CHAPTER 45

70 1 0
                                    

AERY's POV

"Hangin ko..." malumanay na tawag sa akin ni Yelo habang naglalakad kami papuntang dorm. Hindi na kami umattend ng class dahil wala si Miss Arellano gaya ng sabi ko kanina.

"Oh?" walang gana kong sagot na hindi man lang tumitingin sa kanya. Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad.

"Galit ka pa rin ba?" tanong niya. Nakasunod lang sa amin si Jenrix na buhat si Brix. Mukha talaga silang mag-ama. Sana nga, siya na ang ama ni Brix.

"Kaninong anak kaya yung buhat ni Jenrix?" student 1. Infairness kay Jenrix, kilala din siya dito sa Nursing building. Sabagay, jowa ni Ambry.

"Baka anak nila ni Ambry." student 2. Well, mukha nga silang mag-ama.

"Ayy, ang cute nila." si student 1 na tuwang-tuwa pa.

"Uyy!" sigaw niya sa akin with kulbit pa.

"Aray! Sakit sa tenga ha? Ano ba kasi yun?" irita kong sagot.

"Kanina ka pa kasing tulala. Sabi ko kung galit ka pa din?" pag-uulit niya sa tanong niya kanina.

"Hindi ako galit." sagot ko kay Yelo.

"Sure ka?" pagtatanong niya ulit para makasigurado.

"Oo." maikli kong sagot. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Iniisip ko lang yung mga nalaman ko today.

"Sige." sagot niya at umakbay sa akin. Hindi ko na siya tinutulan, baka magtampo na naman kagaya kanina.

Umupo agad ako sa sofa pagkadating sa dorm. Pinapasok ko na muna sina Jenrix at Yelo. Siguro nandito si Dad dahil siya lang naman ang maaaring magdala dito kay Brix.

Hayss... Habang nagpapahinga ako, tahimik lang naman si Yelo. Nilalaro naman ni Jenrix si Brix.

*tok! tok!*

Si Ambry na siguro yun kaya binuksan ko na ang pinto.

"Hi, Tams. Na-bored ka ba kakahintay?" bungad ni Stacey kasama si Ambry.

"Di naman masyado." sagot ko at pinapasok sila.

"Susunod daw si Dad. Nakasalubong ko siya kanina. Dadaan lang daw muna siya kay Tita Fei." sagot ni Ambry at umupo.

"Mommy!" sigaw ni Brix at tumakbo kay Ambry. Lumapit naman si Jenrix.

"So, care to explain everything? At kung sino ang ama ni Brix?" tanong ni Yelo.

"Okay. Let's just wait Dad. Kailangan nandito rin siya." sagot naman ni Ambry.

"Ahmm... Eris, what if ikaw ang ama ni Brix? What will you do?" biglang tanong ni Stacey kaya napatingin kaming lahat kay Yelo na tahimik lang sa tabi ko.

"Wala." plain niyang sagot.

"Wala?" di ko tuloy napigilang sumagot sa reaksiyon niya.

"Yes, Hangin. Wala. Ikaw lang ang gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko." sagot niya at ngumiti.

"Ang cheesy mo. Tss..." sagot ko at tumingin sa ibang direksyon.

"Pero alam kong kinilig ka." sagot niya at umakbay.

"Tss... Dugo't laman mo yun, itatakwil mo." seryoso kong sagot pero kinilig talaga ako. Haha...

"Ito naman, nagbibiro lang saka di ko anak si Brix. Kung ikaw ang ina niya, papayag ako." ngising-ngisi niyang sagot.

"Tse! Tigilan mo ako." sagot ko.

"So, Ambry, sino ba kasi ang ama ni Brix?" tanong ko ng mapansin kong nasa amin na ang atensyon nilang lahat.

"Si ano---" hindi na nakasagot si Ambry ng may kumatok sa pinto.

"Si Dad na siguro yun." sagot ni Ambry kaya binuksan naman ni Stacey ang pinto.

"Hi, Tito!" bati ni Stacey kay Dad.

"Hello. It's good to see na kumpleto na kayo." simula ni Dad at lumapit na sa pwesto namin.

"Teka, may kulang pa." imik naman ni Stacey kaya inikot ko ang paningin ko. Inisip ko kung sino ang kulang. Imposible namang si Kuya JA. Duh! Mas madami pa nga yatang alam yun kaysa sa amin.

"Sino naman?" tanong ko ng di ko talaga malaman kung sino.

"Si Zhed." imik naman niya. Oo nga no? Simula nung pinagpareha kami ni Miss A, nawala na yun. Wala na siyang exposure.

"Ayyiiee... Si Tams, hindi mo talaga nakalimutan si labidabs mo ano?" pang-aasar ni Ambry kay Stacey.

"Labidabs??" nagtataka kong tanong.

"Ah... Eh... Ih..." simula ni Stacey.

"Oh... Uh..." dugtong naman ni Brix na para bang binigkas ang mga vowels ng alphabet. Tumawa pa ito kaya natuwa naman kami.

Sakto namang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ni Stacey.

"Hi guys! Di niyo man lang ako ininform na may meeting pala. Nakakatampo kayo ha. Hindi ko pa malalaman kung hindi ako tinext ng Labidabs ko." bungad agad ni Zhed at umakbay pa kay Stacey. Teka nga, may mali talaga eh.

"Teka lang ha, Ingay. Kailan pa kayo naging close dalawa. Marinig nga lang ang pangalan niyo, grabe kayo makareact tapos ngayon, with akbay pa?" whew! Mahaba din yun ah.

"Ah, well... to tell you guys. Stacey and I are officially dating." nakangiting sagot ni Zhed.

"What? Bakit wala kaming alam?" nagtataka kong tanong.

"Eh paano? Busy ka sa Yelo mo." sagot naman ni Stacey with rolled eyes pa. Di ba nasakit yung mata niya kakapaikot?

Tumingin ako kay Yelo na wala man lang reaksiyon.

"What?" tanong niya ng mapansin ang pagtitig ko sa kanya.

"What?" panggagaya ko sa sinabi niya.

"Yan lang reaksiyon mo? Don't tell me, alam mo din?" dagdag ko pa.

"Ahmm..." nag-aalangan niyang sagot at tumingin sa ibang direksiyon.

"Ahmm-ahmm ka diyan! So, alam mo tapos di mo man lang sinabi sa akin?" inis kong tanong.

"Hindi ka naman nagtatanong eh." sagot pa ng Yelong ito. Tunawin ko na kaya ito? Ayy wag pala, mawawalan ako ng ka-loveteam saka sayang ang kanyang cuteness.

"Ahh... Ganun? So, kailangan ko pang magtanong?" sagot ko pa.

"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang---" hindi ko na siya pinatapos.

"Ano? Bahala ka diyan!" sagot ko at hindi siya pinansin.

"Mommy Aery, are you fighting?" tanong ni Brix sa amin.

"No, Baby. We're just playing the game, "Walang pansinan, bahala ka diyan". That's it, baby." sagot ko kay Brix. Nice! May ganung laro pala? Saan mo nakuha yun, Aery?

"Ahh..." sang-ayon na lang ni Brix.

"May ganun bang laro, Hangin?" maang-maangan at patay-malisyang tanong ni Yelo. Isa na lang talaga at bibingo na ito sa akin.

"Oo, gusto mo, try natin?" tanong ko at ngumiti ng peke.

Sasagot pa sana si Yelo pero umimik naman si Stacey.

"Ehem!" fake cough pa niya.

"May kasama po kayo. Hindi lang kayong dalawa ang nasa room na ito." dagdag ni Stacey with rolled eyes, as usual.

Tumigil na kami ni Yelo sa kung anuman ang ginagawa namin.

"So, pwede na naman sigurong mag-start di ba? Interested pa rin naman di ba?" sarcastic na tanong ni Ambry at tumungo lang naman ako. Umayos ako ng upo para makinig.

- Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon