CHAPTER 56

38 0 0
                                    

AERY's POV

Andito ako ngayon sa field. Pinapunta ako dito ni Stacey kasi may sasabihin daw siya. Ako din, meron dahil alam ko ang plano niya. Alam kong nakipagkasundo siya kina Tita Fei na sobra na ang kasakiman at kasamaan. Well, nagtataka siguro kayo kasi pumunta ako kahit alam ko na plano nila. Alam ko kasing sa likod ng building ang tagpuan nila. Eh sa field niya ako pinapunta kaya ayos lang. Maliban na lang kung pinalitan nila ang lugar. Wait? Pinalitan ang lugar. Shit! She tricked me. Kailangan ko ng umalis dito.

"Mukhang nagmamadali ka ata, Miss Mendez." imik ng isang lalaking lumabas mula sa isang puno. Tanging anino lang ang nakikita ko mula sa kanya dahil sa dilim ng pwesto niya.

"Who are you?" matapang kong tanong sa kanya.

"Well, mukhang matapang ka nga na siyang pinagkaiba mo kay Ambry." sagot pa niya at tuluyan ko ng nakita ang mukha niya ng maglakad siya palapit sa akin.

"As expected, it's you, Mr. Reyes." nakangisi kong sagot.

"Based on your reaction, mukhang alam mo nang may kinalaman ako sa mga plano ni Miss Fei." nakangisi rin niyang sagot.

"Well, lets just say, I like games full of tricks and traps. Kaya sige ka, baka mabiktima kita." sagot ko sa kanya at lumapit ng kaunti.

"But still, wag kang pakampante. Baka ikaw ang mahulog sa sarili mong bitag." siya at sinuntok ako sa sikmura. Shet, di ko akalaing kaya niyang manakit ng babae sa ganitong paraan.

"Wala ka talagang kwenta. Kahit babae, sinasaktan mo." sagot ko na medyo ngumingiwi pa.

"Well, wag ka ng magtaka. Nagawa ko ngang i-rape ang kapatid mo. So asahan mo ng higit pa dito ang kaya kong gawin kahit babae ka pa." sagot niya.

"Walanghiya ka! Ikaw pala ang rapist ng ate ko." namumuo na sa sarili ko ang galit ko.

"Yes, Aery. I'm the only one." at proud pa siya. Kaya lalo akong nagalit sa kanya. Babawian ko sana siya ng suntok kaso napigilan niya.

"Not so fast, Aery." pigil niya at muli akong sinuntok sa sikmura.

"Baby JA!!!" sigaw ni Kuya JA ng makita kaming dalawa ni Mr. Reyes.

"K-kuya JA!" tanging naisagot ko then everything went black.

JHION's POV

"Shit!" naisigaw ko na lang ng makaalis na si Mr. Reyes kasama si Aery.

Agad akong bumalik sa event hall at hinanap si Stacey.

AMBRY's POV

"Oh, Tams? Hindi mo kasama si Aery?" tanong ko kay Stacey ng makita ko siya.

"H-hindi. Bakit?" sagot niya at ininom ang hawak niyang wine.

"Edi ba, magkausap kayo kanina?" takang tanong ko sa kanya.

"Yup, pero di ba nga, iniiwasan niya ako? I want to talk to her pero tinanggihan niya ako." sagot sa akin ni Stacey.

"Ah, okay?" patanong kong sagot pero nagulat ako ng biglang hablutin ni Jhion ang braso ni Stacey.

"A-aray." Hinaing ni Stacey sa paghawak sa kanya ni Jhion. Bakas sa mga mata niya ang galit? Bakit at anong meron?

"Oy, teka, Pre. Girlfriend ko yang sinasaktan mo. Konting respeto naman sa babae." pigil ni Zhed kay Jhion.

"Jhion, bitawan mo nga si Stacey. Nasasaktan na siya." pagpigil ko din sa kanya pero di niya kami pinansin.

"Mamaya kayo makisali, Ambry." may awtoridad niyang sagot sa akin.

"Ngayon, Stacey, nasaan si Aery?" galit niyang tanong sa akin.

"H-hindi ko alam. Ayaw niya nga akong kausapin e." pagsagot ni Stacey na medyo ngumingiwi pa dahil siguro sa paghawak ni Jhion.

"Magsasabi ka ba ng totoo o hindi?" medyo inangat pa niya ang braso ni Stacey at mababakas ang mas paghigpit niya sa dito.

"Ano ba! Jhion? Nasasaktan na ako." tuluyang pagrereklamo ni Stacey.

"Oo nga, Jhion! Pwede ba? Babae pa din yang kaharap mo!" medyo inis ko ng sagot sa kanya.

"Pwede ba, Ambry, huwag mong ipagtanggol ang babaeng ito. Isa siyang traydor!" galit na sagot sa akin ni Jhion na ikinabigla ko.

"Ta-traydor? Paano?" tanong ko at tumingin kay Stacey.

"Siya ang dahilan kung bakit nawawala si Aery. Siya ang nagbigay kina Miss Fei at Mr. Reyes kay Aery kapalit ang kalayaan niya." sagot ni Jhion.

"To-totoo ba yun, Tams? Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. I never expected na magagawa niyang traydorin kami.

"Tams, it's not true. Huwag kang maniwala sa kanya. He's from ROS Academy, right? Gumagawa lang siya ng kwento. Ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi siya mapagkakatiwalaan." depensa ni Stacey.

"I'm not making a story here. Ikaw ang gumagawa ng kwento, Stacey. Nakita kita kanina at ikaw mismo ang nagpapunta kay Aery sa field para makuha siya ni Mr. Reyes." sagot naman ni Jhion na ngayon ay nakabitaw na kay Stacey.

"M-mr. Reyes?" agad akong kinabahan at tumingin kay Stacey.

"No, Tams. Wala akong kinalaman dun. Sinisira lang tayong dalawa ni Jhion dahil ang totoo, siya mismo ang may gustong kumuha kay Aery." sagot niya na ikinatigil ko. Pero ano naman ang mapapala ni Jhion sa pagkuha niya kay Aery?

"Pwede ba, Stacey! Magsabi ka na lang ng totoo! Lalo mo lang pinapalaki ang kasalanan mo sa kanila!" sigaw ni Jhion na akmang hahawakan na naman si Stacey pero pinigilan siya ni Zhed.

"Alam mo, Pre, may kasalanan o wala, babae pa rin si Stacey. Deserve niya pa ring irespeto." pagtatanggol ni Zhed sa girlfriend niya.

"At alam niyo? Kung ayaw niyong maniwala, ako na lang ang maghahanap kay Aery. Sana lang, huwag niyong pagsisihsn ang ginawa niyong pagtatanggol ngayon sa babaeng iyan." yan lang ang huli niyang sinabi bago umalis.

"Restroom lang ako." paalam naman ni Stacey at umalis. Sinamahan naman siya ni Zhed. Wala si Eris, di ko alam kung nasaan, bigla na lang nawala e.

"Rix, totoo kaya nag sinasabi ni Jhion tungkol kay Stacey?" tanong ko sa boyfriend ko na tahimik lang at nakatitig sa isang direksiyon.

"Uyy, Rix!" pagtawag ko ulit sa kanya.

"Huh? Ano ulit yun?" tanong niya sa akin.

"Kung sa tingin mo, totoo ang sinasabi ni Jhion tungkol kay Satcey?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"Hindi ko alam, Jyx pero isa lang ang sigurado ako. Totoong nawawala si Aery at kailangan na natin siyang hanapin." seryoso niyang sagot. Ito na ba yung dahilan ng kutob ko kanina?

Umalis na kami dun para hanapin si Aery. Isa lang naman ang maaaring kumuha kay Aery. Sina Tita Fei at Mr. Reyes. Stay safe, Aery.

SOMEONE's POV

Konting panahon na lang. Matatapos din ang lahat ng ito. Mukhang kailangan ko na din kumilos.

- Bb. Makata

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon