AERY's POV
"Anong book ang hihiramin natin?" tanong ko dito sa kasama ko.
"Bahala ka na. Basta magagamit natin. Ikaw yung magtuturo, di ba?" aba't binara pa ako. Huwag ko na kaya itong turuan.
"Ahm, ma'am pahiram po ulit ng book. Dito ko na po gagamitin." imik ko sa librarian. Yung creepy.
"Ah, mag-log ka na lang dito." at pinasulat ako sa isang logbook.
"Ah, salamat po." sagot ko na lang at nagsulat na.
"Kasama mo pala si Jhion." banggit ni Miss Librarian kaya napatingin ako kay Jhion na medyo gulat at naghihintay ng explanation.
"Hello po, Lola." what? lola niya to? at nakipagbeso pa maging sa akin. Kahit creepy ang dating niya sa akin, nakipagbeso na rin ako.
"Anong gagawin niyo, Jhion?" tanong ni Miss Librarian.
"Magpapatutor po ako kay Ambry." sagot ni Jhion at tumingin sa akin yung lola niya kunno.
"Ah, ganun ba? Ito na yung librong hinihiram niyo." inabot sa akin ni Miss Librarian ang isang math book.
"Salamat po." ngumiti ako then naghanap na kami ng pwesto.
"Dito na lang tayo." sabi ni Jhion at umupo sa isang pwesto na nasa bandang dulo ng library.
"So, saan tayo magsisimula?" tanong ko kay Jhion at binuklat ang libro.
"Ahm, Ambry. Hindi talaga ako magpapatutor sayo. Napag-aralan ko na yan nung nasa ROS Academy pa ako." sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"So, anong purpose ng pagkikita nating ito?" tanong ko.
"Para masolo kita at maging close tayo." nakangiti niyang sagot at tinitigan ako. Nakakailang tuloy.
"Look, hindi porket isa kang Mendez, basta ka na lang makiki-FC sa akin." pagtataray ko sa kanya and rolled my eyes.
"Malay mo magkamag-anak pala tayo. Eh di close na agad tayo. No need for adjustments." sagot pa niya. Hindi ba siya nangangalay ngumiti.
"Kung kamag-anak kita, eh di sana kilala kita. Sinabi ni Dad sa akin lahat ng kamag-anak namin. At wala siyang nabanggit na Jhion Alexis." dagdag ko pa.
"Hindi sadya nila ako kilala. Saka ang taray mo talaga. Ibang-iba ka talaga kay Ambry." nangunot at nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Don't tell me alam niya ang secret ko?
"What do you mean?" tanong ko.
"I know that you're not Ambry. You are Aery. You are here to pretend because Ambry was kidnapped." nakangiti niyang sagot na siya namang ikinagulat ko.
"How did you know that? Don't tell me, ikaw ang nag-pakidnap sa kanya?" pabulong ko namang tanong sa kanya.
"Because I am a Mendez. Pero dalawang babae lang ang may alam nun bukod sa mga kaibigan at kaklase ko. And let just say that I have my own sources." paliwanag niya.
"Sino naman yung dalawang yun?" tanong ko
"Si mommy at ikaw." nakangiti na naman niyang sagot.
"Paano mo nalamang ako si Aery?" nagtataka kong tanong.
"Secret. Saka ko na sasabihin sa'yo. Hindi pa ito ang tamang panahon." sagot niya and pat my head.
"Tamang panahon? AlDub ang peg? Pwede namang ngayon na. Malalaman ko rin naman eh. Advance ako mag-isip." katwiran ko pa.
"Alam mo Aery, lahat ng bagay, may tamang oras. Hindi porket advance ka mag-isip, mamadaliin mo ang isang bagay na gusto mo. Parang yung kapag aalis ka, sa pagmamadali mo, may nakakalimutan ka." mahaba at madrama niyang paliwanag.
"Oo na kaya tumigil ka na sa kadramahan mo. Tara na lang bumalik sa mga dorm natin." pag-aaya ko.
"Sige, basta friends na tayo. Ayos lang na mataray ka. Alam ko namang mabait ka rin." nakangiti na naman niyang sagot.
"Sus! Nambola pa. Oo na. Ibalik mo na itong libro sa lola mo at hihintayin na lang kita sa labas." Ibinigay ko sa kanya yung libro at nauna ng lumabas. Ang creepy kasi magsalita ng lola kunno niya.
Hayyss... Habang tumatagal, dumarami na ang nakakaalam ng secret ko. Ate Ambry, asan ka na ba?
- Bb. Makata ^_^

BINABASA MO ANG
First Blood
Fiksi RemajaPrologue AERY's POV "May ginawa ka na naman daw gulo sa school niyo." bungad ni Dad sa akin pagdating ng bahay. "It's not my fault. It's just that, malakas ang kapit ng nakaaway ko sa principal ng school namin. "Lagi ka na lamang gumagawa ng gulo. A...