AERY's POV
"Congrats!" bati sa akin ni Jenrix pagkaupo ko. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Wala naman akong sinalihang contest na nanalo ako sa pagkakaalala ko.
"Para saan?" nagtataka kong tanong.
"Dahil hindi mo na kailangang magpanggap as Ambry. Masaya ako para sa'yo." nakangiti niyang sagot. Nakikita kong masaya talaga siya. Siguro dahil bumalik na rin si Ate Ambry. Matutuloy na talaga yung love story nila. Siguro on shocked lang talaga siya kahapon kaya ganun ang ikinilos niya.
"Well, then thank you. Masaya din ako para sa'yo." sagot ko at ngumiti.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Kasi matutuloy na kung anong meron sa inyo ni Ate Ambry. Alam mo, miss na miss ka na niya." sagot ko.
"Ahh... G-ganon ba?" sagot niya in a plain tone. Huh? Ang bilis naman magbago ng mood niya. Dinaig pa ang babaeng may moodswings.
"Oo. Bukam-bibig ka niya magdamag. Napuyat pa nga ako sa dami ng kwento niya." sagot ko.
"Ahh..." sagot lang niya. Anyare sa lalaking ito? Ang saya lang kanina tapos nung mabanggit ko si Ate Ambry, nag-iba ang mood. May mali, I can feel it.
"Anong klaseng sagot yan? Hindi ka ba excited na makita at makasama ulit si Ate Ambry?" nagtataka kong tanong.
"Ah... Excited din naman. Syempre, mahal ko yun." sagot niya at ngumiti ng bahagya.
"Okay?" patanong kong sagot at humarap na sa unahan. Nakinig na lang ako sa discussion ni Miss Arellano dahil may quiz na yan mamaya.
AMBRY's POV
*discuss*
*discuss*
*discuss*
*kriiinnggg!!!*
Sa wakas, tumunog na ang bell. Pupunta ako ngayon sa building nina Aery. May ite-take akong subject sa room nila. Hindi yun alam ni Aery kaya sigurado akong magugulat yun. Gustung-gusto pa naman ako nun makasama.
"Di ba si Ambry yan? Bumalik na ba ang alaala niya?" - girl 1. Hayyss... Bulungan na naman.
"Yung ayos niya, tulad na ng dati." - girl 2. Sabat pa nito. Wala ba silang magawa sa buhay nila?
"Yes, girl. Bumalik na ang alaala niya. Balita ko nga din, nagtransfer dito yung twin sister niya from abroad." - girl 3. Bilis talaga kumalat ng balita.
"Talaga? May twin sister siya?" gulat na sagot ni girl 1. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na sa classroom nina Aery.
Sakto namang nakasalubong ko si Mr. Reyes. Ang prof nina Aery for next subject.
"Miss Mendez? I thought you're a nursing student now? What brings you here in engineering building?" tanong ni Mr. Reyes.
"Ah, sa inyo po sana ako aattend ng aking next subject. Kung okay lang po sa inyo?" sagot ko at ngumiti.
"Ah, ganun ba? Sige, sabay na tayo at ipapaalam ko sa klase." sagot niya. Pina-stay niya muna ako sa labas at nauna siyang pumasok.
"Okay, class, someone will be your classmate for my subject only." Panimula ni Mr. Reyes at sinenyasan akong pumasok na ng room. Nakatuon sa paglalakad ko ang buong klase.
"Hi! It's nice to be back. Jyxie Ambry Mendez." pakilala ko ulit at tumingin kay Samantha na gulat na gulat.
JENRIX's POV
"Hi! It's nice to be back. Jyxie Ambry Mendez." pakilala ni Ambry at tumingin siya kay Samantha na gulat na gulat.
Kahit ako naman. Tumingin naman ako kay Aery na bakas sa mukha niya ang saya dahil makakasama na niya ang Ate Ambry niya.
"Huy!" sigaw sa akin ni Aery.
"Anyare sayo? Kanina ka pa tulala at nakatitig sa akin?" tanong niya at napatingin naman ako kay Ambry na kanina pa palang nasa harap namin.
"A-ahh... Sorry. May sinasabi ka ba?" nahihiyang tanong ko.
"Sabi ko dito na uupo si Ate Ambry at tatabi na lang ako kay Kuya JA." sagot niya. Bakit kay Jhion pa.
"Okay." plain tone kong sagot.
"Hi, Rix!" bati sa akin ni Ambry pero di ko yun napansin dahil sinundan ko ng tingin si Aery papunta sa tabi Jhion.
Sinundan ng tingin ni Ambry ang tinitingnan ko at nagulat siya ng makita iyon.
"Imposible." rinig kong gulat na bulong ni Ambry.
- Bb. Makata
BINABASA MO ANG
First Blood
Teen FictionPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...