AERY's POV
"Ahh." sakto namang pasok ng transferee kunno pero nagulat ako ng makita ang mukha niya. Imposible.
"Jhion Alexis Mendez from ROS Academy." ngumiti siya sa akin. He is a Mendez but I don't know him.
"Kaano-ano mo si Ambry?" tanong ng sa kong kaklase.
"Ambry?" patanong niyang sagot kaya tinuro naman ako ng mga kaklase ko.
"Ahh, ikaw pala." makahulugan niyang sagot kasabay ng kanyang makahulugan ring ngiti. Nakatingin naman yung mga kaklase ko sa akin na tila ba naghihintay ng sagot at reaksyon ko.
"What? If I know him, kanina pa ako nag-react. Com'on! Hindi porket Mendez, kilala ko na." pagtataray ko and rolled my eyes.
"Ok, class. Quiet. Mr. Mendez, you may sit." utos ni Miss Arellano. Umupo naman siya sa upuang katabi ko sa kabilang row.
"Hi!" bati niya sa akin. Kamukhang-kamukha niya si Dad. At kung mag-wig naman siya ng pambabae, kamukha siya naming ni Ate Ambry na akala mo'y triplets kami. Yung features ng mukha niya ay pinaghalo nina Dad at Mom.
"Alam kong gwapo ako pero baka matunaw naman ako niyan, Ambry." ngumisi siya at ipinagdiinan yung Ambry. May pagkamahangin din eh noh?
"Ah, sorry. May kamukha ka kasi." sabi ko at tumingin sa harapan.
"Ah, okay. Sabi kasi ni mommy ko, kamukha ko daw si Daddy." sagot niya kaya napatingin ulit ako sa kanya. Don't tell me, kapatid ko siya sa ama. No way! Mahal na mahal ni Dad hanggang ngayon si Mom kaya imposibleng magkaroon ng iba si Dad.
"Okay?" alangan kong sagot sa kanya at hindi pinansin.
*fast forward*
"Class dismissed. Tommorow, be prepared for a quiz." at umalis na si Miss Arellano.
"Ahmm, Ambry, can I ask you a favour?" tanong ni Jhion. Ayos to ah. FC agad ang loko kahit ngayon lang kami nagkakilala.
"What is it?" tanong ko in a plain way.
"Pwede m ba akong i-tutor sa subject natin kanina? May quiz kasi bukas at bago lang ako. So, pwede ba?" nahihiya niyang tanong at kumamot pa sa bandang batok. Well, wala naman sigurong masama. Wala rin naman akong gagawin.
"Ok, sige. Wait lang." sagot ko. Magpapaalam sana ako kay Jenrix pero wala na sila? Pati si Yelo? Hindi ko sila napansing umalis.
"Tara na." aya ni Jhion. Ay! Maglilinis pa pala? Maglilinis pa kasi ako ng restrooms." Tanong ko
"Okay lang naman. Hihintayin na lamang kita sa labas." nakangiti niyang sagot. Kamukha niya talaga si Daddy. Nami-miss ko na sila. Kamusta na kaya siya at yung paghahanap niya kay Ate Ambry.
"Sige, salamat." sagot ko at pumunta na sa restrooms. Pero nagulat ako sa nakita ko. Malinis na naman ito at may note na naman akong nakita sa may dingding.
"Alam kong magtu-tutor ka kaya nilinis ko na. Baka gabihin ka pa. (J)" basa ko na naman sa isang note. Sino ka bang J ka? Bakit ayaw mong magpakilala at magpakita para makapagpasalamat man lang ako sayo.
"Oh? Akala ko ba, maglilinis ka ng CR? Ang bilis mo naman, kapapsok mo lang di ba?" nagtatakang tanong ni Jhion sa akin paglabas ko ng CR.
"Ewan ko ba? Malinis na eh." nagtataka ko ring sagot. Alangan namang multo ang maglinis?
"Sino naman kaya ang naglinis?" nag-iisip na tanong ni Jhion.
"No idea. Kaninang umaga din, may naglinis. Hayaan na lang natin. Tara na nga sa library para maaga tayong makatapos." aya ko sa kanya at nagpunta na kami sa library.
- Bb. Makata

BINABASA MO ANG
First Blood
Подростковая литератураPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...