CHAPTER 11

134 4 0
                                    

AERY's POV

Andito kami ngayon sa gym ng school. Dismissed na daw ang klase pero bago kami pauwiin ay pinapunta kami dito dahil mayroong announcement ang headmistress.

"Ano kaya ang announcement?" nagtatakang tanong ni Zhed. Oo, kasama ko na naman sila. Wala pa si Stacey eh.

Tumahimik ang mga estudyante ng dumating si Tita Fei.

"Good day, students. Meron akong importanteng announcement. ML is back." maraming estudyante ang nagulat at natakot?

"Rix, ano ba ang ML?" tanong ko sa lalaking katabi ko na nakaakbay pa. Mas okay na yun kaysa holding hands at hawak sa waist.

"ML stands for MomoLab." sagot niya. MomoLab? Iyon yung kinukwento ni Stacey na kung saan nagaganap ang first blood.

"Pero bakit? Di ba nawala na yun?" tanong ko.

"Sabay ng pagkawala mo ay ang pagkawala din ng MomoLab." sabat ni Yelo. Kanina, pangiti-ngiti pa sa akin tapos ngayon, cold na naman. Tss...

"Pero anong dahilan at biglaan?" tanong ko

"Isa lang ang maaaring dahilan." sagot ni Stacey na kadarating lang.

"Kabilang sa mga bagong dating ang kailangan nila." Bigla akong namutla sa sinabi ni Stacey. Alam kong wala akong dahilan para kabahan lalo pa't kilala ako bilang si Ambry na alam ng lahat na hindi na isang birheng maituturing. Pero bakit ganun? hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at takot.

"Jyx, are you okay?" tanong ni Jenrix sa akin.

"O-oo, ayos lang ako." at tumingin sa harap.

"Huwag kang mag-alala, birhen lang ang kailangan nila. At sigurado akong hindi ka kasama." sagot ni Rix. Bakit alam niya? Siya kaya ang nakasama ni Ate Ambry sa MomoLab? Siya kaya?

"Para sa mga new students, kung ayaw niyong mapunta doon, umiwas kayo sa gulo. Dahil sigurado akong paglabas niyo ng kwartong iyon, magbabago ang buhay niyo. At sa mga old students na nakapasok na doon, hindi ibig sabihin, ligtas na kayo sa parusang iyon." paliwanag ni Tita Fei at tumingin siya sa akin.

"Kaya mag-iingat kayo." huling sinabi ni Tita Fei at tumigin sa akin. Umalis na siya at bumalik na kami sa mga dorm namin.

Hinatid ako ni Jenrix hanggang sa dorm. Ayaw ko sana kaso nagpumilit siya.

"Bye, Rix." paalam ko sa kanya pagdating sa harap ng pintuan ng dorm namin.

"Bye, Iloveyou." paalam rin nya at hinalikan ako sa noo. Tumalikod na ako. Hindi ko magawang sagutin ang Iloveyou niya dahil hindi naman ako si Ate Ambry at hindi ko siya mahal.

"Wala man lang Iloveyou too? Matapos niyang magpaka-sweet sa'yo kanina?" bungad na tanong ni Stacey sa akin."Stacey, I told you, di ba? No more feelings." bored kong sagot at dumiretso sa kama ko.

"Kahit man lang last Iloveyou?" at sumunod sa akin. Last? Wala pa ngang first at wala akong balak.

"Wala. Saka nga pala, bakit hindi mo sinabing anniversary namin ngayon? Hindi ko din nasabi yung dapat kong sabihin." tanong ko to change the topic.

"Sinabi ko kaninang umaga." plain niyang sagot.

"Hindi ko narinig. Dapat kagabi mo pa sinabi para naman prepared ako." angal ko

"Luh? di ka naman nagtanong eh. Saka malay ko bang may pa-surprise sa'yo si Papa Jenrix." katwiran niya and rolled her eyes.

"Haisst. Hayaan mo na nga, next time ko na lang gagawin." wala na akong nagawa at pumunta na lang sa kusina. 

-Bb. Makata ^_^

First BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon