CHAPTER 25

122 2 0
                                    

AERY's POV 

"Oops! Sorry, nadulas." Imik ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

Tumayo ako para harapin ang babaeng gumawa nito sa akin. 

"Miss me, Ambry?" Kapal naman ng mukha nito. Mana sa ate niya. 

"Actually, na-miss kita. Hanggang ngayon kasi, iniisip ko pa rin kung yang mukha mo ba talaga ang definition ng kagandahan." Well, siya lang naman ang nakaaway ko sa cr on my first day here. 

"Nakakatouch naman. And speaking of beauty, wala ka na talagang magagawa dahil ito talaga ang tunay na ganda." Maarte niyang sagot.

"So, ikaw pala si Sabrina Marquez, ang babaeng may gusto kay Jenrix." Then inikutan ko siya.

"Well, kung ganun, wala na rin pala akong magagawa kundi tanggapin na dyosa pala talaga ako." Dagdag ko. Sakto namang may dumaang estudyante sa harapan ko. 

"Akin na muna to ha? Papalitan ko na lang." pagkuha ko sa shake ng nerd na dumaan.

"Oops! Nadulas. Pasensiya na. May sugat kasi ang wrist ko. Hayaan mo, mabango naman yung naibuhos ko sayo." Pagganti ko sa mango shake niya. Well, binuhusan ko lang naman siya strawberry shake. 

"So, si Ate Samantha pala ang may gawa niyan. Magkapatid talaga kami. Yun nga lang, hindi ka pa namatay sa ginawa ko sayo dati." So, siya pala ang may gawa ng ganito kay Ate Ambry. 

"Oo nga? Bakit kaya? Siguro na-realize ng mundo na isang kawalan ang kagandahan ko dito kapag nawala ako. Buti kung ikaw pa, walang magrereklamo kasi yung kagandahan mo, parang password. Yung tipong ikaw lang ang nakakaalam." Pambabara ko. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. 

"Saka, teka lang, may kulang pa sa ayos mo. Kung may panulak, dapat may itutulak. Oops! Nadulas ulit. Mukhang kailangan ko ng ipatingin itong wrist ko. Baka may nadaling nerves, hindi ko na kasi makontrol ang paghawak sa mga bagay-bagay." Dagdag ko pa. Kaya nagalit na siya. Tinapunan ko kasi ulit siya ng spaghetti. Wala na akong pakealam kung marami na ang nakakakita. I may hate attentions pero kung ganito, sorry, I'm enjoying and I love it. 

"How dare you!" Akmang sasampalin niya ako pero napigilan ko. 

"Uh! Uh! Uh! You don't have the right to slap my pretty face. In fact, you should thank me because I just did you a favor. Look at yourself, partner na ang kulay ng katawan mo sa mukha mo. Pinkish glow ba tawag dun? Sorry, di ako expert sa make ups eh, di ko naman kasi masyadong kailangan yun kasi maganda na ako." Pang-aasar ko pa. 

"Ah, ganon?" Hinawakan niya ang wrist kong may sugat at diniinan ang pisil dito. Sa sobrang higpit nun, hindi ko maiwasang mapangiwi. 

"Ngayon mo ilabas ang tapang mo!" At lalo pa niyang diniinan kaya dumugo na ito. Wala na akong nagawa kaya sinikmuraan ko siya. 

"Pasalamat ka, kaliwa ang ginamit ko. Mahina pa iyan. So, tatanungin kita, nasaan ang tapang mo ngayon?" Napaatras siya sa suntok ko at napahawak sa sikmura. Ramdam ko naman ang konting kirot sa wrist ko ng mabitawan niya iyon. 

"You will pay for this! Hindi ka makakaligtas sa ML dahil nagka-warning ka na!" Sigaw niya dahil sa galit. 

"Ah ganun ba? Don't you, remember? I'm a Mendez and I'm Miss Heart's niece. So, hindi ako natatakot sa ML na suki kayong magkapatid." Sagot ko pa kay Sabrina. 

"No, Ambry. I'm Sabrina Marquez. I also have a power to put you there." Angal pa niya. 

"Okay. Dapat may thrill ha? Para naman mas exciting yung comeback ko sa school na ito." sagot ko. 

"Makikita mo, Ambry. You will pay for this. You messed up with a wrong girl, bitch." pagbabanta niya. Feeling naman niya, matatakot ako sa kanya. 

"Okay, gusto mo bigyan pa kita ng sukli. Then, you messed up with a wrong bitch, girl. Because this bitch can do anything she want, even being your worst nightmare." At nginitian siya. 

Tiningnan niya lang ako ng masama at umalis na hawak ang sikmura. Tss...

"Ambry!/Baby JA!" Sabay na sigaw ni Jenrix at Kuya JA pagkalayo ni Sabrina. 

"Okay ka lang ba? Dadalhin kita sa clinic." aakayin na ako ni Jenrix pero pinigilan ko. 

"Wag na. Kaya ko naman. Wala --- " hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nahilo na ako. And before everything went black, I felt someone catch me. Base sa amoy niya, I know it's him.

- Bb. Makata ^_^  

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon