa labi niya.
"Gusto mo talagang sumunod sa lalaking yan. Sige, pagbibigyan kita." Kinalabit niya ang gatilyo ng baril niya. Pumikit naman ako na tila hinihintay ang paglapat ng bala. May narinig akong putok ng baril pero walang tumama sa akin.
"Wala kang karapatang saktan siya at mas wala kang karapatan para patayin siya." imik ng isang pamilyar na boses.
"Sabrina?" patanong kong sagot kay Sabrina na binaril si Mr. Reyes para iligtas ako.
"Huwag ka ng magtanong. Umalis ka na kung gusto mo pang mabuhay si Aery. Sa field may daan doon papuntang laboratory. Andun si Aery at Stacey." utos niya sa akin. Napatingin ako kay Rix na ngayon ay lumalaban pa din.
"Sige na, Jyx. I'll be fine." mahinang imik ni Rix sa akin para kumbinsihin ako.
"I'll be back. I love you." Hinalikan ko siya noo at umalis na.
-Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
ספרות נוערPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...